Bachelors pad
43 stories
MARRYING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 424,896
  • WpVote
    Votes 11,133
  • WpPart
    Parts 13
Nasusuong sa malaking problema si Lettie. Biglang sumulpot ang kaniyang ama na matagal na panahong nagtago dahil sa halos milyong utang na iniwan nito sa kanila dahil sa pagkalulong nito sa bisyo. At bumalik ito upang sabihing may paraan na itong naisip upang mawala ang mga utang nila - iyon ay ang pakasalan niya ang apo ng matalik na kaibigan ng nasira niyang lola na si Damon Valencia. Labag man sa kalooban niya ay wala siyang napagpilian kung hindi ang pumayag. Ngunit unang beses pa lamang nilang pagkikita ni Damon ay hindi na kaagad maganda ang impresyon niya rito. Tingin niya ay mahihirapan siyang pakisamahan ito. Ngunit nang makasama na niya ito ay narealize niya na hindi naman pala masamang mapangasawa ito. Hanggang sa tuluyan ng mahulog ang loob niya rito. Iyon nga lang alam niyang delikado ang puso niya rito. Dahil kahit nagsasama na sila ay isa pa rin itong estranghero na maraming lihim sa pagkatao. At isa sa mga iyon ang dudurog sa puso niya. PS: this story was originally published March 2012 under Precious Hearts Romances. Ang i-po-post ko dito ay ang unedited version. :) PPS: thank you Abby (@ohCheeseball) for the cover. :)
REMEMBER YESTERDAY by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 639,409
  • WpVote
    Votes 19,807
  • WpPart
    Parts 57
Na kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumikilos at nag-iisip ayon sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Until he met Alaina - his personal chef's daughter. Iba si Alaina sa lahat ng nakilala na niya sa buong buhay niya. She was sunshine personified. Kapag tinitingnan siya nito ay hindi money sign ang nakikita nito kung hindi ang tunay niyang pagkatao. Alaina made Randall human. Pero napakaraming pagsubok ang pilit silang pinaghihiwalay. They were both teenagers then. At kahit anong pagrerebelde ang gawin ni Randall ay hindi niya nagawang protektahan si Alaina. Isang araw, matapos ang isang matinding trahedya, biglang nawala sa buhay niya si Alaina. Ginugol ni Randall ang sumunod na mga taon sa paghahanap sa dalaga. Pero nang sa wakas ay matagpuan na niya ito ay isang rebelasyon ang naging dahilan kaya nasaktan siya nang husto. Hindi siya naaalala ni Alaina.
MISADVENTURES OF A MATCHMAKER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 152,078
  • WpVote
    Votes 4,632
  • WpPart
    Parts 40
Hi, everyone! I'm Kimchi Pineda. Sixteen years old. Laking all girls' school. Pero ngayong senior high student na ako, in-enroll ako ng parents ko sa Richdale Private High School. Dating all boys' school ang Richdale na lately lang naging coed. At mayroon akong misyon sa pagpasok dito-ang mapalapit uli sa kababata kong si Sushi Morales at matulungan siyang makawala sa kanyang rebellious stage. Isa 'yong request mula sa parents namin na hindi ko natanggihan. Kaya kahit nagkaroon kami ng matinding away two years ago na naging reason kaya naging mortal enemies kami, nagpakumbaba na ako at in-approach siya para makipagbati. Hindi naman siguro ako mahihirapan. Miss Congeniality nga raw ako. Pero si Sushi na kung gaano kaubod ng guwapo ay ganoon din kasungit. Nang subukan kong kausapin siya ay bigla akong hinila at isinandal sa pader sabay sabi ng, "Don't talk to me. At mas lalong huwag mo ipagsabi na magkakilala tayo. Maliwanag ba?" Paano na ang mission ko? Susuko na lang ba ako? Siyempre hindi. Fight hanggang mapalambot ang puso ni Sushi Morales!
