Completed Original Stories🎊
16 stories
✔ | I Won't Ever Leave You by dreamcoloredgift
dreamcoloredgift
  • WpView
    Reads 359
  • WpVote
    Votes 17
  • WpPart
    Parts 24
【Written in Filipino; Book 1 of "Chronicles of the Roses" series】 Nagbalik si Alexis sa kanilang hacienda matapos ang sampung taong pamamalagi niya sa Canada, patuloy na baon ang isang alaalang sumugat sa kanyang puso. Sa paniniwalang namatay sa isang aksidente ang kanyang pinakamamahal na kaibigang si Angela, hindi na kailanman natutunan ni Alexis na ibaling sa iba ang nararamdaman. Ngunit sa kanyang pagbabalik, laking-gulat niya nang makitang buhay na buhay si Angela. Subalit lalong sumugat sa kanyang puso ang sitwasyon ngayon ng dalagaーtulala, hindi nagsasalita at lumpo. Sa paghahangad na ibalik sa dati ang dalaga, tinuklas ni Alexis ang nangyari sa kaibigan. At isang lihim ang natuklasan niyang magdadala sa kanilang lahat sa kapahamakan... xxxxxx Date started: March 31, 2008 Date finished: July 19, 2008 Love story of Alexis Cervantes of the Cervantes (White Rose) clan and Angela dela Vega of the Dela Vega (Red Rose) clan.
✔ | We'll Always Be Each Other's Baby by dreamcoloredgift
dreamcoloredgift
  • WpView
    Reads 312
  • WpVote
    Votes 12
  • WpPart
    Parts 11
『COMPLETE』 Baby Boy + Baby Girl = Cute Love Story? Nah! Malabo yata iyon para kay Ayumi. Lalo pa at hindi naman talaga niya masasabing gusto niya si Vince na laging nagtatanggol sa kanya kahit na binu-bully rin ito noon dahil mataba ito. But she had to admit na may espesyal na puwang ito sa puso niya noon pa man. Hindi nga lang alam ni Vince. Kaya nang muli silang magkita nito after 10 years, natitiyak niya sa sarili niya na ganoon pa rin ang sitwasyon sa pagitan nila. But more than a month seemed to be more than enough to let her know na hindi lang basta special ito sa kanya. That span of time of being with Vince on a blissful vacation proved to be something much more than she could ever think of. But some things doesn't last, 'ika nga nila. Dahil alam niya na hindi magtatagal ang pagkakataong iyon sa kanilang dalawa ni Vince, lalo pa't alam niyang mahalaga pa rin dito ang pagtupad sa mga pangarap nito. Besides, sino lang ba siya sa buhay nito in the first place para pigilan ito? She was just his childhood friend and nothing more... Kaya naman hindi niya maaatim na maging sagabal sa mga pangarap nito. Nakakaloka lang talaga. Hay, naku!
✔ | To The Irreplaceable One I Love by dreamcoloredgift
dreamcoloredgift
  • WpView
    Reads 180
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 20
『COMPLETE』 Matagal nang alam ni Heidi na hindi siya isang ordinaryong tao. Bata pa lang siya ay alam na niyang isa siya sa pinagpipilian na humalili sa kanyang ama bilang leader ng Terradenio clan. Kasabay niyon ay ang tungkuling maging leader din ng grupo ng apat na angkang nasa ilalim ng Eight Thorned Blades. Pero kung may isang bagay talaga na tutukoy sa kanya para sabihing hindi siya ordinaryo, iyon ay ang kakayahan niyang makita ang hinaharap sa pamamagitan ng kanyang mga painting. Isa sa mga painting na iyon ang nagbigay-daan para makilala niya si Yrian. Ang mga papuri nito sa kanyang obra, pati ang mga ngiting nag-aalis ng kanyang alinlangan ang ilan sa mga dahilan para maramdaman ng isang hindi ordinaryong taong kagaya niya ang magmahal. Ipinaranas nito sa kanya na may kakayahan din siyang gawin iyon. Pero hindi ito pupuwede sa mundong ginagalawan niya. Hindi niya masisiguro ang kaligtasan ni Yrian. Lalo na at ang painting na naging daan para magkakilala sila nito ang nagpakita sa kanya ng dahilan para mapahamak ang binatang alam niyang tanging mamahalin niya.
