Precious Heart Romances
40 stories
Let Me Be Your Only One (COMPLETED) by saab_deandrade
saab_deandrade
  • WpView
    Reads 163,593
  • WpVote
    Votes 2,536
  • WpPart
    Parts 11
Supermodel No. 3 John Phillip de Raven, "Ang Papa Phi" ng TMA.
Jackpot In Love (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 94,763
  • WpVote
    Votes 1,463
  • WpPart
    Parts 10
Dahil kinailangan ni Barbie na saklolohan si Hero nang unang beses niyang makita ito sa mall, nawala sa kanya ang lotto ticket niya-at nanalo pa naman ang mga numerong tinayaan niya. Gusto niyang mabalik sa kanya ang ticket dahil iyon ang babago sa buhay nila ng kanyang ina. Kaya nang sabihin sa kanya ni Hero na nasa pangangalaga nito ang ticket niya, agad siyang sumang-ayon sa kondisyon nito para maibalik sa kanya ang ticket-kailangan niyang magpanggap na nobya nito. Pine-pressure kasi ito ng tatlong tiyahin nito na maghanap na ng mapapangasawa dahil kung hindi ay ibebenta ng mga iyon ang shares sa kompanya at mapupunta ang pamumuno niyon sa ibang tao-bagay na ayaw mangyari ni Hero. Kailangan nila ang isa't isa kaya nagtulungan sila. Pero nang makilala ni Barbie nang husto ang binata, tila nawaglit na sa isip niya ang pangarap na maalwan na buhay. Napalitan na iyon ng pangarap na makasama ang binata sa habang-buhay. Ngunit may lihim na maaaring sumira sa pangarap niyang iyon...
Of Love... And Miracles (Completed) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 180,893
  • WpVote
    Votes 5,781
  • WpPart
    Parts 65
"Makapal lang ang guwapong mukha ko pero hindi bato ang puso ko. Nasasaktan din ako." "I... I w-want to hear y-your voice f-for the last time. I... w-want to tell you h-how-how much I love you..." Iyon ang huling tawag na natanggap ni Johna mula kay Prince. She was so scared, hysterical, and helpless. Paano ba kakausapin ang lalaking mahal mo na nag-aagaw-buhay? Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, dahil si Prince ang nagpaalam pero siya pala ang aalis. Natagpuan ni Johna ang sarili na nasa harap na ng isang malaanghel at nakakasilaw na babae. Binuksan nito ang dalang libro at binasa sa kanya ang mga salitang: "Your name is Johna Navales Patterson. Age: Twenty-five years old. Cause of death: Vehicular accident." Napaluha si Johna. Bakit ganoon? Kasisimula pa lang niyang maging maligaya sa piling ni Prince, tinapos na agad ang maikling pamamalagi niya sa mundo. "K-kung kukunin N'yo na ako, at least... at least save Prince. Iligtas N'yo po siya. Please, God. Please..."
The Fortaleza series : Mike Fortaleza by isabelita07
isabelita07
  • WpView
    Reads 277,326
  • WpVote
    Votes 3,062
  • WpPart
    Parts 115
Isa sa mga apat na magkakapatid si Mike Fortaleza isa siyang CEO ng kanila kumpanya ang Fortaleza corporation. ngunit kakaiba ito sa tatlo pa nyang kapatid na lalaki dahil sya ay ang panganay kung kayat suplado ito lahat ng gusto niya ay kaylangan perpekto. kaya nabansagan siyang Mr. Perfect Hanggang sa makilala niya ang isang babaeng mag-papaibig sa kanya. Maging mabait na kaya si mike sa lahat ng bagay? Abangan....
I LOVE YOU, DON'T CRY (Published under Dream Love #11 book imprint) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 106,960
  • WpVote
    Votes 1,311
  • WpPart
    Parts 11
Nakatakda nang ikasal si Ciarra nang muling sumulpot sa landas niya si Miguel, ang kanyang kababata at ex-boyfriend. Ang malditong si Miguel ang kanyang first enemy, ang kanyang first love, first kiss at ang kanyang first heartbreak. Gaano man katagal ang lumipas na panahon, at gaano man niyang pilit na ikaila sa sarili ay na-realize niyang hindi pa rin nagbabago ang epekto ni Miguel sa kanya. Ito lang ang may kakayahang magpatuliro ng isip niya, ang magpa-excite sa kanya nang bonggang-bongga. Kaya lang, alam niyang hindi makatarungan na magpatuloy pa ang kahiwagaang dulot ni Miguel. Kailangan niyang iwasan ito dahil ikakasal na siya sa lalaking sa tingin niya ay mas karapat-dapat sa kanya.
I'LL MAKE YOU FALL IN LOVE WITH ME (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 91,477
  • WpVote
    Votes 1,133
  • WpPart
    Parts 10
"Kung ayaw mo pala akong maging distraction, eh, di gawin mo na lang akong inspiration. Ano sa tingin mo?" Cherry dreamt that she was being kissed by a breathtaking Prince Charming. Dahil doon ay nahumaling siya sa ideya na baka ito ang lalaking nakatakda para sa kanya. Kaya nang makaharap niya ang counterpart ng lalaking iyon sa totoong buhay na si Dr. Atom Aurelio ay literal na nagkandarapa siya makilala lamang ang doktor at mapalapit dito. Lakas-loob pang umakyat siya ng ligaw. Hindi naging madali ang lahat dahil kilala si Atom na hindi naniniwala sa pag-ibig. Pero dinedma lang ni Cherry ang mga sabi-sabi. Sa halip ay nangako pa siya sa sarili that she will make the man fall in love with her. Umasa siya na may magandang kahihinatnan ang pagni-ninja moves niya sa lalaki. Subalit isang gabi, ipinamukha sa kanya ng tadhana na nag-iilusyon lamang pala siya. Talaga nga yatang kabaligtaran ang mga panaginip...
