Aerowyn88's Reading List
103 stories
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 1,118,308
  • WpVote
    Votes 157,110
  • WpPart
    Parts 172
Synopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isang malaking delubyo. Kaniya-kaniya nang pagpapalakas ang bawat naghahangad ng kapangyarihan at katanyagan. Si Brien Latter na hanggang ngayon ay may misteryosong katauhan ay mayroong binabalak para si Finn ay wakasan. Palaki na nang palaki at palakas na nang palakas ang hukbong pinamumunuan nina Ashe at Tiffanya. Habang si Finn, sinisimulan niya na ang pagpapaunlad sa kaniyang sarili at sa New Order para paghandaan ang nalalapit na9 digmaan. Sa huli kung saan isa lang ang maaaring hiranging karapat-dapat, sino kina Finn, Brien, Ashe, at Tiffanya ang magwawagi? Isa ba sa kanilang apat...o mayroon pang ibang karapat-dapat? -- Date Started(Wattpad): December 10, 2023 Date Ended(Wattpad): June 7, 2024
IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 12] GODLY SERIES #3 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 9,203
  • WpVote
    Votes 882
  • WpPart
    Parts 30
Sakay-sakay ng limang malaking mga Giant Sun Condors ang lahat ng mga nanalong mga kalahok. Napakalaking ibon ito ngunit hindi maaaring sobrang dami ng sakay nito. Ang naunang apat na naglalakihang mga ibong ito ay mayroong mga ekspertong galing sa Flaming Sun Guild. Marami-rami din pala ang mga nasa huling sakay ng ikalimang Giant Sun Condor. Lahat ng mga ito ay mga miyembro ng Flaming Sun Guild. Talagang pinaghandaan ang paglipad nila patungo sa direksyon kung saan naroroon ang Flaming Sun Guild. Hindi maipagkakailang nasa apatnapot tatlo lamang ang naging matagumpay sa mga trials na siyang inaasahan na rin ni Wong Ming. Talagang nakalkula na ng mismong Flaming Sun Guild ang kukunin nilang mga disipulo. Hindi naman siguro iyon labag lalo pa't ang tanging gusto nga ng Flaming Sun Guild ay mas mababa pa rito. Maayos naman ang paglipad nila kung saan ay tanaw na tanaw ng lahat ang magandang aerial view ng Flaming Sun Guild sa malayo habang makikitang makikita ang nagtataasang mga pader na siyang humihiwalay at nagsisilbing proteksyon ng buong Flaming Sun Guild. Hindi aakalain ni Wong Ming na napakalaking guild pala talaga ito. Natatanaw niya ang ilan sa mga floating islands na iba't-iba ang mga laki at hugis ng mga ito na siyang mas nagpapaganda ng buong lugar na ito. Hindi mapigilan ni Wong Ming na malula sa mga views na ito. Ngunit nadismaya naman si Wong Ming dahil naalala niyang mag-uumpisa silang lahat bilang mga outer disciples ng Flaming Sun Guild. Start:June 30, 2023 End: July 13,2023
The Wrath of Ace by Kuya_Rey
Kuya_Rey
  • WpView
    Reads 26,951
  • WpVote
    Votes 876
  • WpPart
    Parts 6
Sa mundo kung saan naninirahan ang iba't ibang nilalang. Gaya na lamang ng mga tao na may iba't ibang abilidad, mga taong lobo na nakaasa sa kanilang natural na kakayahan, ang mga Beastman na kilala sa kanilang malalakas na pangangatawan, ang mga merfolk at iba't ibang uri ng nilalang na matatagpuan sa karagatan. Bukod sa nagkalat na Emperyo at kaharian ng iba't ibang nilalang, tatlong Emperyo ng mga tao ang umiiral noon ang Emperyo ng Lekresha, Emperyo ng Blutan, at ang Emperyo ng Rintoria. Ngunit dahil sa pagtutulungan ng Emperyo ng Lekresha at Emperyo ng Blutan napabagsak nila ang Emperyo ng Rintoria. Ang mga lupain at ari-arian ng Emperyo ng Rintoria ay pinaghatian ng dalawang Emperyo. Ang rason kung bakit nila ito ginawa ay simple lang. Ang kasalukuyang Emperador ng Rintoria ay hindi sumang-ayon sa plano ng Emperador ng Lekresha at Blutan. Nais ng dalawang Emperyo ng mga tao na sakupin ang iba pang kaharian na umiiral sa kanilang mundo. Naniniwala silang ang mga tao ang siyang dapat mamuno sa lahat, at ang ibang mga lahi ay pawang mga alipin lamang. Malawakang digmaan ang nangyari sa Emperyo ng mga tao noong mga panahong iyon. Maraming namatay at ang matataas na opisyal ng Emperyo ng Rintoria ay pinaslang maging ang kanilang malalayong kamag-anak. Ang pamilya ng Emperador ng Rintoria ay walang itinirang buhay. 'Yun ang akala nila ngunit ang hindi nila alam, ang kaniyang limang taong gulang na anak ay nagawang tumakas at magpakalayo-layo sa Emperyo ng mga tao. Siya ang batang panginoon ng Emperyo ng Rintoria at paniguradong sa hinaharap tutugisin niya ang lahat ng sangkot sa pagbagsak ng kanilang Emperyo. _ _ ©2022 by Rey__Rey
