JoAnaCeRi
| ProLogue |
Marami na ring nagtanong, at nagtatanong kung bakit nga ba ito ang napili kong pangalan... Kahit ako di ko rin ba alam sa sarili ko eh.
Kung tutuusin, pwede ko namang gayahin yung mga pangalan nila Ate Aly [Alyloony], Ate Denny [HaveYouSeenThisGirl], Aril Daine, at mga bigatin at sikat na mga author sa Wattpad.
Isa ako sa mga nangangarap na maging sikat na author.. balang araw.
Isa sa mga nagbabaka-sakali na mapansin ang mga walanjo kong mga istorya.
Isa sa mga die-hard-fan ng Wattpad, silent reader... at isang tagong author ng Wattpad.. Isang anime addict .. Ang nag iisang JoAnaCeRi ng Wattpad...
At dahil na rin sabik na akong malaman ang kasagutan, ginawa ko itong istoryang ito, true story? Parang ganun na nga .. Istorya ng pinagsama samang kapangitan ni Eya, Kabaliwan ni Jennifer, Kasadistahan ni Lance at Miyuki, Kasweetan nila Lian at Jun Mariano, Kakulitan ni Stephen Cruz, At hindi mawawala ang mala-romeo at juliet love story .. CHAROT..
Tara! Simulan na nga natin...