Margaret
7 stories
LOVE OVERDUE by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 249,136
  • WpVote
    Votes 6,761
  • WpPart
    Parts 28
This is for those who still remember their first love. And most of all, to those who still clings to that love this story was first published in 2010 under Precious Hearts Romances. This wattpad version is a revised edition with extended scenes. :)
Trinity's Yesterday and Today by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 66,040
  • WpVote
    Votes 1,194
  • WpPart
    Parts 10
Sequel po ito ng Ladies' Man meets Toni Villanueva :)
Loving The Charming Prince by gabreiv17
gabreiv17
  • WpView
    Reads 24,589
  • WpVote
    Votes 249
  • WpPart
    Parts 10
Charlotte had no clue about love. Sa buong buhay niya ay hindi pa niya nararanasan ang ma-inlove. Pero nabago ang lahat ng iyon nang dumating sa buhay niya ang guwapong beterinaryo ng village nila. Seishiro made her feel a lot of different emotions. He respected her, trusted her and cared for her. Kaya naman hindi na kataka-takang na-inlove siya rito. She was so sure Seishiro loved her, too. Kaya gano'n na lang ang pagkadismaya niya nang biglang lumitaw ang mga magulang nito kasama ang fiancée daw nito. At parang hindi pa nakuntento ang kapalaran, talagang in-imbitahan pa siya ng mga magulang nito sa engagement party ng mga ito. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Diyata't iyon na rin ang kanyang magiging unang pagkabigo...
Rui, The Gorgeous Cake Thief (unedited version) by EllaRayeVenice
EllaRayeVenice
  • WpView
    Reads 57,107
  • WpVote
    Votes 1,190
  • WpPart
    Parts 18
He knew there's no turning back now. He'll be the one to get this girl. Inis na inis si Sahara dahil ilang ulit nang nawawala ang mga cake niya. Kaya naman napag-pasyahan niyang magpakabit na ng cctv camera sa cake shop niya para may ebidensiya siya. Subalit bago niya iyon magawa, hindi niya inaasahang mahuhuli niya ang magnanakaw isang gabi. At lalong hindi niya inaasahang kilala pa pala niya ito, si Rui, ang pasaway na ex-classmate niya na ang number one purpose noon ay guluhin ang mundo niya. Sa tulong ng kinakapatid niya, bilang parusa, magiging alipin niya si Rui sa loob ng isang linggo. Lahat ng gusto niya ay gagawin nito. At lahat ng karapatang pahirapan ito ay nasa kanya. Subalit natigil pansumandali ang amo-alipin setup nila sa pag-uwi nila sa Sta. Ana. Tulad noon, hindi niya alam pakibagayan ang ugali nito kaya ang balak sana niya ay hindi na lang ito pansinin sa durasyon ng pagtigil nila roon. Pero kahit ano'ng bantay niya, tulad ng cake niya, nakuha na rin ni Rui ang puso niya nang hindi niya namamalayan.
The Ladies' Man Meets Toni Villanueva by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 110,412
  • WpVote
    Votes 1,733
  • WpPart
    Parts 10
Just for a day, she wanted to be the woman he loved. Oo, nababaliw na siya at wala siyang magawa para pigilin iyon. Toni automatically liked Luis the first time she saw him. Napaka-charming ni Luis at maraming kababaihan ang nahuhumaling dito, including her friends. Kailangang makuha ni Toni si Luis dahil kapag nangyari iyon ay kaiinggitan siya ng lahat. Nakahanap siya ng paraan upang mapalapit kay Luis. Kaibigan pala ito ni Japheth-her twin's best friend. Humingi siya ng tulong kay Japheth at ang kapalit ay tutulungan naman niya itong digahan ang kakambal niyang si Trinity. Alam kasi ni Toni na may gusto si Japheth sa kakambal niya ngunit sadyang torpe ang lalaki. Nangako si Japheth na tutulungan siya ngunit nang nasa proseso na sila ng kanilang "pagtutulungan" ay nagkaproblema. Habang tumatagal kasi ay naramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya rito. Nagising na lang si Toni isang araw na nagpapanggap na may gusto pa rin kay Luis para lang may dahilan siyang lapitan si Japheth. Kaya lang, siya lang yata ang nagbago dahil si Japheth ay si Trinity pa rin ang gusto...
Cinderella And Her Mr. Right (COMPLETED) by GezillePhr
GezillePhr
  • WpView
    Reads 104,196
  • WpVote
    Votes 1,973
  • WpPart
    Parts 10
"I don't care about what other people might say. I love you and I'm willing to fight for you." Mutsatsay ang papel ni Yani sa buhay ng kanyang evil auntie at evil cousins. Nagngingitngit man ang kalooban, pilit siyang nagtiis dahil ang mga ito na lang ang natitira niyang kamag-anak. Pero 'ika nga, kapag puno na ang salop, kailangan nang kalusin. Kaya nang masaid ang pasensiya, palihim siyang nag-alsa-balutan at nilayasan ang mga kamag-anak. Mabuti na lang at to the rescue ang kanyang BFF a la fairy godmother na naging daan para makilala niya ang Prince Charming na si Tyler Hernandez. Perfect na sana ang mala-Cinderella story ni Yani. Pero kung kailan feel na feel na niya, saka naman siya nagising sa katotohanan. Paano nga naman mauuwi sa happily ever after ang damdamin niya kay Tyler gayong hindi prinsesa kundi dakilang alalay lang siya ng binata, na malabong makatuluyan at malabong mahalin?
Stallion Island Adaptation series Trent Castillo by Nightxshade
Nightxshade
  • WpView
    Reads 137,213
  • WpVote
    Votes 1,904
  • WpPart
    Parts 28
Ria has her time of her life. A blooming career and financially growing business. And she always puts her hundred percent on her thing whether it involves to work or even her personal issues. Kaya naman siya naging in-demand wedding planner at events coordinator. Pero sa likod ng matatag na pangalan niya at maayos na disposisyon ay isang nagkakubling kahapon ng kanyang mapusok na kabataan. Isang di malilimutang kahapon na humubog sa pag-iisip at pagkatao niya. At kasama sa past niyang iyon ang pagiging wild at mga tonta days niya bilang inosente de ti. Ngunit kalakip naman nun ay mga aral na humulma kung sino siya ngayon. Kakabit din nun ang isang di malilimutang alaala na babaunin niya hanggang sa pagtanda niya. Iyon ay ang unang pagtibok ng kanyang inosenteng puso. Yun nga lang, hindi nauwi sa Happy ending ang love story niya. Moving on naman na siya kaso nga lang ay sadyang mapagbiro ang tadhana nang makilala niya nang harap-harapan ang mysterious guy na dumagit sa puso niya at pilit niya nang kinakalimutang nilalang dahil sa past nilang tumatak sa memorya niya. si Trent Castillo. ang hunk na pumitas sa kainosentihan niya at nagpakabog ng dibdib niya noon. Paano niya matatakasan ito gayong nakatali na siya sa karisma at sa kahapon nilang pinangangalandakan pa nito? Disclaimer alert Photo edited credits to the rightful owner - Source : Google images