Legend of Divine God [Vol 8: Advent of the Divine Child] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 447,241
  • WpVote
    Votes 75,708
  • WpPart
    Parts 62
Dahil sa pagkapanalo ng New Order Alliance sa malaking digmaan, ang Dark Continent ay nakatakda nang mabago at magkaisa. Tapos na ang misyon ni Finn sa Dark Continent, nagawa niya ang hamon ni Munting Black, at ngayon, babalik na siya sa Ancestral Continent upang muling makasama ang kanyang pamilya at ang kanyang mga kaibigan. Subalit, isang trahedya ang sumalubong kay Finn sa kanyang pagbabalik. At dahil sa trahedyang ito, magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng binata. Magiging iba na siya sa dating Finn Doria. -- Started on Wattpad: April 11, 2021 - August 2, 2021 Illustration by Rugüi Ên
The Gamer by foreverhumble20
foreverhumble20
  • WpView
    Reads 161,216
  • WpVote
    Votes 6,588
  • WpPart
    Parts 58
Si Mark ay isang ordinaryong high school student na magaling sa larangan ng gaming. Isang aksidente ang babago sa kanyang ordinaryong buhay. Story completed but under revision
Legend of Divine God [Vol 7: Continental War] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 428,589
  • WpVote
    Votes 69,405
  • WpPart
    Parts 62
Synopsis: Nagsulputan na ang mga bagong kalaban. Ang mga sikreto ay isa-isa nang naglalabasan. Hindi pa rin natatapos ang kaguluhan, at upang matapos ito, kailangang magsimula ng malawakang digmaan upang mabago ang nakasanayan. Mayroon nang lakas at kapangyarihan si Finn upang lumaban, pero, kakailanganin niya pa rin ang tulong ng kanyang mga kaibigan. Sino ang magwawagi sa huli? Ang nais umalipin sa ibang lahi, ang nais pumaslang sa ibang lahi o ang nais mapag-isa ang bawat lahi? -- January 1, 2021 - April 10, 2021 Illustration by Rugüi Ên
Different Realms: The Alliance  by Jynx___
Jynx___
  • WpView
    Reads 14,137
  • WpVote
    Votes 1,033
  • WpPart
    Parts 77
Maraming positibo na tuluyang namayani na ang kapayapaan sa sanlibutan ngunit mali ang kanilang inaakala. At sa pagkakataong ito, madadamay ang mga simpleng tao. Magagawa nga ba ng mga tao na tanggapin ang mga taga-ibang mundo? O ito ay kanilang kamumuhian dahil kauri nila ang naghatid ng gulo?
Immortal Ascension by arruikeis
arruikeis
  • WpView
    Reads 136,087
  • WpVote
    Votes 8,208
  • WpPart
    Parts 34
Isang sanggol ang iniwan sa tarangkahan ng isang paaralan para sa mga manlilinang. Sa kabutihang-palad ay kinupkop ang sanggol ng isa sa mga guro ng paaralan. Labing tatlong taon ang lumipas at ngayon ay tutuntong na ang bata sa mundo ng paglilinang. Kaya niya kayang lagpasan ang lahat ng pagsubok na sasalubong sa kanya sa mapanganib na daan ng paglilinang? Malaman niya kaya ang tunay niyang pinagmulan? At maaabot niya kaya ang pinaka-rurok na inaasam ng bawat manlilinang na 'Immortal Ascension'?
The Angel Of Darkness  by RebeldengMariaClara
RebeldengMariaClara
  • WpView
    Reads 47,038
  • WpVote
    Votes 1,976
  • WpPart
    Parts 25
Even the Devil was once an Angel Warning: This is a BxB fantasy story hope you like it -RMC Start 08-13-2019 End 05-27-2020
Reincarnated as a Beast Tamer by SwordmanK
SwordmanK
  • WpView
    Reads 67,433
  • WpVote
    Votes 5,360
  • WpPart
    Parts 91
"Alam mo 'yung pakiramdam na parang galit sa'yo 'yung mundo? Hindi sa nagdadrama ako, pero seryoso, ang hirap, masakit. Parang binuhos sa'yo lahat ng kamalasan. Yung mababangis na hayop, kaya kong paamuhin o kontrolin, pero sa tadhana at 'yung nakaukit sa buhay ko... wala akong magawa...Hay... Pero hindi sapat ang mga 'yon para magalit ako sa mundo, baka naman kasi espesyal lang akong nilalang. Kung kailangan ko saluhin ang kamalasan ng iba, siguro ikasasaya ko pa. Nand'yan naman si Lass eh, makasama ko lang ang lalaking 'yon, wala na akong problema. 'Wag lang siya paglaruan ng tadhana... baka 'yun pa ang maging dahilan para magalit ako sa mundo."