MIX ❤️
41 stories
When I Fall In Love  (The Bouquet Ladies Trilogy Book 3) by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 162,818
  • WpVote
    Votes 3,511
  • WpPart
    Parts 14
"I'll wait forever if I have to." Published Under PHR 2016 xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox Paglipas ng maraming taon ay nagbalik si Ynella sa probinsya na kanyang kinalakihan para pangasiwaan ang kasal ng dati niyang kabarkada noong high school. Kasabay ng masayang okasyon na nasaksihan niya ay ang pagbabalik ng mapapait na alaala. Lalo pang lumala ang pait nang makaharap niya ang vocalist ng sikat na banda na tutugtog sa reception. Sevastian de Angelov "Torch" Montelibano, rock star, sinfully handsome devil, her first love, first kiss, first heartache... her one and only love. Dahil sa isang pangyayari sa kanilang nakaraan ay pinaghiwalay sila ng tadhana. Ngayon ay muli silang pinagtagpo para ipamukha sa kanya ang kasalanan niya sa lalaki noon. Mukha namang bale-wala na kay Sevastian ang lahat. In fact, halatang interesado pa rin ito sa kanya ngayon. Pero malinaw ang mensaheng ipinapahatid ng bawat salita at titig nito- he was only in for some fun. Fun. Hindi siya interesado doon. Especially not with him. Lalo na ngayong maayos na ang buhay niya. At lalo pa ngayong napatunayan niya na hindi pa rin naghihilom ang sugat na dulot ng nakaraan. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Bawat lingon niya ay naroroon ang lalaki, at mukhang determinado itong durugin ang puso niya sa ikalawang pagkakataon.
The Bouquet Ladies 2: Conquering Ariana's Taste (COMPLETE) - Published under PHR by MissClosetNovelist
MissClosetNovelist
  • WpView
    Reads 336,306
  • WpVote
    Votes 8,527
  • WpPart
    Parts 28
Buong buhay ni Ariana ay pinaghahandaan niya ang araw na ipapasa na sa kanya ng papa niya ang pamamahala sa Ariana's Taste. Kaya naman napakasaya niya nang sa wakas ay mangyari din iyon kahit pa temporary lang. Ngunit dahil sa isang maling business decision ay nasira ang tiwala ng papa ni Ariana sa kanya. Pero hindi lang pala iyon ang dapat problemahin ni Ariana. Dahil may iba pang naging casualty ang kanyang ginawang business decision, ang De Asis Corporation na pinamamahalaan ng pinaka-aroganteng lalaking nakilala niya-si Clarence De Asis aka Clay, the man who acted like he was a god among mortals. Before Ariana knew it, binablackmail na siya ni Clay na gawin ang lahat ng nais nito. At hindi lang iyon. Minamanipula na din nito ang kanyang buhay. Hanggang sa umabot na sila sa puntong napapayag na siya nitong magpakasal para lang sa kapakanan ng negosyo. Sa pagitan ng mga pagbabanta nito at pagpapaka-charming, hindi na alam ni Ariana kung alin ba doon ang umepekto sa kanya kaya niya biglang natagpuan ang sariling nakikipagpalitan ng "I do" kay Clay.
I Couldn't Ask For More by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 202,750
  • WpVote
    Votes 4,735
  • WpPart
    Parts 14
published under PHR 2012 (Modified version) Natanim sa isip ni Daphne ang hula sa kanilang mag-ina noong bata pa siya. Bakit ba hindi, eh lagi na lamang siyang dinadalaw ng isang lalaking walang mukha sa mga panaginip. Kaya nga naging mission niya ang paghahanap sa lalaking iyon na karapat-dapat daw niyang mahalin. "Hindi ako magbo-boyfriend hanggang hindi ko natatagpuan ang soul mate ko na sinasabi ng manghuhula," determinadong sabi niya sa bff niya. "Ano pa ang sinabi ng manghuhula na signs tungkol sa soul mate mo? Na kalbo siya? Iyon lang? Hindi ba kasama ang guwapo, macho at matalino? Baka-sakali namang pumuntos ako." Napatingin sila sa pinagmulan ng tinig. Holy Crow! Ang bully, pero macho-guwapito, na neighbor! Siguradong hindi na ito titigil sa pang-aasar sa kanya. "Ano ba talaga ang inaayawan mo sa akin? Kung magpapa-shave ba ako ng buhok ay papasa na ako sa panlasa mo?" Well... sa mga titig pa lamang ng binata ay nawawala na siya sa tamang huwisyo. Pero paano ba niya ipagkakatiwala ang puso dito, kung left and right ang syota nito? Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love "Huwag kang magpapadala sa emosyon, iyan ang magdudulot sa 'yo ng kapahamakan," tinig ng manghuhula. Alin nga ba ang mas malaking kalokohan... ang magpaniwala sa isang hula, o ang magmahal ng maling lalaki at maging kawawa?
