JhayGonzales5's Reading List
2 stories
Bachelor's Pad series book 9: THE IDEAL MAN (Derek Manalili) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 860,059
  • WpVote
    Votes 18,576
  • WpPart
    Parts 36
Jella gave up everything to become a successful fashion designer in New York. Malapit na niyang maabot ang tagumpay nang isang eskandalo ang sumira sa kanyang career. Wala siyang choice kundi ang bumalik sa Pilipinas, kahit nangangahulugang kailangan niyang harapin ang mga tinalikuran noon para sa kanyang ambisyon. Kasama na si Derek Manalili, ang lalaking minahal ni Jella pero sinaktan at iniwan. Hindi na umaasa si Jella na madurugtungan pa ang naging relasyon nila ni Derek. Kaya nagulat siya nang makita ang lalaki sa kanyang homecoming party. Hinarap siya nito na parang walang nangyaring hindi maganda. Suddenly, he came back into her life. Nanatili si Derek sa tabi niya at ipinaalala ang mga bagay na nakalimutan na niya sa loob ng anim na taon. He made her fall in love with him again. Pero kung may hadlang sa relasyon nila noon, lalo na ngayon. Galit na kay Jella ang pamilya ni Derek. May ibang babae na gusto ang mga ito para sa binata. At kahit inaalok na siya ni Derek ng kasal, hindi pa siya handang mag-asawa. Pero kapag umalis uli siya, siguradong wala na siyang babalikan pa
REMEMBER YESTERDAY by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 640,013
  • WpVote
    Votes 19,807
  • WpPart
    Parts 57
Na kay Randall Qasim na ang lahat - A sole heir of a billion-dollar Oil Empire, with good looks that all women crave for, and every material things that money can buy. Pero sa loob ay kasing lamig at walang buhay ng isang mannequin si Randall, kumikilos at nag-iisip ayon sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Until he met Alaina - his personal chef's daughter. Iba si Alaina sa lahat ng nakilala na niya sa buong buhay niya. She was sunshine personified. Kapag tinitingnan siya nito ay hindi money sign ang nakikita nito kung hindi ang tunay niyang pagkatao. Alaina made Randall human. Pero napakaraming pagsubok ang pilit silang pinaghihiwalay. They were both teenagers then. At kahit anong pagrerebelde ang gawin ni Randall ay hindi niya nagawang protektahan si Alaina. Isang araw, matapos ang isang matinding trahedya, biglang nawala sa buhay niya si Alaina. Ginugol ni Randall ang sumunod na mga taon sa paghahanap sa dalaga. Pero nang sa wakas ay matagpuan na niya ito ay isang rebelasyon ang naging dahilan kaya nasaktan siya nang husto. Hindi siya naaalala ni Alaina.