SEEDc1
- Reads 451
- Votes 21
- Parts 16
"Damulag" yan ang tawag nila saakin dahil matangkad, mataba, maitim at higit sa lahat pangit ako. Naging suki ako ng panlalait mula pagkabata. Doon ko napagtanto na malayo ang pinagkaiba ko sa iba. Naging mas malala ang lahat nang nagbinata ako. Dumami ang mga tigyawat sa mukha at likod ko na halos punuin ito. Dahil dito, tuluyan akong nawalan ng confidence at umiwas sa mga tao. Naging libangan ko ang hindi pakikipag-usap sa kahit na sino man dahil alam kong wala ding maglalakas loob makipag-usap saakin.
Isang araw, napagdesisyunan kong gumamit ng produktong nakakapagpakinis ng mukha upang baguhin ang nakasanayan kong buhay mula elementary hanggang highschool. Para na din magkaroon ako ng normal at bagong buhay sa college. Napapadalas ang pagbisita namin sa derma upang gabayan ako sa mga prosesong gagawin ko. Naging matagal ang hakbang ng aking transpormasyon ngunit naging worth it ang lahat. Ang laki ng pinagbago ng itsura ko at halos di narin ako makilala ng mga ilang nakakakilala saakin. Hindi rin ako makapaniwalang pagmamay-ari ko pala ang mukhang ito. In short, sobrang gwapo ko na.
Ako si Johan Gio Hawkinson, sabay sabay niyo akong mahalin sa bago kong buhay. Ito ang The Pogi's Diary.