CRAZY IN PINK (prince's scandal trilogy spin-off) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 162,512
  • WpVote
    Votes 4,551
  • WpPart
    Parts 20
Noon pa man in love na si Winnie kay Jeremy. Hindi niya itinatago ang nararamdaman para sa binata. Kaya lang palagi siya iniiwasan ni Jeremy. Wala tuloy nangyayaring progress sa relasyon nilang dalawa. Kaya nang malaman niya na magbabakasyon sila ng kaibigang si Ailyn sa isang malayong isla kasama si Jeremy, gumana kaagad ang utak niya. Nagdesisyon siyang paibigin ang binata sa pamamagitan ng isang planadong pagkaka-stranded sa isang isla na silang dalawa lang. Mukhang effective ang plano kasi habang stranded sila ilang beses siya hinalikan ni Jeremy. Dama ni Winnie, in love na rin sa kaniya ang binata. Until he learned about her plot. Sa halip na love, naging hate ang nararamdaman ni Jeremy sa kaniya. And Winnie was left with a broken heart.
Wildflowers series book 5: True Love's Passion by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 504,311
  • WpVote
    Votes 12,751
  • WpPart
    Parts 38
Lingid sa kaalaman ng lahat, nagsimula ang pagkahilig ni Yu sa drums at sa musika noong bata pa siya nang makilala niya si Matt na napadpad sa bayan nila. He was the one who introduced rock music to her. Ito ang nagturo sa kanya kung paano tumugtog. Sa loob ng isang linggong nakasama niya ito ay nabago ang buhay niya. It was also the first time she learned how it feels to fall in love with someone. Ngunit kinailangan nitong umalis at ang tanging naiwan nito sa kanya ay isang lumang discman at pangalan nito. Sa paglipas ng panahon ang paghahanap dito ang naging motivation ni Yu para maging matagumpay na musikera. Ngunit kahit labinlimang taon na ang lumipas at sumikat na sila ay hindi niya nakita si Matt. Nang magpasya siyang sumukoay saka naman muling nagkrus ang mga landas nila. Again she strongly felt a mutual attraction from that moment. Ang akala niya magagaya na siya sa mga kaibigan niya na masaya sa piling ng mga mahal ng mga ito. Pero may isang sekreto pala si Matt na hindi nito sinabi sa kanya. Sekretong dumurog sa puso niya
Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONIST by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,039,909
  • WpVote
    Votes 25,624
  • WpPart
    Parts 37
Matagal nang magkakilala sina Apolinario Monies at Sheila Ignacio pero hindi sila magkaibigan. 'Katunayan, palagi silang nagbabangayan tuwing nagkikita. But at the night of Sheila's best friend's wedding, they had a truce. Nakapag-usap sila tungkol sa maraming bagay nang hindi nag-aaway. They got too comfortable and too reckless that they ended up sleeping together. It was supposed to be a one-time thing. Pero hindi na nawala ang physical attraction at kakaibang connection nina Sheila at Apolinario. Ang problema, wala silang romantic feelings sa isa't isa. Gumawa sila ng kasunduan-isang no-strings-attached physical relationship hanggang sa parehong mawala sa sistema nila ang isa't isa. Ang hindi inaasahan ni Sheila ay tatagal nang maraming buwan ang "arrangement" nila. Namalayan na lang niya, in love na siya kay Apolinario. But the arrangement had to end. Kailangan na kasing magpakasal ni Apolinario sa ibang babae-isang pangako sa namatay na ina, na kailangang matupad kahit pa ang kapalit ay ang sariling kaligayahan. Si Sheila naman, kahit in love na sa binata ay mas komportable sa isang casual relationship. Para kasi sa kanya, ang commitment, lalo na ang kasal ay parang isang preso na mahirap labasan. But one day, Sheila got into a car accident that almost killed her. Naging wake-up call iyon para sa kanila ni Apolinario. Nakahanda na ba siyang makulong sa isang relasyon? At si Apolinario, nakahanda rin bang talikuran ang pangako sa ina?
