raisellevilla
- Reads 55,124
- Votes 1,524
- Parts 34
(Completed)
Isang kakaibang babae na napadpad sa isang kakaibang mundo -paano kaya niya haharapin ang pagsubok na ito?
---
Hindi karaniwang babae si Alyx. Tao man siya, ngunit ang totoo, siya ay isang alien mula sa isang malayong galaxy na tumira dito sa planetang Earth. Kailangan niyang lisanin ang kanyang dating tahanan dahil sa isang suliranin na kinakaharap ng kanyang ama at ng mga taong nakatira dito.
Bilang isang earthling, kailangan tapusin ni Alyx ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo at makitungo sa kanyang kinakapatid at bodyguard na si Zaida na kasama niya sa kanilang condo. Okay na sana ang buhay ni Alyx, ngunit nang dumating ang mapang-asar at makulit na si Jabe, dito na unti-unting nagbago ang takbo ng kanyang buhay. Si Jabe ay pamangkin ni Luis, na katrabaho at masugid na manliligaw ni Zaida.
Maraming sikreto na mauungkat sa pagitan nila Alyx at Zaida. At ito ang mag-iiba ng ikot ng kanilang mga kapalaran.