peachxvision
- Reads 227,027
- Votes 6,261
- Parts 44
Hindi man tama ang pagkakataon, nakaramdam ng ginhawa si Chi habang kasama si Gab sa isa sa madidilim na pangyayari sa buhay niya. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit hindi maalis-alis si Gab sa kanyang isipan, at bagaman matagal na niya itong hindi nakikita, tingin niya ay walang makapapalit kay Gab kanyang puso.
Liliit ang kanyang mundo nang malaman ni Chi na naging kaklase ng matalik niyang kaibigang si Anya ang lalaking matagal na niyang hinahanap . . . na siya rin palang kapatid sa labas ni Jet, isa sa pinagkakatiwalaang kaibigan niya.
Dito mag-uumpisa ang kanilang buhol-buhol na ugnayan, pati ang pag-usbong ng mga desisyon kung saan kailangang mamili ni Chi . . . na alam niyang hindi madadaan sa pagpitik lamang ng isang barya.