smurfing13's Reading List
79 stories
Legend of Divine God [Vol 3: Cold War] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 557,169
  • WpVote
    Votes 37,092
  • WpPart
    Parts 42
April 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --
Kasangga: Ang Pagtuklas by yueazhmarhia
yueazhmarhia
  • WpView
    Reads 6,776
  • WpVote
    Votes 441
  • WpPart
    Parts 82
"Ang ating mundo ang maituturing na isang malawak na hardin ng karunungan. Magmula sa maunlad na paniniwala ng ating mga ninuno hanggang sa mayabong na likas nating yaman. Subalit, sa kabila ng kagandahan nito ay may mga pwersang pilit na nagkukubli sa likod ng nakakabulag na kadiliman." Iyon ang madalas na marinig ni Milo sa kaniyang Lolo habang siya ay dahan-dahang lumalaki at nagkakaisip. Ngunit sa kabila ng natatanging kaalaman at lakas ng kaniyang Lolo Ador ay lumaking isang duwag si Milo. Kahit mumunting kaluskos sa mga talahib ay agad na siyang nahihintakutan. Dahil doon ay napagdesisyunan ni Lolo Ador na isara ang ikatlo niyang kamalayan. Subalit isang pangyayari ang muling magbabalik ng kaniyang ikatlong mata. Isang pangyayaring magbabago sa ikot ng kaniyang buhay at isang pangyayaring muling magtatali sa kaniya sa hiwaga ng mundo at sa mga elementong nakapalibot dito. Matagpuan kaya ni Milo ang kaniyang sarili? Mapagtagumpayan kaya niyang kalabanin ang takot na nananaig sa kaniyang puso? Yayakapin kaya niya ang misyong matagal nang nakaatang sa balikat niya? O tatalikuran niya ito at mananatili na lamang sa buhay na nakagisnan niya?
NEET! by PatRick405
PatRick405
  • WpView
    Reads 2,159
  • WpVote
    Votes 44
  • WpPart
    Parts 43
Ilang Milyong taon na ang nakakaraan bago pa dumating ang sinasabing diyos na siyang tagapagligtas ng lahat, ay may mga tao na dito sa mundo na gumagamit ng mga kakaibang mahika o kapangyarihan, sinasabing sila ang mga sugo ng diyos o tagapagligtas na siyang tatapos sa lahat ng hirap at pag-subok. Nag daan ang panahon nag-pasiya ang mga tao na gamitin ang mga nilalang na ito para sa digmaan, at bawat bansa ay merong alas na pang laban gamit ang sinasabing sugo ng diyos. Ngunit dumating sa punto na isang kauri nila ang napag-isip-isip nila na hindi nila tungkulin ang protektahan ang mga tao, dahilan sa sakim ito at walang alam ang mga ito kung hindi ang mag-payaman, mag-simula ng digmaan at pumatay. Kaya nag desisyon ang nilalang na ito na baliktarin ang sitwasyon. Ang sakupin at pahirapan ang mga taong umaabuso sa kanila. Ang nilalang na tumatayo bilang hari nila na siyang kumawala sa mga pang-aabuso ng mga tao. Si zeobian ay may isinulat na isang libro na patungkol sa kaniyang pag-babalik na balang araw ay babaguhin niya ang sangkatauhan mula sa baluktot at mapanirang nilang hangarin. Pero bago paman ikinalat ng mga kinikilalang masugid na tagasunod ni zeobian ang kanyang kapangyarihan, at hinati nila ito sa pito, upang siguraduhin na balang araw mag-tatagumpay ang kanyang pag-babalik sa makabagong mundo. Lumipas ang mga panahon, nag-pasa-pasa at naging alamat nalamang ang sinasabing mga sugo ng diyos, pati narin ang sinasabing kapangyarihan ni zeobian. Ngunit sa panahong moderno at sibilisado, ay nag-kalat lamang sa paligid ang mga hinirang, oh mas kilala sa tawag na intelligent. Na mas pinili ang gamitin ang kanilang kakayahan sa pang-sariling interers. Meron pa kayang mga taong kagaya nila na puwedeng pumigil sa kanila?