My Sweet Misery by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 351,391
  • WpVote
    Votes 9,138
  • WpPart
    Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) "I need you. You're the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only person who can make me whole again." 💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞 Aso't pusa, iyon sina Ethan at Jessica. Pero sa totoo lang ay mahalaga ang binata kay Jessica dahil best friend ito ng kuya niya. Minsan ay inabutan niya si Ethan na iniinsulto ng mortal nitong kalaban. She had to do something, or else ay ramble na naman ang kasunod nito. Mabilis niyang nilapitan ang binata at ikinawit ang mga braso sa beywang nito. "There you are, babe! Kanina pa kita hinahanap." Natigilan si Ethan at tinapunan siya ng are-you-crazy-stare. Nang sila na lang dalawa ay sinita siya nito. "You know, I go to parties to pick up a one-night stand. And since tonight you labeled me, staying here would be useless. Pangatawanan mo na girlfriend kita. You're coming home with me." Nanlaki ang mga mata ni Jessica. Wala sa sariling iniyakap niya ang mga braso sa dibdib. Sumunod ang mga mata ni Ethan sa bagay na pinoprotektahan niya. Pumalatak ito at umiling. "Do you really think na pagnanasaan ko ang mga bubot na papaya?" Ang hinayupak! Kahit kailan ay peste talaga ang lalaking ito sa buhay niya. 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓 Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
One Love, One Soul (completed) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 319,573
  • WpVote
    Votes 8,207
  • WpPart
    Parts 87
Mula pagkabata ay minahal na ni Santi at Kara ang isa't-isa. Masaya sila. Perpekto ang lahat. Wala na silang mahihiling pa. Ngunit nagbiro ang tadhana at kinuha si Kara... Lumipas ang mga taon pero nananatiling nagmamahal ang puso ni Santi sa namayapang asawa. Hanggang sa makilala niya ang isang babaeng sa unang tingin ay inakala niya na si Kara...
Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 128,285
  • WpVote
    Votes 1,966
  • WpPart
    Parts 25
Angel Creed Trilogy Book 1: Angel's Tale By Bridgette Marie "Be with me... kahit saglit lang... Puwede naman tayong maging makasarili kahit ngayon lang, 'di ba?" Walang himala! Iyon ang itinatak ni Emie sa sarili mula nang biguin siya ng Langit nang mga panahong kailangang-kailangan niya ng himala. Hindi kasi nailigtas sa kamatayan ang kanyang pamilya nang masangkot ang mga ito sa isang trahedya. Bitter na kung bitter, wala siyang pakialam. At wala rin siyang pakialam kung siya na lang ang hindi apektado sa charm ng bagong doktor sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Weh? Hindi nga? Dahil ang totoo, dead-ma kuno si Emie kay Cassiel-dahil tuwing ngingiti naman ang doktor, ang puso niyang puno ng bitterness ay napapalitan ng sweetness. At mukhang sinusuwerte siya dahil panay naman ang lapit ni Cassiel sa kanya. Feeling ni Emie, sa wakas ay mukhang magiging masaya na siya. Pero ano itong nalaman niyang hindi raw maaaring manatili sa mundo ng mga tao si Cassiel? Ano raw?!
My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 997,382
  • WpVote
    Votes 14,809
  • WpPart
    Parts 38
My Darling Brat By Belle Feliz
MECHANIC OF THE DAY: MR. SUAVE COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 263,813
  • WpVote
    Votes 3,966
  • WpPart
    Parts 23
MECHANIC OF THE DAY: MR. SUAVE By Jinky Jamolin
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 671,710
  • WpVote
    Votes 12,313
  • WpPart
    Parts 27
Knight's Sweet Vow By Victoria Amor "Nawalan ng kakayahang magmahal ang puso ko mula nang mawala ka." Si Theo Knight ang kahulugan ng "ultimate crush" para kay Miliza, kaya lang ay best friend niya ito. Six years old pa lang siya ay kilala na siya nito. Lahat ng kapintasan niya ay memoryado nito at lagi nitong ipinapaalala sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, si Theo ang pinakaespesyal na lalaki sa buhay niya dahil sa vow nito na lagi nitong tinutupad. Pagdating nila sa high school, nag-renew ito ng vow. Hindi raw siya nito ibibigay sa kahit na sinong lalaki lang. Pakakasalan daw siya nito kung kinakailangan para mahadlangan nito ang relasyon niya sa maling lalaki kung sakali. Hinagkan siya nito sa mga labi para i-seal ang vow nito. Binago ng halik na iyon ang pintig ng puso niya, subalit magkasunod na trahedya ang naglayo sa kanila. At sa muling pagkikita nila, ibang Theo na ang nakaharap niya. Gusto uli niyang lumapit dito ngunit base sa ikinikilos nito, mukhang hindi na siya nito kailangan pa. Paano na ang damdamin niya para dito na nanatili sa puso niya sa kabila ng pagkakalayo nila?
Love Drunk COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 1,895,311
  • WpVote
    Votes 30,629
  • WpPart
    Parts 42
Love Drunk By Belle Feliz "I think I've been in love with you from the moment I first laid eyes on you." Tanggap na ni Elizabeth na nakatakda siyang mag-isa habang-buhay. Pero nang makilala niya si George ay hindi niya inakalang babaguhin nito ang buhay niya. They spent a night together. The next day, saka niya nakilala kung sino si George, kung gaano kalaki ang pangalan nito sa mundo ng telebisyon at kung gaano ito nirerespeto ng mga tao. Kaya nang malaman niyang nagbunga ang isang gabing pagsasama nila ay natakot siyang ipaalam ang tungkol sa anak nila at ikaila sila nito. Sa halip, pilit na lamang niya itong kinalimutan. Naging masaya siya sa pagiging ina; halos wala na siyang mahihiling pa. Pero may sariling paraan ang tadhana upang pagtagpuin sila ni George. Muli, binago nito ang buhay niya. He made her want things that were romantic and permanent. He made her want him so badly. Kahit nagsusumigaw ang isa na namang katotohanan sa pagkatao nito...