💟Heydazzlinggirl💟
14 stories
Accidentally In Love by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 56,088
  • WpVote
    Votes 2,222
  • WpPart
    Parts 32
Masipag at mabuting anak si Maria Gabriela Tereza Centeno o Gabbie, for short. Pangarap niyang makapag-abroad upang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Kaso, nang magpaulan ng kamalasan ang langit, mukhang may bitbit siyang drum at sinalo niya lahat! Nabangga niya ang basketball superstar na si Phoenix Castro. At labag man sa loob niya, napilitan siyang maging therapist nito nang walang bayad para lamang hindi siya nito idemanda. Noong una, ay halos isumpa niya ang gwapong basketbolista dahil sa kasungitan nito. Kaso habang tumatagal, naramdaman na lamang ni Gabbie na unti-unti na siyang nahuhulog dito. Ang walangya! Mukhang ginamit nito nang husto ang gandang lalaki nito at ang signature 3-point shot nito para tuluyang mai-shoot ang puso niya sa basket ng pagsintang tunay para dito. Kaya lang may problema. Mukhang their feelings will never be mutual dahil si Phoenix, hindi na naniniwala sa pag-ibig. Ever! Aray! Magrereklamo na ba siya ng foul? Dahil ang kamalasan, mukhang wala pa siyang balak lubayan. Date started: Nov 8, 2019
The Last Dance by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 22,783
  • WpVote
    Votes 455
  • WpPart
    Parts 10
Ang sabi nila, sa anumang social occasion, pinaka-memorable ang last dance. At plano ni Maggie na siya ang maging last dance ng bestfriend at matagal na niyang secret love na si Phil sa kanilang college graduation ball. Ang kaso, gaya sa mga teleserye, may kontrabida nang gabing 'yon na bumulilyaso sa plano niya. Umuwi siya tuloy na luhaan. At ang malala, napaamin siya kay Phil tungkol sa tunay niyang nararamdaman para dito. Kaso mukhang the feeling is not mutual, dahil mula noon, umiwas na nang tuluyan si Phil at hindi na nakipag-usap pa sa kanya. Six years later, muli silang nagkita. At ang nakakainis, kinukulit siya nito sa utang niya na hindi naman niya maalala. Plano niyang iwasan na lamang ito para na rin sa ikatatahimik ng buhay niya kahit pa mas guwapo na ito ngayon at mas irresistible. Kumbinsido ang isip niya na madali lang naman niya iyong magagawa dahil naka-move na siya. Wala nang epekto si Phil sa kanya. Wala na talaga. Pero... kung ang puso niya ang tatanungin, wala na nga ba talaga?
The Beautiful Target (Protector Series 3) by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 40,359
  • WpVote
    Votes 1,950
  • WpPart
    Parts 46
Mabait, masipag, at pinagpala ng kagandahan, ganyan ilarawan ng mga kaibigan niya si Elliana Marie de Leon o Ellie. Bibingo na sana siya sa kasuwertehan kaso malas siya pagdating sa pag-ibig. Kung hindi basagulero, ay notorious womanizer naman o 'di kaya ay stalker ang mga nagiging nobyo niya. At dahil parang pinagsakluban ng langit at lupa ang kapalaran niya sa mga lalaki, naisipan niyang maglunoy sa alak isang gabi. Ang kaso, nabiktima siya ng mistaken identity nang muntik na siyang ma-kidnap sa bar na pinuntahan. Ang akala niya, katapusan na niya kaso may knight in shining armor pa pala sa katauhan ni Ivan Sandoval. Guwapo ito, matangkad, misteryoso, at may mga matang sing-itim ng gabi. Kaso, may pagka-antipatiko. Sinagip lang pala siya nito upang ikulong sa presinto dahil sa pag-aakalang isa siyang prostitute at drug addict! Abot-langit tuloy ang inis niya rito. Hiniling niya sa langit na sana h'wag nang muling mag-krus ang kanilang landas. Kaso pati 'yata panalangin niya sablay na rin nang matagpuan na lamang niya ang sariling nakikitira sa bahay ng lalaki matapos siya nitong muling sagipin sa mga 'kidnappers' niya. "Don't worry you're safe with me," sabi pa nito. Safe? Duda siya. Dahil sa kabila ng inis na nararamdaman niya sa lalaki, ganado sa pagtambol ang puso niya tuwing napapalapit siya rito. Mukhang willing magpabihag kay Ivan ang puso niya anumang oras. Delikado! Date posted: August 31, 2019
Sapatos (One Shot Story) by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 138
  • WpVote
    Votes 11
  • WpPart
    Parts 1
"We have our own shoes to fill, Lia. Fill it with the very best of you so that it will take you to the best place for you."
