Captured
graym_blackwolf
- Membaca 217
- Suara 0
- Bagian 5
Hinihingal akong napansandal sa pader, parang mamamatay ako dahil sa nerbiyos, hindi ko akalain na nakita nila ako. Sumilip lang naman ako ng kunti pero nakita nila ako agad, nakakapagod tumakas sakanila.
Humihingal pa rin ako, sumilip ako sa likod at nakita ko silang hinahanap ako, shit kailangan ko ng makaalis dito kung hindi patay ako, ingat akong papunta ng exit ng biglang may isang sumigaw sakanila, lagot ako nito.
"Habulin niyo! Mga walang silbi! Bata lang yan, mga inutil!"Takbo ako ng takbo, nasa gilid na ako ng daan, lumiko ako sa isang eskinita, maraming tao, napa yes ako at siniksik ang sarili sakanila.
Nakita ko silang hinahanap pa rin ako, nakakatawa ang kanilang mukha pero wala na akong panahon para pagtawanan sila kaya dali dali akong umalis doon, pumasok ako sa isang shop at nagtago sa kanilang banyo.
Napahilamos ako ng mukha dahil puno ako ng pawis, tumingin ako sa salamin, nanlaki yung mata ko dahil merong tao sa likod ko.
"Long time no see Shaun"