NaxiSuo
Ano na naman bang kailangan mo sa akin? Hindi ka pa ba natutuwa at nasira mo na ang buhay ko? Hindi ko maintindihan kung ano ang naging problema at nagagalit sa akin si Melvin mali bang ipakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal? May nagawa ba akong mali? Napatingin ako sa kanya ng bigla nyang sabihin na, "Lumayo ka sa akin, at pilitin mong huwag tayong magsanga ng landas". Dinaanan nya lang ako na para bang hindi nya ako kakilala. Ang sakit sakit ng loob ko ang hindi ko maintindihan mali ba talaga ang magmahal?
Tama bang sundin ko na huwag ng magpakita sa kanya o sundin ko ang puso ko?
Alin ba ang tama ang magmahal o magparaya? Ang hirap naman...