My Gorgeous Protector (Protector Series 1) by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 113,207
  • WpVote
    Votes 797
  • WpPart
    Parts 8
Si Raine, ang dalagang walang alaala sa kanyang madilim na nakaraan at ang tanging pangarap lang ay magkaroon ng simple at tahimik na buhay. Subalit hindi naging madali sa kanya ang pagkamit ng hangarin niyang iyon dahil kay Carlo Reyes, ang lalaking nuknukan ng pilyo at kahambugan na anak ng kanyang guardian at siya ring lalaking kauna-unahan niyang minahal. Nang maghiwalay sila ni Carlo at tuluyang magbago ang takbo ng kanilang buhay, akala ni Raine hindi na sila magkikita pa. Subalit muling nagkrus ang kanilang landas nang 'di inaasahan. At sa puntong iyon, kailangang mamili ni Raine, pagtiisan ang presensya ni Carlo sa buhay niya o harapin nang mag-isa ang mga kaaway niyang konektado sa kanyang nakaraan na hindi niya maalala. #866 Date started: Dec 13, 2016 Date Finished : April 21, 2017
Kahit Na by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 1,797
  • WpVote
    Votes 37
  • WpPart
    Parts 1
Walang kasalanang 'di kayang lusawin ng pagmamahal. Dahil ang puso, patuloy na magmamahal sa kabila ng maraming kahit na.
My Unexpected You (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 140,236
  • WpVote
    Votes 3,463
  • WpPart
    Parts 25
Bangenge nang magising si Jia kinabukasan, matapos niyang lumaklak ng ilang litrong alak nang nagdaang gabi sa kasal ng matalik niyang kaibigan na si Json dela Vega. Ayos lang ang sakit ng ulo, inaasahan niya iyon, pero ang pagkirot ng mga kasu-kasuan niya pati na rin ng pinakaiingatan niyang kabibe, iyon ang 'di niya inexpect ng bongga! Mas lalo pang nawindang ang mahilo-hilo niyang mundo nang matanto niyang katabi niya ang lalaking sinumpa niya kagabi dahil sa kahambugan nito. At ang malala mga katoto, tulad ng ganda niya, hubad din ang ginoo! Ang lalaki, walang iba kundi ang ubod ng gwapo, ubod ng yaman at lodi sa abs at crush ng buong universe na si Tyrone San Miguel. Ayos lang sana na ito ang unang lalaking naglunoy sa kagandahan niya, ang kaso nag-iwan ito ng remembrance ng isang gabing pinagsamahan nila. Hindi calling card, hindi rin kissmark, kundi bata- bata na nasa sinapupunan niya.
Bago Na (One Shot Story) by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 445
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 1
"That, made it wrong. That, made us wrong. That, made me wrong."
El Olvidado (The Forgotten One) by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 152
  • WpVote
    Votes 7
  • WpPart
    Parts 1
A love lost. A miracle given. A love forgotten. Can the heart really remembers what the mind forgets? Story ON HOLD
Pagngiti sa mga Alaala (One Shot) by heydazzlinggirl
heydazzlinggirl
  • WpView
    Reads 219
  • WpVote
    Votes 11
  • WpPart
    Parts 1
Ang bawat ngiti ay may kwento. Maaring tunay na kaligayahan o lumbay ang ibig sabihin nito. Sa oras ng pagpaparaya, anong mga alaala ang ngingitian mo?