DJadine36
- Reads 5,892
- Votes 128
- Parts 49
Para kay Justine Ramirez, sapat na ang mahalin si Karen Ferrer-ang asawang kailanman ay hindi pa nakikita ang kanyang mukha dahil nakilala niya itong bulag dahil sa isang aksidente, ngunit buong-puso siyang tinanggap. Handa niyang tiisin ang bawat pang-aalipusta ng pamilya Ferrer, basta't nasa piling niya si Karen.
Ngunit sa isang iglap, gumuho ang kanyang mundo. Isang aksidente ang nagnakaw sa alaala ni Karen, kabilang ang bawat haplos at pangakong binitawan niya kay Justine. Sa gitna ng kanyang pangungulila, mas malupit na dagok ang inihanda ng mga Ferrer, at ito ay ang ipapakilala ang isang impostor kay Karen bilang kanyang asawa.
Paano lalaban si Justine kung ang lahat ay kalaban niya? Hanggang kailan siya mananatiling anino sa sarili niyang kuwento? Sa bawat pagsubok na paulit-ulit siyang ginigiba, ito ang kanyang walang katapusang siklo ng pighati.
Enjoy reading!💚
Started: October 13, 2021