cheweirdy's Reading List
32 stories
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: RIKI AND THE BODYGUARD by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,027,082
  • WpVote
    Votes 27,922
  • WpPart
    Parts 38
Dahil sa isang hindi magandang unang pagkikita ay na-involve ng husto si Ailyn sa magulong mundo ni Riki Montemayor, ang basagulerong prinsipe daw ng Sport's world. Labag man sa loob niya ay natagpuan niya ang sariling bodyguard nito. Doon nagsimula ang pasakit niya dahil walang araw na hindi sila aso't pusa kung mag-away. Hanggang sa kausapin siya ng masinsinan ng ama nito. "I want you to not only protect him but to tame him." Paano niya iyon gagawin kung siya mismo ay naniniwalang wala na itong pag-asang magbago? But everything seems to change when her hate for him became attraction. Bigla ay apektadong apektado na siya sa mga taong nagtatangkang saktan ito. At nang biglang sumulpot ang ex nito at nais makipagbalikan dito ay labis siyang nabahala. Sinabi na ni Riki sa simula pa lang na hindi ito magkakainteres sa kaniya. So what would she do now that she realized she was already in love with him?
THE PRINCE'S SCANDAL TRILOGY: Raiven And The Temptress by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,685,471
  • WpVote
    Votes 38,533
  • WpPart
    Parts 41
Walong taon na ang nakararaan ay niloko at sinaktan ni Lauradia ang damdamin ng tanging lalaking minahal niya - si Raiven Montemayor. Nang muli silang magkita ay hindi nito itinago ang galit na nararamdaman pa rin nito para sa kaniya. Lalo at nakita siya nito sa isang hindi magandang sitwasyon. "Instead of looking for other men to seduce, you will warm my bed as long as I want to. Of course, I will make sure to compensate you. However, I will not love you and you are not to fall in love with me. I will not marry you either. Are you willing to throw away all your love for money?" Parang patalim na sumaksak sa puso niya ang sinabi nito. Pero tinanggap niya iyon kasi umaasa siya na baka kapag hinayaan niya itong saktan siya ng ganoon ay mapatawad siya nito. "Matagal ko ng itinapon ang sinasabi mong pag-ibig Raiven." Iyon ang lakas loob niyang sinagot dito. Kahit ang totoo ay mahal na mahal pa rin niya ito...
The Prince's Scandal Trilogy: CHOI AND THE BABYSITTER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,422,920
  • WpVote
    Votes 38,189
  • WpPart
    Parts 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito. Laking gulat niya na ang anak pala nito na magiging amo niya ay walang iba kung hindi si Choi Montemayor, kilalang prinsipe ng high society na sa TV lang niya nakikita. Lalo pang naging complicated ang sitwasyon nang biglang sumulpot ang isang batang babae sa bahay ni Choi. Anak pala nito sa dating karelasyon. Nasaksihan ni Lorie na nagulo ang mundo nito. Ang masama dinamay pa siya ng binata sa gulo ng buhay nito. Ginawa kasi siyang babysitter. Hindi nga lang niya ineexpect na mapapamahal siya sa bata. At kahit ayaw niyang tanggapin ay napamahal din siya kay Choi Pero alam niyang walang kahahantungan ang nararamdaman niya para sa binata. Hindi siya naniniwala sa fairy tale at sa fairy tale lang nangyayaring nagkakagusto sa isang tulad niya ang isang prinsipeng gaya ni Choi Montemayor.
WILDHORN BAND mini series by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 620,008
  • WpVote
    Votes 20,959
  • WpPart
    Parts 145
RAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala ni Gemma na magkakaroon ng katugon ang pagmamahal niya para kay Carlo. Ngunit kailangan nilang ilihim ang kanilang relasyon dahil alam nilang marami ang hahadlang. Ngunit pagkatapos ng isang gabing pagpapadala nila sa damdamin nila ay nabisto sila ng mga taong pinaglilihiman nila. She was forced to leave his house and his life. Umalis siyang ang tanging dala ay ang buhay na alaala ni Carlo. Darating kaya ang araw na magiging malaya silang mahalin ang isa't isa? Book 3: Promise Me Forever "He was her first love and her first kiss. He was the best thing that happened in her life." Book 2: HILING "Everytime I look at you I feel so young. I feel energized, I feel so alive." Audra was a geek; her friend Lyka was a fashionable music VJ. Pero sa kabila ng magkasalungat na personalidad nila ay nanatili ang kanilang pagkakaibigan na nagsimula pa noong mga bata pa sila. Until she fell in love at first sight with a band's vocalist, Chase Lorenzo, who turned out to be Lyka's "love of my life." Book 1: LOVE AND MUSIC Lloyd Alcaraz&Janice De Silva (the rock band vocalist and the classical pianist who met at the most unexpected way)
Wildflowers series book 5: True Love's Passion by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 504,306
  • WpVote
    Votes 12,751
  • WpPart
    Parts 38
