EmosewaMaI
Lingid sa kaalaman ninyong lahat. Nahahati sa dalawa ang ating mundo. May mga piling kabataan ang binigyan ng kapangyarihang makatawid sa isang mundong masasabing likha ng walanghanggang imahinasyon. Ngunit nang ma-ipanganak ang maalamat na BREAKER nauwi sa delikadong sitwasyon ang mundo.
Dahil sa kakayahan nitong magpakawala ng kapangyarihan sa normal na mundo na hindi maaring mangyari kailanman. Ngunit naging possible sa kaunaunahang pagkakataon. Naglaho din ang maalamat na Breaker sapagkat nag-iisa lang siya... Dumaan ang maraming taon at sa twing matatapos ang 15 taon sinisilang ang mga CONSTITUENTS na pumipigil sa pagkasira ng mundo upang magkaroon muli nang susunod na maraming taon.