REDEEMING JAMES (R-18) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 3,816,063
  • WpVote
    Votes 72,435
  • WpPart
    Parts 67
(Highest Ranking: #3 in Romance) TRIGGER WARNING: R-18. contains graphic, explicit and sometimes disturbing languages, scenes and situations not suitable for all readers. Please Don't read if you are underage or if you are not comfortable with the elements stated above. unedited version. Out na po sa mga bookstore ang book version na mas maayos at mas maraming scenes. sana po ma-enjoy niyo ang story at makakuha ng book copy kapag nakita niyo sa bookstore. for inquiries, you can check the links sa profile ko. :) ****** Parehong emotionally unstable sina James Salgado at Sasha Dela Torre nang una silang magkita. During that time, James was the worst version of himself while Sasha was grieving and angry. Pero wala sa kanila ang nakapigil sa matinding sexual attraction na mayroon sila. Their one night stand was raw, messy and angry but it was also the best sex Sasha ever had. Sana nga lang hindi na uli sila nagkita. Kasi nang magtagpo sila sa pangalawang pagkakataon nalaman ni Sasha na may hidden agenda pala ang paglapit nito sa kaniya. That night he used her and left her with a broken soul. But Sasha Dela Torre is a strong woman. She was able to pick up the pieces of herself and continue with her busy life. Pero nangako siya sa sariling hindi na uli ma-i-involve kay James Salgado. Two years later, nagkita silang muli. Nagulat si Sasha kasi parang ibang tao na si James Salgado sa lalaking nakilala niya dati. Sa pagkakataong iyon hindi na lang physical attraction ang mayroon sila. Umusbong din ang emotional connection sa pagitan nilang dalawa. At habang lumalalim iyon at habang nalalaman niya kung sino talaga si James, lalong natatakot si Sasha. She was falling in love with him. But can she really handle all his secrets and all his sins?
THE ASSISTANT by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 590,469
  • WpVote
    Votes 18,057
  • WpPart
    Parts 38
(sequel ng story ko na The Late Bloomer) NASA point si Melissa ng kanyang buhay na hindi na love ang priority niya kung hindi pamilya. Bilang isang biyuda na may dalawang anak, nakapagdesisyon na siyang hindi na uli papasok sa isang relasyon. Kaya nang alukin siya ng boss niyang si Dominic Roman para maging executive secretary nito kasi siya raw ang nag-iisang tao na hindi mai-inlove dito, pumayag siya. Parehong malinaw na professional lang ang gusto nilang relasyon at sa unang mga linggo ay ganoon ang nangyari. Pero nang magpunta sila sa Singapore para sa isang business related trip. nagbago ang lahat. May nabuong attraction sa pagitan nilang dalawa. Kay Dominic niya naramdaman kung paano ang alagaan at gawing first priority na kahit siya hindi ginagawa sa kanyang sarili. Kaso pagbalik nila sa Maynila sinalubong sila ng problema. Narealize niya na mas komplikado pala kaysa akala niya ang buhay ni Dominic. Magte-take pa rin ba siya ng risk kahit na may posibilidad na masaktan ang mga anak niya kung ipagpapatuloy niya ang relasyon sa binata?
Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOY by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,676,377
  • WpVote
    Votes 45,076
  • WpPart
    Parts 55
Na kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dark and dirty past which he tried to forget. Except for one thing: his missing daughter, Yona. At paglipas ng maraming taon, saw akas ay nahanap din ni Keith ang kanyang anak. Pero hindi lang si Yona ang natagpuan niya kung hindi pati ang babaeng tumayong ina ng bata, si Sylve.
TIBC BOOK 2 - THE LOVE COACH by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 99,222
  • WpVote
    Votes 4,995
  • WpPart
    Parts 12
Kahit matalino, tampulan pa rin ng panunukso ng kanyang mga kaklase si Angelique dahil sa ayos niya at paraan ng kanyang pananamit. Manang daw siya. Mabuti na lang, hindi ganoon ang pakikitungo sa kanya ng crush niya kaya bilang kapalit ay tinutulungan niya ito sa mga assignment nito. Ngunit natuklasan niyang ang pagtulong niyang iyon ang nais lang pala talaga nito mula sa kanya, at hindi dahil gusto rin siya nito. Hindi raw ito magkakagusto sa isang pangit na tulad niya. Labis na nasaktan siya sa ginawa nito. Aio offered to help her seek revenge on her ex-crush. Ime-makeover daw siya nito upang ipamukha sa ex-crush niya na nagkamali ito nang saktan siya nito. Miyembro ito ng infamous biker's club sa unibersidad nila kaya ito ang huling taong maiisip niyang tutulong sa kanya. Aside from the makeover, sinabi pa nitong magpapanggap silang magnobyo. Pero binalaan siya nito na huwag siyang mai-in love dito dahil baka lalo lang daw mawasak ang puso niya. But she did not heed his warning. Dahil bago pa matapos ang misyon nila, nahulog na nang tuluyan ang puso niya rito.