Kuya Soju Files
31 stories
ZIGZAG by JL_Soju
JL_Soju
  • WpView
    Reads 72,460
  • WpVote
    Votes 2,487
  • WpPart
    Parts 12
Sikat na travel vlogger ang kapatid ni Andrea. Nawala ang kapatid niya sa Old Zigzag Road sa probinsiya ng Quezon. Upang mabigyan ng kasagutan ang misteryosong pagkawala ng kaniyang kapatid ay nagtungo siya sa Quezon Province kasama ang ilang mga kaibigan. At makakaharap nila doon ang isang 30-foot-long reticulated python na matagal nang nanalasa sa mga residente sa lugar na iyon. Ang malaking ahas na nga ba ang kasagutang hinahanap ni Andrea o may iba pang misteryong bumabalot sa Old Zigzag Road?
Threesome by JL_Soju
JL_Soju
  • WpView
    Reads 1,117,208
  • WpVote
    Votes 14,016
  • WpPart
    Parts 41
"Papayag ka bang sumiping ang asawa mo sa ibang babae dahil sa gusto nitong magkaroon ng anak?" Hindi kayang bigyan ni AGNES ng anak si TRISTAN. Anak na magiging dahilan sana upang mas maging matibay ang kanilang pag-iibigan. Kaya naman pumayag siya sa ideyang kukuha sila ng isang babae para anakan ni Tristan. Nakilala nila si Monique. Pumayag ito. Nagkasundo silang tatlo na oras na mabuntis si Monique at manganak ito ay iiwan nito sa kanila ang sanggol kapalit ang malaking halaga ng pera. Ngunit makakaya ba ni Agnes na may ibang babae na makakasiping ang kaniyang asawa gabi-gabi? Paano kung ang pag-iibigan nila ni Tristan na pandalawahan ay maging tatluhan dahil kay Monique?
SICK by JL_Soju
JL_Soju
  • WpView
    Reads 970,716
  • WpVote
    Votes 31,489
  • WpPart
    Parts 34
(Now a published book under LIB) Tatlong kwento na sisikaping pabaligtarin ang iyong sikmura! Story 1: AUCTION Hindi mo na ba ginagamit ang iyong puso, utak, mata at atay? Benta mo na! Story 2: FLY Isang pagkakamali. Isang insekto. Anim na buhay kapalit ng isang buhay! Story 3: FLESH Isang kakaibang gawain... masarap bang saktan ang iyong sarili? HANDA KA NA BA?
School Trip by JL_Soju
JL_Soju
  • WpView
    Reads 2,881,210
  • WpVote
    Votes 55,314
  • WpPart
    Parts 36
A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan na ng lahat...Pero ang kaluluwa ni Olivia, nakalimutan na rin kaya iyon? Sasama ka ba sa isang kakaibang field trip? Marami kang matututunan dito tulad ng pagsigaw ng malakas, pagtakbo ng mabilis at pagtakas sa kamatayan!
Dara Kara by JL_Soju
JL_Soju
  • WpView
    Reads 2,198,292
  • WpVote
    Votes 48,202
  • WpPart
    Parts 1
(PUBLISHED BOOK UNDER LIB) Sa pagbabakasyon nina Ayanne sa San Delfin ay nakilala nila ang kambal na sina Dara at Kara. Ang masaya sanang bakasyon ay nauwi sa brutal at madugong patayan! Dalawa lang ang pinagpipilian ni Ayanne na may kagagawan ng lahat-- si Dara o si Kara. Sino nga ba ang may mas matinding galit upang isa-isa silang patayin?
Ominous by JL_Soju
JL_Soju
  • WpView
    Reads 54,824
  • WpVote
    Votes 1,761
  • WpPart
    Parts 10
May mga nawalang alaala si Alice. At sa pagbabalik niya sa kinalakhang bahay dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama ay dalawang kaluluwa ang gagambala sa kaniya. Sino ang dalawang kaluluwang ito at bakit nasa bahay nila ito? Parte ba ito ng alaala niyang nawala o may mga bagay siyang hindi alam na nangyari noong mga panahon na wala siya sa bahay na iyon?
SICK: Part Three by JL_Soju
JL_Soju
  • WpView
    Reads 286,906
  • WpVote
    Votes 9,284
  • WpPart
    Parts 34
Tatlong kwentong muling susubukan ang tibay ng iyong sikmura! Story #01- Sexy Story #02- Buffet Story #03- Hurt