babz07aziole
ANNOUNCEMENT:
THE REMAINING CHAPTER ARE POSTED @GOODNOVEL JUST SEARCH MY USERNAME @babz07aziole thank you!
HALOS hindi aakalain ni Ivan Sammuel Stevenson na kusa siyang ibabalik ng tadhana sa lupain kung saan nag-ugat ang lahat-lahat.
Makikilala at makakasalamuha niya ang mga taong minsan naging bahagi ng buhay ng namayapa niyang Lolo na si Xander Luis Montenegro--- kamukhang-kamukha niya, maski sa kilos, pananamit at pag-uugali ay akmang-akma rito.
Sa hindi maipaliwanag na kasiyahan at tila pagkabuo ng kanyang pagkatao na natagpuan ay hindi niya maitatwang labis-labis siyang nagalak. Kahit na matindi ang pagsalungat ng kanyang isipan dahil na rin sa pagpapakilala sa kanya ng ina sa Bayan pinagmulan ng kanyang Lolo Xander Luis.
Ngunit, kasabay naman niyon nang pagkakatagpo nila ng babaeng naging huling kasama ng Lolo niya. Ang babaeng halos pinaglaanan ng mahabang panahon at natitirang buhay nito--- si Katherine Salcedo. Apo ng step sister ni Xander Luis na si Armina Deo Gracia. Ang nag-iisang babaeng tunay na inibig at minahal ng kanyang Lolo.
Bigla ang pagsiklab ng poot sa kaibutoran bahagi ng kanyang puso nang mapag-alaman niya iyon!
Dahil doon ay lalo siyang naglakas ng loob na tuparin ang matagal ng plano.
Kasabay ng pagsasakatuparan niya sa mga binabalak ay ang unti-unting pagtuklas niya sa pangitain na matagal ng humabol sa kanya.
Paano kung kasabay ng pagtatagumpay niya ay ang pagkatuklas niya sa nakaraan kasugpong sa katotohanan na nakaakibat sa pagitan nila ni Katherine.
Unti-unting mababago ang lahat, tuluyang mahuhulog sila sa bawat isa. Mabubuwag ang inaakala niyang katotohanan sa nakaraan. Malalantad ang nagpapanggap at matutuldukan ang matagal ng paghahanap ng kasagutan sa simula hanggang wakas patungkol sa nakaraan.
Maitatama pa ba niya ang lahat? Kung huli na.
Katulad din ba sa naging panahon nina Xander Luis at Armina, ang magiging kahahantungan ng pag-iibigan nila ni Katherine Salcedo...