babz07aziole
Hindi Nakikitang Rehas
Mula Sa Panulat ni:
Babz07aziole
Genre:General Fiction
Sypnosis:
Maagang namulat si Panacea sa kahirapan, sa batang edad. Natuto itong tumayo sa sariling mga paa para mabuhay, mapag-aral ang sarili at makatulong na rin sa magulang at mga kapatid na maliliit pa. Ngunit kahit magkagayon, nanatili pa rin siyang postibo sa buhay. Tanging ang pagsusulat lamang ang natatakbuhan niya sa tuwing sinasalakay siya ng samo't-saring alalahanin. Dito niya ibinubuhos ang lahat ng nais niyang ipagsigawan sa mundo. Nangarap siya, balang-araw makikilala rin ang mga obrang kaniyang naisulat.
Pero dumarating 'yung punto na kahit anong kayod ang gawin niya, nanatili pa rin silang naghihikahos sa hirap. Totoo yata ang kasabihan: KAPAG IPINANGANAK KANG MAHIRAP, MAMATAY KA NA RING MAHIRAP.
Pakiramdam niya napaka-unfair ng buhay sa kanila, sila itong mahihirap ang nagsusumikap umangat sa buhay. Pero ang mayayaman naman ang lalong yumayaman.
Kaya isang araw ipinangako niya sa sarili, aahon sila sa putikan na kanilang kinasasadlakan. Isa ito sa dahilan niya ba't siya nangibang-bansa. Akala niya ito ang magiging daan para makatakas sa hirap na kanilang kinamulatan. Ngunit nagkamali siya, dahil ito ang magiging puno't-dulo ng lahat. Kung bakit magigiba ang lahat ng mga pinangarap niya sa kaniyang pamilya...
... Pero magiging daan naman para mabuo ang isang pangarap niyang bubuuin ng isang taong may malaking kaugnayan sa kaniyang pagkatao...