Lingid sa kaalaman ng lahat, nagsimula ang pagkahilig ni Yu sa drums at sa musika noong bata pa siya nang makilala niya si Matt na napadpad sa bayan nila. He was the one who introduced rock music to her. Ito ang nagturo sa kanya kung paano tumugtog. Sa loob ng isang linggong nakasama niya ito ay nabago ang buhay niya. It was also the first time she learned how it feels to fall in love with someone. Ngunit kinailangan nitong umalis at ang tanging naiwan nito sa kanya ay isang lumang discman at pangalan nito. Sa paglipas ng panahon ang paghahanap dito ang naging motivation ni Yu para maging matagumpay na musikera. Ngunit kahit labinlimang taon na ang lumipas at sumikat na sila ay hindi niya nakita si Matt. Nang magpasya siyang sumukoay saka naman muling nagkrus ang mga landas nila. Again she strongly felt a mutual attraction from that moment. Ang akala niya magagaya na siya sa mga kaibigan niya na masaya sa piling ng mga mahal ng mga ito. Pero may isang sekreto pala si Matt na hindi nito sinabi sa kanya. Sekretong dumurog sa puso niya
Wildflowers series book 4: A Lover's Second Chance by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 577,080
  • WpVote
    Votes 16,701
  • WpPart
    Parts 36
"Maghihintay ako kahit pumuti pa pareho ang mga buhok natin. Kapag pagod ka na, gusto kong malaman mo na may uuwian ka." Carli married at a very young age. Noong una ay masaya ang pagsasama nila ng asawa niyang si Cade hanggang sa nagtagal ay nakita na nila ang pagkakaiba ng mga gusto nila sa buhay. Nais niyang maging isang sikat na singer habang ang nais ni Cade ay manatili lang siya sa tabi nito. Isang pangyayari sa buhay nila ang naging dahilan upang maghiwalay sila ng landas. Pagkalipas ng sampung taon, natupad ni Carli ang pangarap niya pero may hinahanap-hanap pa rin ang puso niya. At alam niya kung sino iyon... si Cade. Ang akala niya ay pagkakataon na iyon upang ayusin ang relasyon nila, pero ang isinalubong nito sa kanya ay annulment papers. Nais na nitong tapusin ang ugnayan nilang dalawa dahil may nakita na itong babae na ipapalit sa kanya.
WILDFLOWERS series book 3: First Love's Touch by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 498,784
  • WpVote
    Votes 12,517
  • WpPart
    Parts 32
"Hindi ko kayang magsulat ng kanta para masabi ko sa iyo ang nararamdaman ko. I cannot even sing a song for you. All I can do is ask you this... marry me?" Excited man si Anje na bumalik sa Pilipinas, hindi naman siya ganoon ka-excited bumalik sa bahay nila at makita ang mga magulang niya. Noon pa man kasi ay hindi na sang-ayon ang mga ito sa career na pinili niya. Ngunit nang magpunta siya sa bahay nila ay hindi ang mga magulang niya ang naabutan niya kundi si Theodore, ang ampon ng mga ito mula pa noong sampung taong gulang siya. He reminded her of all the things she thought she had already forgotten after all these years. Kasama na roon ang damdamin niya para dito na matagal na niyang pilit inaalis sa sistema niya pero hindi niya magawa. Nais niyang iwasan ito. Ngunit dahil sa isang sitwasyon ay nagkaroon sila ng pagkakataong maging malapit sa isa't isa. And she ended up loving him even more. Ngunit kahit maraming taon na ang lumipas, alam niyang hindi ito maaaring maging kanya. She was trapped with a promise never to love him. And he was trapped with the memory of his own first love.
WILDFLOWERS series book 2: A Sinner's Temptation by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 348,830
  • WpVote
    Votes 8,765
  • WpPart
    Parts 19
"I kissed you to let them know that they can never have you." Utos ng music label ng Wildflowers na makipag-collaborate sila kay Adam Cervantes, rockstar/genius composer sa Hollywood na half Pinoy. Si Ginny ang napili ng producer nila na makatrabaho ni Adam. Ngunit kahit anong pilit ni Ginny ay hindi niya magawang makasundo ang lalaki. Kahit kasi ilang taon na sila sa Amerika ay naku-culture shock pa rin siya kapag si Adam na ang kasama niya. Kung gaano siya ka-conservative ay ganoon naman ito ka-liberated. But then, Adam also made her feel so many things so new to her. Until she fell in love with him. Ang kaso alam niyang laro lang para dito ang lahat. Adam never took any woman seriously. Alam niya na kapag na-bore na ito sa kanya ay iiwan siya nito nang walang pag-aalinlangan. And that would mean a broken heart for her. Magagawa ba niyang isugal ang puso niya rito?
WILDFLOWERS series book 1 - A Liar's Kiss by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 291,614
  • WpVote
    Votes 7,783
  • WpPart
    Parts 18
Bumalik sa Pilipinas si Stephanie at ang buong banda niya para mag-break at para mag-compose ng mga awiting gagamitin nila para sa kanilang anniversary album. Dahil wala naman siyang uuwiang pamilya sa Pilipinas, nagdesisyon siyang manatili sa isang exclusive resort upang doon mag-isip. Isang gabi, habang nanonood siya ng meteor shower sa dalampasigan ay nakilala niya si Oliver. Simbilis ito ng bulalakaw na lumapit sa kanya, hinalikan siya sa mga labi, at nawala sa kanya. Nalaman niya na nagbabakasyon din ito sa resort na iyon. She was drawn to him because he didn't seem to recognize her as a member of a popular band. So she ended up spending her days... and night with him. Subalit kung kailan akala niya ay magkakaroon ng magandang patutunguhan ang namagitan sa kanila ay nalaman niya ang katotohanan sa likod ng paglapit nito sa kanya. Na mula umpisa ay alam nito kung sino siya. That for him, she was nothing but a job he has to do to save his precious magazine...
Insta Groom Series 5 King Dave COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 144,900
  • WpVote
    Votes 2,475
  • WpPart
    Parts 21
Phr Book Imprint Published in 2016