Buga
Mga buga ng isang sigarilyong kulang sa pansin.
Pinalipad. Iniwan. Umasa. Nabigo. Sana hindi mo na lang ako pinalipad nang hindi ko na lang sana nalasap ang alapaap. Sana hindi mo ako iniwan at pinangakuang babalikan. Sana hindi ako umasang babalik ka at tutuparin ang ipinangako mo noong umalis ka. Hindi sana ako nabigo at umiiyak ngayon.
Tungkol sa tatlong magkakaibigan, na ginupo ng isang nakaraan: Si Sally, na hindi mapalaya ang nararamdaman; Si Lucio, na hindi mabitawan ang pangarap; At si Beverly, na hindi mahagilap ang lugar sa malaking mundo. Sabay-sabay silang naglalakad patungo sa hinaharap, ngunit lahat kaya sila ay makararating lalo na't ang...