Short Stories and Novels to Read
4 stories
Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE) by helene_mendoza
helene_mendoza
  • WpView
    Reads 3,488,137
  • WpVote
    Votes 75,947
  • WpPart
    Parts 49
Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kanya. Okay na siya kung masaktan man at takasan ang lalaking minamahal. Ang mahalaga ay kasama niya ang anak niya. Isang aksidente ang nangyari at natagpuan niya ang sarili sa isang pamilya na inaangkin siya at tinatawag siyang Aria. Paninindigan na lang ba niya ang bagong pagkatao na ibinigay sa kanya?
Tiklado by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 2,237
  • WpVote
    Votes 121
  • WpPart
    Parts 3
Noon iniisip kong gumagawa lang ako ng kanta para sa sarili ko. Iniisip ko na isinusulat ko lang silang lahat dahil...dahil gusto ko. Pero nagbago bigla ang lahat noong makita kita isang araw sa sayawang iyon. Hindi ka sumasayaw. Nakatitig ka lang sa akin at pinapanood mo ako habang tinitipa ang bawat tiklado ng aking piano. Nilapitan kita pagkatapos, ngumiti ka pero hindi ka nagsalita. Tumakbo ka palayo pero muli kang lumingon para lang ipakita ang iyong napakagandang ngiti. Kailan ko nga ba isinulat ang kantang ito? Ah...oo naalala ko na. Naalala ko noong sinabi mo sa akin na papayag ka lang na makilala kita kung gagawan kita ng kanta. Hindi ko alam na iba pala ang dahilan mo kung bakit gusto mong isulat ko ang bawat piyesa ng kantang ito.
Tagu-taguan by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 5,258
  • WpVote
    Votes 284
  • WpPart
    Parts 11
"Tara laro tayo!" "Anong laro naman ang gusto mo?" "Tagu-taguan...ikaw ang taya ha?" "Haha sige sige gusto ko 'yan!" "Oh dali! Dali na takpan mo na ang mga mata mo tapos bilang ka hanggang sampu ah?" "Tapos hahanapin kita?" "Oo hahanapin mo 'ko. Kapag nahanap mo ako, ako naman ang taya." Nakakapanibago yata na sa pagkakataong iyon ay pumayag kang maging taya kung matataya kita. "Sige! Isa...dalawa...tatlo..." Nagbilang ako hanggang sampu sa likod ng puno ng ating paboritong palaruan. Noong una akala ko nasa paligid ka lang. Halos isang oras siguro akong naghanap sa 'yo, nakangiti pa ako noon. Mukha nga akong tanga habang naghahanap, pero noong naisip ko ang sinabi mo sa akin dati ay hindi ko na tinuloy ang paghahanap. "Bakit ba kasi tayo hanap ng hanap sa mga bagay na nagtatago? Kaya nga sila nagtatago...kasi ayaw nilang magpahanap," sabi mo. "Oo nga 'no? Kasi kung gusto nila magpahanap, magpapakita sila. Kahit gaano katagal 'di ba?" sagot ko naman. Ewan ko ba. Sa tuwing maaalala ko ang mga panahon na 'yon noong mga bata pa tayo, napapangiti na lang ako. Mga bata pa nga tayo noon, wala pang alam. Pero hindi na tayo bata ngayon. Hindi na siguro natin kailangang magtaguan...ng nararamdaman. Special thanks: Cover by: AFeelingWriter
The Jumper (Short Story by EMPriel
EMPriel
  • WpView
    Reads 6,150
  • WpVote
    Votes 257
  • WpPart
    Parts 8
Kung tutuusin ay halos 420 feet o kulang-kulang tatlumpu't limang palapag ang taas ng gusaling kinatatayuan ko ngayon. Ang bilis ng hangin na tumatama sa aking mukha ay umaabot ng 30 hanggang 40 kilometro per oras. Ang taas ng harang kung saan ako nakatayo mula sa roof top ng building na ito ay umaabot lang ng 4 feet. Sapat upang harangan ang mga taong susubok na pigilan ako sa aking gagawin. Hindi sila nagtatangkang lumapit dahil alam nila na kapag sinubukan nila ay baka gawin ko ang kanilang iniisip. May halos limang helicopter ang paiko-tikot lang sa ere. May mga camera ang ilan sa mga taong nakadungaw sa bawat helicopter na lumilipad. Humigit kumulang dalawampung truck ng bombero ang nag-aabang sa ibaba. Wala naman silang magawa kundi subukang abutin ang kinalalagyan ko ngayon gamit ang naghahabaan nilang mga hagdan. Kahit gawin pa nila ang lahat ay siguradong hindi naman nila ako maaabot dito.