Joy set of bachelor's boys
51 stories
For Better, For Worse, Till Death Do Us Part (Wedding Vows) by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 64,191
  • WpVote
    Votes 2,012
  • WpPart
    Parts 22
For Better, For Worse Puno ng pag-aalinlangan ang puso ni Annalor pero determinado siyang mamalagi sa Paraiso Almonte para kay Dave. At para na rin sa kanya. "You are invading my privacy. Hindi na allowed ang guests sa lugar na ito." Parang dagundong ang boses na nagmula sa kanyang likuran. Napalunok si Annalor. Kahit na hindi lingunin ay hindi niya maipagkakamali sa iba ang boses na iyon. Buwan ang inabot mula nang huli niyang makita ang asawa. Bigla ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Ang nasa harap niya ay malayo sa Dave na nakilala noon. Hapis na hapis ang anyo nito. Ikinurap ni Annalor ang mga mata. Gaano man kalaki ang pagbabago sa anyo ng asawa ay hindi pa rin nawawala ang pag-ibig niya rito. At ganoon na lang ang pagpipigil niya para huwag itong abutin at yakapin nang mahigpit. "Dave..." Halos bulong na lang ang boses na lumabas sa lalamunan ni Annalor. Pero parang dinala iyon ng hangin sa pandinig nito. Seryoso itong tumingin sa kanya at saka nagtagis ang mga bagang. "Sino ka?" mariing tanong ni Dave. ----- Till Death Do Us Part Madalas sabihin ni Maris na hindi sila bagay ni Rommel. That they had nothing in common. Pero nang minsang mapagmasdan niya ang lalaki ay parang gusto na niyang kalimutan ang palaging sinasabi sa sarili. The man had class! And with Rommel, pakiramdam ni Maris ay parang naglaho ang lahat ng mga alalahanin niya sa buhay. Kaya kahit ilang beses na idinidikta ng kanyang isip na hindi sila bagay, ganoon din ang dami ng beses na itinatanggi iyon ng kanyang puso. And now she was having second thoughts...
Wedding Girls Series 18 - Lynette by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 70,846
  • WpVote
    Votes 1,914
  • WpPart
    Parts 20
Lynette - The Jeweler Marriage of convenience, iyon ang solusyon upang mapadaling maisalin sa pangalan ni Lynette ang naiwang pag-aari ng kanyang ama. Ang totoo ay puwede niyang kontestahin sa korte ang tungkol sa kondisyon nito. Pero ang pinakapraktikal na paraan ay ang sundin na lang niya ang gusto nitong magpakasal siya at makisama sa mapapangasawa sa loob ng anim na buwan. At hindi masamang magpakasal kay Dominic Laurente. He was her first love, after all. At mapapatunayan niya sa sarili kung totoo ang sabi ng iba na: first love never dies...
To Have and To Hold, From This Day Forward (Wedding Vows) by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 123,686
  • WpVote
    Votes 3,486
  • WpPart
    Parts 26
To Have and To Hold Hindi kilala ni Maurin si Vince Hidalgo. Pero isang araw, basta na lang dumating ang lalaki sa apartment niya. Nang makita ito ay isang salita lang ang kanyang naisip: wonderful! Ipinagpipilitan ni Vince na kasalanan niya ang isang aksidenteng nangyari eight months ago. He was a thirty-four-year-old widower at ang kaisa-isang anak nito ay namatay pa sa aksidenteng iyon. Vince wanted her to pay for it. Ayaw ni Maurin na mademanda. She was a teacher at reputasyon niya ang nakataya. Hindi rin naman balak ni Vince na dalhin pa sa korte ang problema. There was only one solution in his mind. "You killed my son," sabi nito na puno ng akusasyon. "You must bear me another son." ------- From This Day Forward Theirs was a whirlwind romance. Nasa kanila na yata ang titulong "Shortest Engagement of the Entire Romance History." Pakiramdam ni Kristel ay wala nang pinakatama pang gawin kundi ang pumayag sa alok na kasal ni Alex. They both fell in love with each other in almost an instant. At hindi nga sila nag-aksaya ng sandali. Nagpakasal sila Soon they discovered each other's fault. Iniwan ni Kristel si Alex sa farm sa pag-asang susuyuin siya nito at hihimuking bumalik doon. Subalit nagkamali siya iba ang naiuklasan niya Alex was busy seeing his childhood sweetheart. Alex is mine! protesta ng puso niya.
Narito Ako by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 265,411
  • WpVote
    Votes 7,498
  • WpPart
    Parts 23
This is the raw and unedited file of my PHR novel NARITO AKO.
Breath Of Magic, Breath Of Sin by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 118,045
  • WpVote
    Votes 3,694
  • WpPart
    Parts 19
Rapahaella couldn't deny the strong feeling of being in love. And she felt it with every fiber of her being. But her rational mind was telling her not to. Iba na lang ang mahalin niya. Huwag na lang ang misteryosong si Tim na pagmamay-ari na ng taong hindi rin iba sa kanya--- si Abby na pinsan niya mismo. Pero bakit malakas ang dikta ng puso niya na wala siyang naaapakan sa pagmamahal na nararamdaman niya dito? May basehan bang ipaglaban niya ang pag-ibig niya dito o sadyang masarap tumikim ng bawal?
