partsjungkook's Reading List
2 stories
Contessa's Intruder (Complete) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 168,562
  • WpVote
    Votes 7,944
  • WpPart
    Parts 24
Nagulo ang nananahimik na buhay ni Contessa sa isang liblib na pook nang may biglang pumasok na magnanakaw sa bahay niya. Inakala niyang tatangayin ng lalaki ang mga alaga niyang hayop pero hindi pala ito kawatan kundi si Adrian Neiderost, ang mapapangasawa ng pinsan niyang si Lindy. Nagtungo raw ito roon upang hanapin ang bride nito na hindi sumipot sa kasal. Hindi nito natagpuan ang pinsan niya dahil hindi naman doon tumutuloy si Lindy. Pero iginiit nitong doon muna ito upang hintayin ang pinsan niya. Tutol siya sa desisyon nito pero wala rin siyang nagawa kundi sumang-ayon. May kakaibang panghalina si Adrian. Lagi niyang natatagpuan ang sarili na hinahangaan ito. Mali na mahulog nang husto ang loob niya rito dahil masasaktan lamang siya sa huli. Hindi ito mananatili sa kanyang tabi habang-buhay dahil pag-aari ito ng pinsan niya. Pinilit niyang huwag umibig dito pero hindi niya nakontrol ang kanyang puso, umibig pa rin siya rito. At tama siya. Hindi ito nanatili sa tabi niya...
Devoted (Completed) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 371,357
  • WpVote
    Votes 8,580
  • WpPart
    Parts 29
Sometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa magkaharap muli ang kapwa brokenhearted na sina Mimi Punzalan at Mark Soriano. Pareho silang naglaan ng mahabang panahon at nag-invest ng pagmamahal sa mga taong hindi naman sila totoong minahal. Naisip ni Mimi, wala naman sigurong masama kung susubukan nila ni Mark na mahalin ang isa't isa. "Be my boyfriend, Mark," deretsahang sabi ni Mimi. Napamata sa kanya si Mark. "Pakiulit." "Let's be officially together. I'll be your girlfriend, you'll be my boyfriend. Subukan lang natin. Tingnan natin kung compatible tayo. Mukhang magkakasundo tayo nang husto. Guwapo ka, maganda ako. Heartbroken ka, heartbroken din ako. Iniwan ka, pinagtaksilan ako. We can heal each other. We can make each other happy." "Okay." Nagsalubong ang mga kilay ni Mimi. "Okay? Okay, let's just forget about it?" "No. Okay, let's be officially together. You'll be by girl, I'll be your man. We'll be devoted to each other. Only to each other." Magtatagumpay ba ang relasyong by choice at hindi nagsimula sa pagmamahalan? - guys, this is the unedited version, okay? patawarin po muna ako sa mga mali. happy reading! :)