WORTH THE WAIT (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 99,266
  • WpVote
    Votes 1,585
  • WpPart
    Parts 13
Isang sutil na binatilyo pa lang si Greyson nang makilala ito ni Leila. Leila was tasked to look after him. Tinanggap niya ang alok na iyon dahil nawalan siya ng trabaho at mapapalayas na sa inuupahang apartment. Pinagtiyagaan niya ang mga kalokohan ni Greyson dahil wala namang ibang nakatagal sa binatilyo. Sa katunayan si Leila lang ang nakapagpatino kay Greyson at sa kanya lang naramdaman ng binatilyo ang concern na hindi nito nadama sa sariling mga magulang. The inevitable happened. Nagpahayag ng pag-ibig si Greyson kay Leila. Una na iyong tinutulan ni Leila. Greyson was far too young for her. Seven years ang gap ng kanilang mga edad. Ngunit mapilit si Greyson. Dumating ang panahong hindi na rin mapigil ni Leila na mahulog ang damdamin sa binatilyo. Inaasahan na ang pagtutol ng ina ni Greyson kaya gumawa ito ng paraan upang mapilitang umalis ni Leila. Iyon nga ang ginawa ni Leila sa pag-aakalang makabubuti iyon sa kanilang relasyon. Umasa rin siya na sa muli nilang pagkikita ni Greyson ay magiging tama na ang panahon para sa kanilang pagmamahalan. Makalipas ang ilang taon ay muli silang nagkita. At taliwas sa inaasahan ni Leila, kabaligtaran ang nangyari. Dahil ibang Greyson na ang kaharap niya-mula sa isang binatilyong labis na nagmamahal sa kanya ay isa na itong lalaking abot-langit ang pagkamuhi sa kanya...
Don't Let Me Go, Diana by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 322,629
  • WpVote
    Votes 1,970
  • WpPart
    Parts 14
Habang ang isip ko bumubulong na, 'bumitaw ka na,' ang puso ko, humihiling at nagsasabing 'kapit pa.' Isa sa mga pinakamalalang bagay na pwedeng gawin ng isang desperadong tao na na-best friend zoned: Ang sumigaw ng "Itigil ang kasal!" sa mismong araw ng kasal ng best friend niya. Iyon ang ginawa ni Alexis na alam niyang habang-buhay na pagsisisihan pero ginawa niya pa rin dahil sa pagmamahal. Kaya ang resulta: Lumalagapak na friendship over. Sinira ni Alexis ang pinapangarap na kasal ni Diana, his world, his life, his best friend, his heart and soul all rolled into one. Ngayong hindi natuloy ang kasal, mapatunayan niya pa kaya ang sarili kung kontrabida na ang tingin ni Diana sa kanya? O tuluyan na siyang pakakawalan at paaalisin sa buhay nito? Pero huwag naman sana... May spin-off po ang story na ito. Ang In A Town We Both Call Home, kwento po iyon nina Jake at Lea. Here's the link: https://www.wattpad.com/story/195497994-in-a-town-we-both-call-home
I Love You, My Darling Ogress by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 171,031
  • WpVote
    Votes 1,004
  • WpPart
    Parts 5
"Kung mahal mo talaga ang isang tao, walang lugar para sa 'I love you but you deserve someone better.' Dahil kung totoo ang nararamdaman mo para sa kanya, you will become that someone better." (Published Under Precious Pages Corporation) Ginusto ni Trixie na pansamantalang makatakas mula sa magulong mundo ng pagmomodelo kaya bumalik siya sa Pilipinas para magbakasyon. Pero malayo sa peace of mind na inaasahan ang sumalubong sa kanya nang isang lalaki ang lumapit sa kanya at nagpakilala bilang si Alaric Montero. Iginiit pa ng lalaki na fiancé niya ito. Trixie felt like the whole world was spinning right in front of her eyes. Natagpuan na lang niya ang sariling nakakompromiso ang isang buwan na bakasyon niya kasama ang pinakaarogante at pinakaimposibleng lalaking nakilala niya. Pero sa mga araw na kasama niya si Alaric, naranasan niya ang maging masaya. Sa tulong nito, unti-unting nanumbalik ang sigla ni Trixie at nagawa niyang makaahon mula sa kalungkutan. Pero sa huli, kailangan niyang bitawan si Alaric dahil set-up lang pala ang lahat. She was a victim of misidentity...
Bud Brothers 5 - He's The One (COMPLETED) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 170,720
  • WpVote
    Votes 3,052
  • WpPart
    Parts 15
"Wala ka bang balak magpalit ng boyfriend, Lady Picachu?" Hindi na mapapalampas ni Hiromi ang latest na panggigipit sa kanya ng mga miyembro ng kakompetensiya sa negosyo-ang Bud Brothers. Kaya naman sumugod siya sa teritoryo ng kalaban na ang tanging dalang sandata ay ang kanyang katapangan. Ngunit hindi pala sapat ang tapang niya, dahil sa kamalasan, si Ed Lacson ang nakaengkuwentro niya. She had planned to look dignified and poised in front of the adversary, pero nang makita niya ang former male model, lumipad ang composure niya. At mukhang balak siyang i-seduce ng lalaki para mabili ng mga ito ang kompanya niya. He's not my type, wika niya sa sarili, ngunit kahit split-ends niya, hindi niya makumbinsi.