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete) by arajanetp1
arajanetp1
  • WpView
    Reads 34,449
  • WpVote
    Votes 3,474
  • WpPart
    Parts 78
Si Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil sa Isang pangyayari mababago ang kanyang kapalaran. Makakamtan Niya ang lakas na higit pa sa kanyang inaakala. Sinu-sino kaya ang kanyang magiging kakampi, at sinu-sino kaya ang hahadlang sa kanyang pagkamit sa kanyang minimithi, magagawa kaya niyang malampasan ang pagsubok na kanyang kahaharapin. Subaybayan natin ang pakikipagsapalaran ni Kaizen , ang batang itinakda,,
The Isaw To Remember (Completed)  by theNidas
theNidas
  • WpView
    Reads 40,460
  • WpVote
    Votes 1,444
  • WpPart
    Parts 51
"Pano naman ako makakaporma sa kania, e tindero lang ako ng puto.. Tapos siya, anak ng milyonaryo.. Mas malabo pa sa sabaw ng adobong pusit na magustuhan nia ako.." No, this is not you typical story na mahirap ung guy, tas biglang yayaman.. Ampon lang pala tas ang tunay na magulang e bilyonaryo kaya heridero pala sya.. Hindi din to ung revenge eme eme na pinagbawalan nung parents nung girl kasi mahirap lang si guy.. Tas maghihiganti si guy.. Yayaman tas bibilhin ung negosyo nina girl.. Or yung magtatanan sila tas maghihirap pero eventually aasenso.. Stop that shit!!! Mahirap lang si guy.. That's it.. This RomCom story is about young love.. The sacrifices, the heartaches, the "kilig" feeling of being in love, and the shits most teenagers are going through..
THE GREAT BACHELOR : LUDWIG by shockwavepulsar
shockwavepulsar
  • WpView
    Reads 25,729
  • WpVote
    Votes 63
  • WpPart
    Parts 16
Ilang Minuto pa ang lumipas. Tumingin muli ang Babae sa akin. Pero sa pagkakataong ito, gagawa na ako ng Pagkilos, unti-unti na ding nauubos ang mga Tao sa Bus. Mga nasa Anim na lang kami nasa Bus na magkakahiwalay ang pag-upo. Medyo nabigla ang Babae sa ginawa kong pagkilos. Dahil sa pag-aakalang mukhang nagpapakita ng Motibo ang Babaeng Ito. Subalit sa Katotohanan, Hindi ko talaga alam kung bakit ko ginawa ito.
Arentis II | Tribong Uruha | Completed | Currently Editing by kembing
kembing
  • WpView
    Reads 155,840
  • WpVote
    Votes 7,715
  • WpPart
    Parts 69
Isang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabilis na kumakalat sa buong Arentis. Marami ang hindi naniwala, sa pag-aakalang isa lamang itong alamat na madalas gamitin ng mga magulang upang takutin ang mga anak nila para matulog o umuwi ng maaga sa gabi. Oo nga naman. Sino nga ba ang naniniwala sa alamat? Lalo na sa alamat ng nilalang na 'yon? Walang sinuman ang may taglay ng ganoong kapangyarihan at kaalaman. Walang sinuman ang nabahala... Walang sinuman ang naniwala... Iyon ang kanilang pagkakamali. ------------------------------------------------------------------------------------------ P.S. Ikalawang libro po ito ng Arentis. Mas mabuti po kung uunahin n'yong mababasa 'yung book [1] bago ito para hindi po kayo malito :) ------------------------------------------------------------------------------------------ Arentis II - Tribong Uruha M.K. Brugada / kembing ©2015-2016 All Rights Reserved
Misteryoso 2 (Completed) by unfoundfears18
unfoundfears18
