RegeeEscalante
- Reads 1,396
- Votes 81
- Parts 13
"Huwag na huwag magpapakita sa akin 'yang Kupido na 'yan. Makikita niya talaga ang hinahanap niya." - Lizzette Cabullo
Lizzette is a hopeless romantic, at isa sa mga G na G kay Kupido. Pakiramdam niya kasi ay lagi siyang pinagtitripan ng batang may diaper at pakpak, kaya ang resulta ay laging palpak ang lovelife niya. Nasa "wanted" list na nga niya si Kupido at talagang huhubaran niya ng diaper at tatanggalan niya ito ng pakpak kapag nagkrus ang landas nila.
Pero malaki yata ang galit sa kanya ng kanyang best enemy, dahil sa panahong gusto niya munang tumahimik sa usaping pampuso ay bigla nitong ipinadala ang isang Rence Soriano sa buhay niya.
Ang problema? Dahil pareho sila ng gusto - lalaki din ang type nito!
Ngayong nagtagpo ang landas nilang dalawa, matuto kayang madepensahan ni Lizzette ang puso niya, o matitibag ito ng taong iniligaw ng "best enemy" niyang si Kupido?