JesaQuilenderino's Reading List
7 story
Thy Love بقلم UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    مقروء 8,676,832
  • WpVote
    صوت 307,427
  • WpPart
    أجزاء 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) بقلم UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    مقروء 4,192,085
  • WpVote
    صوت 182,645
  • WpPart
    أجزاء 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Hiraya (Published by Flutter Fic) بقلم UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    مقروء 2,332,966
  • WpVote
    صوت 88,830
  • WpPart
    أجزاء 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
Penultima بقلم UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    مقروء 134,188
  • WpVote
    صوت 2,540
  • WpPart
    أجزاء 10
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos
+15 أكثر
Segunda بقلم UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    مقروء 1,413,767
  • WpVote
    صوت 41,493
  • WpPart
    أجزاء 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
Salamisim بقلم ohbbbreeey
ohbbbreeey
  • WpView
    مقروء 20,236
  • WpVote
    صوت 235
  • WpPart
    أجزاء 32
" Mahal kong Sol, ako si Luna... " Two complete strangers totally blanket by gloom found home in the pages. The other gave light so the other could shine, while the other gave him comfort by reminding the other that it's okay not to be okay sometimes. Like the two primary celestial bodies known in earth, sun and moon, they both face each day, known as a battle with loneliness, bravely. Just the thought of the other being stationary gives both of them strengths to carry on. Universe perfectly made them for each other, but distance was also made to exist in between them. It was always a matter of chase-and-miss; never a hold-and-kiss. Could it be that fate was never their friend or is it just time wasn't looking at them? " Tayo ba ay ipinagtadhana ng sansinukob, pero tayo ay pinaglayo... "
+8 أكثر
Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going) بقلم MariaBaybayin
MariaBaybayin
  • WpView
    مقروء 93,979
  • WpVote
    صوت 3,607
  • WpPart
    أجزاء 41
Highest Rank Acheived : #1 in Wsawards2018 #1 in Goyo #1 in Gregoriodelpilar #3 in #TimeTravel #5 in #Philippines #178 in Teen Fiction #201 in Philippine history Ako si Maria Kristina Montealto, Isang Management student at frustrated historian, paano kaya kung sa pagpapakadalubhasa ko sa History, in unexpected time bigla ako ma-time travel sa lugar kung saan ang pilipinas ay kasalukuyang sakop ng espanyol at pasiklab palamang ang gyera sa pagitan ng Americano at Pilipino. Dito makikilala ko Si Gregorio, Isang Batang Heneral, Ngunit sa kabila ng taglay nitong kagwapuhan at kakisigan, siya ay isang babaero at madaming nobya sa iba't ibang Baryo sa norte, Magagawa ko kayang baguhin ang pagiging palikero ni Goyo? o isa rin ako sa mga babaeng kanyang MA-GO-"GOYO"? Tunghayan natin ang nakakaloka, nakakainlove, at nakaka thrill na adventure ni Kristina wayback 1898.. Tayo na at samahan natin siyang Kiligin, umiyak at matakot.. Mapagtagumpayan kaya ni Kristina ang kamyang Misyon? Hmmm .. Started : September 13 2018 Completed: --------------------- (C) ALL RIGHTS RESERVED 2018