CharlesFredAgustin
- Reads 355
- Votes 16
- Parts 10
At nagdurugo ang kalangitan
Sa tuwing ang araw ay lumilisan.
Sa pagsibol ng buwan
Ang kwento niya'y muling babalikan.
2019
Isang manunulat na hindi makapagsulat, at isang babaeng patuloy nanumiibig sa mga alaala at hindi mabitawan ang mga 'sana lang' at mga 'paano kung' sa buhay. Ito si Louise, edad na 31.
Kung itatala ni Louise ang lahat ng pinagsisisihan sa buhay ay makakapagsulat siya ng isang nobela sa paglilista pa lamang ng mga ito. Hanggang sa isang araw, napagdesisyunan niyang umuwi ng Ilocos upang katagpuin ang taong nagpasibol ng isang libo't isang tula at kwentong nais maisulat sa papel.
2003
Isang dalagang puno ng matatayog na pangarap at umibig ng lubos sa taong magtuturo sa kanya kung paano sumulat. Siya ay si Louse, edad na 15.
Sa hindi inaaasahang pagbibiro ng tadhana at panahon, ay magkikita ang dalawang Louise upang baguhin ang kanilang naging buhay at maiba ang magiging takbo ng kanilang hinaharap.
Saan hahantong ang istorya ni Louise sa pagbabalik niya sa taong 2019? Ano ang handa niyang isakripisyong mawala sa kanyang buhay matamasa lamang ang pinangarap niyang yaman at pag-ibig?