✔ | Indigo Love by dreamcoloredgift
dreamcoloredgift
  • WpView
    Reads 136
  • WpVote
    Votes 22
  • WpPart
    Parts 10
『COMPLETE』 Back in high school, Rianne and her cousin unintentionally fell in love with the Olovarez twins. In her case, she secretly fell in love with Jerique Alexander Olivarez. But she never got a fairy tale ending that she wanted, unlike her cousin, because of her fears. Takot ang nagpumigil sa kanya na iparamdam kay Alex na mahal niya ito. Hindi niya nagawang ipagtapat rito ang tunay niyang nararamdaman hanggang sa lisanin na niya ang San Rafael. When she came back to her hometown to mend a broken heart, hindi niya inaasahang si Alex ang kauna-unahang taong nagboluntaryong tulungan siya. He was there for her even though she didn't ask him to. At ngayong may nakaambang panganib sa buhay niya ay ito pa rin ang nasa tabi niya upang protektahan siya. Subalit kahit binigyan na siya ng pagkakataong iparamdam sa binata na mahal pa rin niya ito hanggang ngayon, takot pa rin ang pumipigil sa kanya na gawin iyon. Nais niyang sumugal sa una at huling pagkakataon. Pero handa na ba ang puso niya na tanggapin ang sakit kung sakaling hindi nito bigyan ng katugon ang pagmamahal niya? Paano na ang fairy tale ending na nais niyang mangyari sa kanilang dalawa ni Alex?
✔ | Till Beyond Eternity by dreamcoloredgift
dreamcoloredgift
  • WpView
    Reads 263
  • WpVote
    Votes 19
  • WpPart
    Parts 14
『COMPLETE』 Disaster na maituturing ni Relaina ang pagdating ng campus crush na si Allen Anthony Olivarez sa buhay niya-kahit sabihin pa na ito ang kauna-unahang lalaking iba ang impact sa kanya sa simula pa lang. Bigyan ba naman kasi siya nito ng head injury on her first day in school at mariing halik sa mga labi niya on the next. Aba, lintik lang ang walang ganti kaya dalawang suntok sa mukha ang kapalit niyon dito. Muntik na nga niya itong kitilan ng kaligayang masundan pa ang lahi nito, eh. Since then, lagi na lang silang nagka-clash sa tuwing magsasalubong ang mga landas nila. Pero napansin niya na may sweet side din pala ito. Nalaman din niya ang fascination nito sa mga bulaklak at iyon ang ginamit nito para mapalapit sa kanya. Songs and flowers-all of which held promises to make her happy-gave way for her heart to beat only for him. Kalaunan, nalaman niya na kaya palagi siya nitong iniinis ay dahil gusto nitong magpapansin sa kanya. In short, matagal na itong may gusto sa kanya. Masaya siya nang sagutin niya ito. She felt that loving him like that would make her happy for eternity-just like his pledge to her one New Year's Eve. Pero may mga tao lang yata talaga na hindi gustong iisang babae lang ang mahalin ni Allen. One event made them hurt each other without knowing it. But she has no plans of giving him up that easy. Wala iyon sa bokabularyo niya, lalo pa at ipinangako niya na ito lang ang tanging lalaking nanaisin niyang makasama sa buong buhay niya at sa susunod pa. Kailangan lang niyang patunayan iyon dito.
✔ | Sana Ako Naman Ang Mahalin Mo by dreamcoloredgift
dreamcoloredgift
  • WpView
    Reads 899
  • WpVote
    Votes 37
  • WpPart
    Parts 10
『COMPLETE』 Ang bestfriend ni Khea na si Norina ang mahal ni Phrinze at tanggap na niya ang katotohanang iyon. Masaya na siya sa bagay na iyon sapagkat alam niyang mahal nila ang isa't isa, kahit na ang totoo ay lihim niyang iniibig si Phrinze. She was willing to endure the pain she's feeling because the man she loves for ten years doesn't even love her more than a friend. Subalit isang pagsubok ang magbibigay-daan upang magawa niyang iparamdam sa binata ang kanyang tunay na nararamdaman at the expense of someone else's life. Her bestfriend is dying, at ang huling hiling nito sa kanya-make Phrinze fall in love with her. Pero kaya nga ba niyang gawin iyon gayong alam niyang kahit na anong gawin niya ay si Norina pa rin ang mamahalin nito?
✔ | Don't Fear This Love by dreamcoloredgift
dreamcoloredgift
  • WpView
    Reads 316
  • WpVote
    Votes 30
  • WpPart
    Parts 11
『COMPLETE』 Sharian always believes in a love with a happily ever after ending. At handa siyang maghintay kung kailan darating ang Prince Charming niya na tutupad sa love story na gusto niyang mangyari. Kaya lang, sa tuwing makakasalubong niya ang kinaiinisang si Nelmark, nagtataka siya sa sarili niya kung bakit mas gusto pa niyang ito ang tumupad niyon. Never mind na lang! Dahil sigurado siya na paglalaruan lang nito ang puso niya at tiyak na ibibilang sa mga babaeng pinaluha na nito noon. Isa pa, hindi na naniniwala si Nelmark sa true love, even in happily ever after. Pero naisip niya... What if siya ang bumago nang tuluyan sa pananaw nitong iyon? Will she be able to do it without falling in love with him in the process?
