Ever After Series
3 stories
One Last Lie by KharisGo
KharisGo
  • WpView
    Reads 560
  • WpVote
    Votes 50
  • WpPart
    Parts 9
(EVER AFTER SERIES BOOK #3) What if you meet a person that could stir both your irritation and admiration? 'Yan mismo ang naramdaman ni Nestlé sa lalaking walang palya sa pag-order ng same drink araw-araw. Ang totoo niyan, gusto lang niya gumawa ng rason para makausap at maka-close ito. Nang makakita ng pagkakataon, she took advantage of it. Malay ba niyang ipapahiya siya nito. "You said you have read everything. Why are you still unsure about the ending?" Okay. "The coffee tasted like charcoal. Are you sure it's still safe to drink? Try it." She did. Then she saw the subtle spark in his eyes. Okay. Sinadya ba nito 'yon? And then she realised-this person is actually flirting with her. Well, why not? Gwapo naman ang lalaki. Hindi niya type pero pwede na. Alisin lang ang pagiging straightforward, intimidating, pagka-weirdo at ang hobby nitong ipahiya siya. May isa nga lang siyang problema. Magawa pa kaya nitong halikan siya kung madiskubre nito ang tinatagong sikreto? Na isa siyang transwoman. Ever After Series Book 3 ©KharisGo All Rights Reserved 2020
Just One Wish by KharisGo
KharisGo
  • WpView
    Reads 1,164
  • WpVote
    Votes 133
  • WpPart
    Parts 19
(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niya nang may dumaan ulit na isa pa. At isa pa. At isa pa. May meteor shower pala. Mukhang ayaw dingin ng Universe ang hiling niya, ibig sabihin ba niyan ay may the one talaga siya? "Heto na, aayusin ko na wish ko, ah? Huwag kana magpa-ulan, Lord!" Hiniling niya na makakilala siya ng lalaking ichecheck lahat ng requirements na gusto niya para kay The One. Hindi na nag-atubili pa si Cherish, sinulat niya sa notebook ang lahat ng traits na bet niya. Matangkad? Check. Gwapo? Check. Tanggap na may anak siya? Check na check. Kaso, hindi alam ni Cherish kung binibiro siya ng tadhana. Hindi niya alam kung saan sa notebook niya sinulat na lalapitan siya ng isang makulit na lalaki. Hindi lang isang makulit na lalaki, isang makulit na matangkad at gwapong lalaki. Pasok naman talaga sa banga itong si Yannis, ang problema lang talaga ay isa 'tong playboy. Meron pang isa, ito rin ang lalaking nakaharutan niya no'ng nalasing siya sa bar few months ago. Ekis na to. Ever After Series Book 2 Total Word Count: 45, 769 words Warning: rated M for words and other sexual undertones ©KharisGo All Rights Reserved 2020
One Happy Ending by KharisGo
KharisGo
  • WpView
    Reads 2,370
  • WpVote
    Votes 257
  • WpPart
    Parts 20
(EVER AFTER SERIES BOOK #1) Anong masaya sa ending? Para kay Nicola, walang masaya sa isang katapusan. Kadalasan sa isang kwento, marami nangyayare pagkatapos ng ''and they live happily ever after''. Kadalasan, malayo sa happy. Iyon ang napatunayan niya after ng break up nila ng kanyang childhood friend, si Theon - ang kanyang ex turned online celebrity. Naging famous ito dahil sa istura at sa husay nito magbasketball. Pero wala na siyang pake-alam. Akala niya dati happy na, may ending din pala. At ang akala niyang ending, hindi din pala. Masyadong ironic at mapait ang buhay. Kaya, nahumaling siya sa gawa ni MonochromaticSky - ang kanyang ultimate online writer crush. Pareho kasi sila ng pananaw sa buhay. Bukod sa napakagaling nito magsulat, para bang pareho din sila ng pinagdadaanan. Pero paano kung...ang rason kung bakit siya nakakarelate ay dahil may connection ang writer na ito sa past niya? Halina at basahin ang storya ni Nicola Aster Midea, Nam. Ever After Series Book 1 Total Word Count: 56, 581 ©KharisGo All Rights Reserved 2019