  • WpView
    Reads 18,747
  • WpVote
    Votes 988
  • WpPart
    Parts 29
Mas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan. Mananatili ang Kababalaghan hanggang sa mga susunod pang henerasyon. AUTHOR: Sa mga nag-direct dito, okay lang naman po at malinaw ang kuwentong nailahad pero kung ako ang tatanungin, make sure na nabasa n'yo na muna ang BOOK 1 na posted sa account ko bago ang isang ito. This is also one of my 2015 novel kaya expect n'yo na pong may mga error. Hehe. Hope na ma-enjoy n'yo. Godbless! DATE: 2015-2016
Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently Editing by kembing
kembing
  • WpView
    Reads 149,012
  • WpVote
    Votes 6,697
  • WpPart
    Parts 39
Patintero, Tagu-taguan, langit-lupa, jack-en-poy at habulan... Ilan lamang 'yan sa mga madalas nating laruin, buong maghapon maghapon tuwing bakasyon. Ngunit papaano kung isang araw ang lahat ng ito ay mapapalitan ng pag-akyat ng bundok, pagtawid sa mga batis, pagsakay sa lumilipad na barko, pakikipaghabulan sa mga engkanto at elemento at pakikipagsapalaran sa isang kaharian na kung saan dalawa ang araw na simisikat at dalawang buwan ang lumulubog. Sa isang kaharian na kung tawagin ay Arentis. Papaano kung ang buong bakasyon mo ay mapunan ng mga ganitong pangyayari? Anong gagawin mo? *** First time ko po sa Wattpad, sana po ay magustuhan ninyo ang kwento ko. Pasensya na rin kung may mangilan-ngilang malalalim na tagalog. Taga San Pablo e :) P.S. May music po sa media section. Para lang mas exciting magbasa. :) M.K. Brugada / kembing ©2014-2015 All Rights Reserved.
"Naniniwala Na Talaga Ako" | Part II by ImDeyb
ImDeyb
  • WpView
    Reads 189
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 23
Istoryang hango sa Pilipino Folklores o Kwentong Bayan at mga Pilipinong Mitolohiya o Philippine Mythology na hinaluan ng makabagong pagsasabuhay. Ang istoryang ito ay tungkol kay Tristan at sa kanyang mga karanasan bilang tigapagsalaysay sa buong istorya tungkol sa pakikipagtunggali nya sa iba't ibang uri ng nakatatakot na nilalang na nagmula sa Pilipinas tulad ng Aswang at marami pang iba. Hindi ito ang tipikal na istoryang Aswang na kung saan ay dinudumog ng mga kampon ng kadiliman ang bida sa istorya. Ang istoryang ito ay tungkol sa pakikibaka ng bida sa kanyang buhay na may kinalaman sa pagtugis sa malalakas na Aswang, Engkanto, Kapre, Diwata, mga tao, mga Diyos, at iba pang nilalang na may kinalaman sa Pilipinong Literatura at Sining. Si Tristan ay isang tipikal na kabataang katatapos lamang mag aral ng sekondarya. Bilang tulong sa sarili at sa tiyuhin nyang bumubuhay sa kanya, napagdesisyunan nyang magtrabaho sa Lino's CafeBar kung saan magbabago ang daloy ng kanyang buhay at paniniwala nya sa buhay. Bilang si Tristan ay hindi naniniwala sa kwentong matatanda, ang kultura na para sa kanya ay lumipas na, at sa paniniwala ng iba, dito ay masusubok sya kung talaga bang hindi sya maniniwala. Ang istoryang ito ay isang uri ng piksyonal o kathang isip lamang, walang Tristan o kahit sinumang karakter sa istoryang ito ang nasa tunay na buhay. Maraming salamat sa pagbabasa! Subaybayan ang istorya ni Tristan kasama ang kanyang mga kaibigan at katrabaho! Arat!