Class Picture Series 6 - The Spoiled Brat and The Bad Boy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 38,163
  • WpVote
    Votes 1,075
  • WpPart
    Parts 17
"Ang hirap sa iyo, Rustico, ayaw mo pang umamin. May gusto ka rin naman sa akin, nagpapakipot ka pa!" Masuwerte si Bianca sa buhay. Nakukuha niya ang lahat ng gusto. Sa pag-attend niya sa reunion ng klase nila noong high school ay nagulat siya sa pagbabago ng karamihan sa kanyang mga kaklase. Pero higit na nagulat si Bianca nang makita si Rusty-ang tinaguriang bad boy ng batch nila. Ibang-iba na ito ngayon-pormal, maginoo, at isa nang matagumpay na doktor. Napukaw ni Rusty ang kanyang interes... at puso. She knew right at that moment he was the one for her. At hindi titigil si Bianca hangga't hindi "napapasagot" si Rusty, kesehodang siya pa ang manligaw! Forever And Always "Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduation nina Princess Grace at Lyndon, napilitan silang sumang-ayon na lang sa kanilang mga magulang nang magdesisyon ang mga ito na ipakasal sila. Sure she loved Lyndon. And she had always dreamt of sharing the rest of her life with him. Pero pareho nilang alam na napakabata pa nila para mag-asawa. At pareho rin silang may mga pangarap na gusto pang tuparin. Nahiling ni Princess Grace na sana sa pagdaan ng panahon ay makayanan ng pag-ibig nila ni Lyndon sa isa't isa ang lahat ng pagsubok na alam niyang haharapin pa nila...
Class Picture Series 4 - January For August by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 39,779
  • WpVote
    Votes 1,442
  • WpPart
    Parts 19
"Alisin mo sa isip mo na kaya lang ako nakipaglapit ay para makuha ang gusto ko sa iyo. Hindi pampisikal lang ang hangad ko. I love you so much. I want to share the rest of my life with you." Nakilala ni January si August nang um-attend siya sa reunion ng klase nila noong high school. Hindi niya inasahang ang binata ang magiging daan para matupad ang pangarap niya na maging isang singer. August was one hell of a handsome guy. Napakabait din. At hindi maikakaila ang attraction nila sa isa't isa. Ganoon na lang ang kasiyahang naramdaman ni January nang sa wakas ay magtapat si August ng pag-ibig sa kanya. Akala niya, hindi magkakaroon ng gusot sa kanilang relasyon. Hanggang sa sumulpot ang isang babae na nagsasabing paglalaruan lang siya ni August.
Class Pictures Series 3 - High School Flame by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 58,377
  • WpVote
    Votes 1,900
  • WpPart
    Parts 16
"Masisisi mo ba ako kung ngayong nagkita uli tayo, ayoko nang maghintay pa ng matagal na panahon para tuluyan ka nang maging akin?" Walang hindi nakakaalam sa pagmamahalan nina Joanna Marie at Lemuel noong high school. Pero dahil sa mga hindi nila kontroladong pangyayari ay nagkahiwalay sila. Sa loob ng mahigit isang dekada, hindi alam ni Joanna Marie kung naaalala pa rin ba siya ni Lemuel kahit paano. Dahil kung siya ang tatanungin, hindi nakalimot ang puso niya. Patuloy niya itong minamahal. At ngayong dumating ang pagkakataon na muli silang magkakaharap, madudugtungan kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari noon?
Class Picture Series 2 - My Secret Crush and Fantasy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 96,191
  • WpVote
    Votes 3,215
  • WpPart
    Parts 27
Pagkatapos ng graduation sa high school ay nagkahiwa-hiwalay sina Fatima Mae at ang kanyang mga kaklase. Wala na siyang balita sa mga ito. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makasabay niya sa eroplano si Alejo Sampana. Hindi kailanman niya maaaring makalimutan ito. He had been, after all, an inspiration in her life. At sa muling pagkikita nila, natanto niya na gaano man katagal ang panahong lumipas ay nanatiling nakadambana ito sa kanyang puso. Ngunit tila may mabigat na dinadala ito sa dibdib. Nakikita niya iyon sa malungkot na mga mata nito. Maybe she could do something to erase that pain... with all the love she had for him...
Class Pictures Series 1 - My Lover, My Best Friend by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 171,796
  • WpVote
    Votes 4,813
  • WpPart
    Parts 32
Mula noon hanggang ngayon, palagi nang nagsisilbing anghel sa buhay niya si Amor. At hindi niya inakalang sa kabila ng mga taong lumipas ay makakagawa pa rin ito ng bagay na maglalayo sa kanya sa kapahamakan. Nakipagkita si Amor kay Joel para magpatulong sa binabalak niyang class reunion para sa batch nila noong high school. Pero may hihingin din pala itong pabor sa kanya. Humingi si Joel ng tulong para maitaboy ang babaeng habol nang habol dito. Well, she could do that. Basta ba tutulungan siya nitong ayusin ang reunion nila. Pero imbes na ang reunion ang asikasuhin nila, nauwi iyon sa komplikadong sitwasyon. Sa pagtataboy nila sa babaeng ayaw tantanan si Joel ay nahuli sila ng pamilya nila sa isang napaka-intimate na sitwasyon. At buong bayan yata ang nakaalam niyon! Siguradong kapag kinompronta sila ng kanya-kanyang pamilya, isa-suggest ng mga ito na magpakasal sila. Ano ang gagawin nila? Magagawa ba ni Amor na tumangging magpakasal kay Joel? After all, she had been loving him all her life.