Recommended
4 stories
Lost and Found by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 303,500
  • WpVote
    Votes 13,217
  • WpPart
    Parts 37
Hiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang makita niyang wala ang litrato sa wallet ang nag-umpisa ng pag-iiba ng kanyang mga araw at ang paghahanap ng isang bagay na si Theo lamang ang makapagbibigay. Hindi maganda ang nakaraan ni Theo -- na-late siya ng isang taon sa pag-aaral dahil sa isang aksidente at nawala ang tsansa niya sa taong matagal na niyang gusto. Kaya nang matagpuan niya ang wallet ni Tasha at mapagbintangan siyang itinago ang litrato nito, alam ni Theo na may pagkakataon pa siyang mag-umpisa ng bagong kabanata na si Tasha naman ang kasama. Dalawang taong nawalan, dalawang taong may nahanap. Kung sabay ba nilang tutuklasin ang mundo ng pag-ibig na ngayon pa lang nila mararanasan, sabay rin ba silang mawawala?
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 55,961
  • WpVote
    Votes 4,043
  • WpPart
    Parts 9
Ano nga ba ang tamang timpla ng pag-ibig? Dahil sa punyemas na Twitter algorithm, malalaman ni Taurus Macaraeg ang hindi lang isa kundi dalawang sikreto ng di makabasag pinggan niyang office mate na si Novi Dimaculangan. Umabot naman ang dalawa sa isang kasunduan na ililibre ni Novi si Taurus ng paborito niyang pares kada Huwebes kapalit ng pagtago ni Taurus ng sikreto. Pero tulad ng pagluluto at paghahain ng pares, may mga sangkap na ihahanda ang universe na mas magpapasarap at magpapakulay sa ugnayan nilang dalawa.
Crosswalk by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 54,158
  • WpVote
    Votes 3,881
  • WpPart
    Parts 10
'Wag tumawid. Nakamamatay. Masunurin sa batas si Glamor Izabelle Ramos, a.k.a. Glai, lalo na sa mga batas sa daan. Late na siya't lahat, hihintayin niya pa rin niyang maging berde ang pedestrian signals bago tumawid. Blessing naman ito dahil dito magkukrus ang landas niya at ng kanyang "ideal guy." Nga lang, ang "ideal guy" pala niya ay ang supervisor ng department nila sa opisina, si Aion. Masaya na sana ang lahat . . . kaso taken pala si Aion base sa mga nakatenggang social profiles niya. Maguguluhan pa si Glai dahil iba ang ikinikilos ni Aion tuwing sila ang may moment. May mga pagkakataon nga ba kung kailan puwede isantabi ang mga patakaran . . . o maninindigan si Glai na hintayin ang green light ng pag-ibig?
Tibok (Published) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 110,941
  • WpVote
    Votes 4,449
  • WpPart
    Parts 8
Tila tadhana nang makita uli ni Kayi si Kabi sa isang salo-salo matapos niya itong makasalamuha sa siksikang tren. Sa dami ng kanilang pagkakatulad, nakabuo sila ng natatanging koneksiyon . . . na madaling namang nakapagpatibok ng puso ni Kayi. Mahirap man, alam ni Kayi na kailangan niyang ihinto ang kanyang mga nararamdaman. Una, may boyfriend si Kabi na hindi niya masikmura. Pangalawa, di rin naman niya alam kung posible bang magkaroon ng pagtingin si Kabi para sa kanya. Pero kung tadhana na ang paulit-ulit na nagsasabing pagmamahalan ang dapat magwagi, mapipigilan pa ba niya ito? Pula, kahel, dilaw, luntian, bughaw, indigo, lila -- ano nga ba ang kulay ng pag-ibig? Published by Summit Books under the Pop Fiction imprint © 2020 (with additional content). Now available in bookstores nationwide.