kimmozy
May lugar kung saan naroroon ang mga tintawag nilang GUARDIAN SPIRIT. Ang mga guardian spirit ay pinamumunuan ng isang di mawaring nilalang na talaga namang kanila itong iginagalang.
Ang mga guardian spirit ay may karapatang mamili ng kanilang pag lilingkuran o maging kanilang master. Nasa sa kanila na kung sino sa mga taong mortal ang kanilang nais na maging master.
Maraming nagkalat na mga masasama sa mundo ng mga mortal kung kaya nabuo ang mga guardian spirit, ilang dekada na ang nakararaan.
Sanggol pa lamang ang isa tao ay mayroon na itong guardian spirit, maliban na lamang sa mga taong hindi napili.
May mga taong wala taglay na guardian spirit na nagiging dahilan kung bakit nagiging mababa ang tingin ng iba sa kanila. Inaalipusta ang iba sa kanila.
Ngunit may mga tao din naman na may taglay na guardian spirit na mabubuti. Yun nga lang ang iba ay nadadala dahil sa kapangyarihan.
Kabilang sa mga mortal ang binatilyong si Allan. Lumaki siya na walang kinagisnang pamilya. Walang ina at ama kahit mga kapatid. Nag iisa lang siyang nakikipag sapalaran sa mundong para sa kaniya ay napaka rahas.
Tulad ng iba ay wala din taglay na guardian spirit si allan. Kung kaya't lagi siyang sinasaktan ng mga taong naka palagid sa kaniya. Mga taong may taglay guardian spirit.
Inaapi siya kasi mahina siya at walang kwenta sa mundo. Wala daw kasi siyang guardian spirit...
Yung ang akala nila....
Hanggang sa dumating ang isang pangyayari na hindi niya kailan man malilimutan....
All right reserved@ 2019