✔ | Our Turn To Heal This Broken Heart by dreamcoloredgift
dreamcoloredgift
  • WpView
    Reads 720
  • WpVote
    Votes 21
  • WpPart
    Parts 12
『COMPLETE』 **A romance series collaboration with Sharmaine Light and Raye Amber** Story of Aeros Francisco and Lianne Willard ーーーーーー Sa lahat yata ng weird na bagay na nire-request ng kuya ni Lianne, ang tulungang maka-move on mula sa heartbreak ang kaibigan nito ang pinaka-weird sa lahat. Kailan pa siya naging love advisor? Idagdag pa na sa mga panahong nakasama't nakausap niya si Aeros Francisco, napupuna niya na parang pasimple siyang ibinubugaw ng kapatid niyang iyon sa binata. Kung wala siguro siya sa katinuan, nasakal na niya iyon. Pero hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit gusto naman niya itong tulungan. Wala namang kaso sa kanya iyon. She has her own experience of heartbreak, as well, and she managed to move on from it. Iyon ang gusto niyang ituro kay Aeros para maka-move on na rin ito. Pero ang hindi alam ng karamihan, nagbigay ng matinding takot sa kanya ang heartbreak na pinagdaanan niya. Dahil doon ay hindi niya magawang magmahal nang hindi nararamdaman ang takot na iyon sa kanyang puso. Sa pagtulong na ginagawa niya kay Aeros, unti-unti niyang nararamdaman na hindi na niya kayang pigilan ang pag-usbong ng pag-ibig na lihim niyang itinatago sa kanyang puso para rito. Kasabay niyon ay ang takot na lagi niyang nararamdaman. Sa puntong iyon, kailangan niyang mamili kung mas gugustuhin ba niyang mahalin si Aeros at manatili ito sa kanya o ang mabuhay nang mag-isa at walang minamahal para lang mapawi ang takot na iyon.
✔ | My Starlight Song by dreamcoloredgift
dreamcoloredgift
  • WpView
    Reads 202
  • WpVote
    Votes 14
  • WpPart
    Parts 12
『Book 1 of "Sky of Love and Promise" series』 Kung friendship rin lang ang pag-uusapan, hindi magpapatalo roon sina TJ at Livie. Well, naging matalik na magkaibigan sila dahil nagkataong pareho silang pinipilit maka-recover sa pagkawala ng kani-kanilang ina at kapatid. Pero ang katotohanang iyon ang nagbigay sa kanila ng dahilan para maging sandigan nila ang isa't isa sa panahon ng kasiyahan at kalungkutan. Masaya na si TJ na palagi niyang kasama si Livie at hindi ito kailanman nag-take advantage sa friendship nila. Pero ang hindi alam ni Livie, matagal nang may gusto rito si TJ. Due to a promise that he and his friends made right after high school graduation, itinalaga na rin niya sa kanyang sarili na si Livie na ang babaeng magsisilbing katuparan ng pangakong iyon. Kaya lang ang problema niya, hindi niya alam kung paano niya ipapaalam iyon dito. Pero hindi siya dapat sumuko. He'll have Livie in his life whatever it takes. Patutunayan niya na siya ang karapat-dapat nitong makasama habang-buhay. Until a dare gave him the hard push he needed to do what he could to accomplish his mission. Pero kung alam lang niya na magkakandaletse-letse ang lahat dahil doon, sana hindi na lang niya tinanggap ang dare na iyon...
✔ | Finding A Special Heart by dreamcoloredgift
dreamcoloredgift
  • WpView
    Reads 273
  • WpVote
    Votes 14
  • WpPart
    Parts 13
『COMPLETE』 Book 1 of "Here's Me Heart" series) Malaking bahagi ng buhay ni Seth ang iginugol niya sa paghahanap sa isang babaeng bumago sa buhay niya may labing-tatlong taon na ang nakararaan. Hindi siya tumigil dahil hindi pumayag ang puso niya na gawin iyon. At alam niya na hindi magiging kumpleto ang buhay niya na wala ang babaeng iyon sa mga susunod na kabanata ng buhay na gusto niyang gugulin kasama ito. In a twist of fate, he found her. Pero hindi niya inakala na ang babaeng iyon pala ay ang taong lihim na iniibig ng isa sa mga kaibigan niya. Though he doesn't want to feel it, he couldn't help feeling torn between choosing what could make him happy and doing what he thought was right for him and his best friend. Pero ano nga ba ang tama para kay Seth? Ang gawin ang lahat upang mapasakanya si Czarina na siyang isinisigaw ng puso niya? O ang magparaya para sa kapakanan ng kaibigan kahit ang kapalit niyon ay ang pagtalikod sa tunay niyang nararamdaman?