pocketbooks series
14 stories
Impostor - COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,549,219
  • WpVote
    Votes 34,890
  • WpPart
    Parts 25
Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pinakamagandang mukhang nasilayan niya. At ang lalaking ninais niyang hangaan ang kagandahan ng mukha niya'y kinasusuklaman siya. Hindi siya maaaring manatiling asawa ni Jason dahil nakatakda siyang idiborsiyo nito. At lalong hindi siya maaaring bumalik bilang si Divina Ventura dahil taglay niya ang mukha ni Mariz Florencio. Kasamang namatay ng tunay na Mariz ang mukha ni Divina. Kaninong identity ang tataglayin niya?
Keith, The Heart Thief (Published under Precious Hearts Romances)  by margarette_ace
margarette_ace
  • WpView
    Reads 120,504
  • WpVote
    Votes 2,521
  • WpPart
    Parts 12
Unofficial Teaser. :) Sa mundong ginagalawan ni Keith dela Vega, lahat ay may katumbas na presyo. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit tinaggihan ni Carla ang alok niyang pera kapalit ng isang gabi kasama ito. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay napukaw na nito ang interes niya. She had a face of an angel and a body that is made for sin. Kahit na ilang beses siya nitong tanggihan ay nakikita pa din niya ang sarili na nilalapitan ito. Nakakita siya ng pagkakataong makasama ang dalaga nang bayaran niya ang pagkakautang ng mga ito kapalit nang pananatili nito sa tabi niya hanggang kailanganin niya ito. Sa mga araw na magkasama sila ng dalaga ay ipinaramdam nito sa kanya ang mga emosyong hindi pa niya nararanasan. Paano kung malaman nito ang tungkol sa kaugnayan niya sa isang underground organization na Black Lotus? Magawa kaya siya nitong mahalin kapag nalaman nito ang tungkol sa tunay niyang pagkatao?
One Night With Mr Gorgeous_Complete by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 1,074,592
  • WpVote
    Votes 22,962
  • WpPart
    Parts 17
One Night With Mr. Gorgeous by La Tigresa "I'm not going to marry you, Theo." "And do you think I want to? Wala akong choice. Nanay ka ng anak ko." Natameme si Arielle. "Hindi ko hinihingi sa 'yo na maging asawa ka sa akin oras na makasal tayo, Arielle. If you're worried about making love to me, huwag kang mag-alala, hindi kita oobligahin. Hindi ko rin naman matandaan na ipinilit ko ang bagay na 'yan sa isang babae. I can always find myself a woman to take your place anyway." Nag-init ang mukha ni Arielle sa inis. At sa ibang babae pala planong sumiping ng walanghiya at hindi sa kanya! 'Eh, kaninong kasalanan? 'Di ba ikaw naman 'tong nag-iinarte? 'Tapos, kapag naghanap siya ng ibang babaeng ikakama, maiinis ka.' Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit naman siya maiinis kung sakaling gawin nga ni Theo ang sinabi? Nagseselos ba siya? Pumapayag na ba siyang maging Mrs. Theo De Marco? Of course not! HIGHEST RANK : #24 in Romance #21 in random #5 in PHR PHR top 2 Best Seller for the month of March 2017 ================================
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,291,294
  • WpVote
    Votes 26,628
  • WpPart
    Parts 20
"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa sa kasalanang bagaman hindi niya ginawa ay inako niya. Isa lang ang alam niyang solusyon upang matahimik na silang pareho, ang magpakasal kay Arnel.
Sweetheart Series 1 by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,749,417
  • WpVote
    Votes 40,148
  • WpPart
    Parts 27
"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gift, waltz and song, promises and the very first kiss. All grow into a beautiful love noong eighteen siya under the stars and the moonlight. Makapanatili ba ang magandang pagibig when she was already pregnant at eighteen at si Renz ay tumalikod sa pangako.
Maybe Someday (Published under Precious Hearts Romances) by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 158,111
  • WpVote
    Votes 2,463
  • WpPart
    Parts 10
My very first approved novel from Precious Hearts Romances. "Ayokong marinig mula sa iyo na hindi mo na ako mahal." Pagkalipas ng apat na taon ay nagbalik si Cassandra sa Pilipinas para pagbigyan ang hiling ng kanyang amang may sakit. Sa pag-uwi niya ay nagkrus uli ang mga landas nila ni Anton Santillan. Hindi niya inakalang sa pagtatagpo nilang iyon ay gigisingin nito sa kanya ang isang damdaming pilit niyang kinalimutan-isang batang pag-ibig na nagdulot sa kanya ng ibayong sakit ng kalooban na siyang dahilan ng pag-alis niya sa bansa. Sa pag-uwi rin niyang iyon ay may natuklasan siyang isang bagay na gusto niyang pagsisihan: a child's play that ruined her chance at happiness. Magagawa pa ba niyang itama ang mga maling nagawa niya at bawiin ang pusong minsan ay naging pag-aari niya?
Miss President's Prince Charming (COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 167,891
  • WpVote
    Votes 2,927
  • WpPart
    Parts 10
PUBLISHED: May 2009 NOTE: this is my first ever PHR novel na sinulat ko noong bata-bata pa ako. Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. SO, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... And again, unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Please be KIND. :) ******************************************* Si Jannah Montelibano ay isang successful businesswoman, independent at matapang. Wala sa bokabularyo niya ang mga salitang "kasal" at "lalaki." Ngunit nang makita niya ang bagong silang na anak ng kanyang best friend ay bigla siyang nainggit. Gusto na rin niyang magka-baby-minus marriage. Gusto lamang niya ng lalaking magbibigay sa kanya ng anak pero kapag nakabuo na sila ay tapos na rin ang papel nito sa kanyang buhay. Si Russell Torres ang napili niyang maging daddy ng kanyang baby. Akmang-akma kasi ang mga katangian nito na hinahanap niya para sa magiging ama ng kanyang anak-guwapo at kilalang basketball player pero happy-go-lucky at takot sa responsibilidad at commitment. Pero bago nila maisagawa ang binabalak ay kailangan muna nilang maging komportable sa isa't isa. In short, kailangan nilang mag-date-palagi. "Gusto mo lang yatang maka-date ako, eh," buong kaarogantehang bintang nito sa kanya.
Miss Diagnosed (COMPLETED/unedited/raw version) Published under PHR by YsadoraPHR
YsadoraPHR
  • WpView
    Reads 173,066
  • WpVote
    Votes 4,485
  • WpPart
    Parts 16
"Hindi ko naman kasalanan ang mahalin ka. Ang kasalanan ko ay naniwala akong mahal mo rin ako." Na-diagnose si Yui na may brain cancer. Realizing that her time was running short, she allowed herself to experience what she missed in life-including losing her precious virginity to a hot gorgeous man she just met in a bar. Pero biglang tumawag sa kanya ang ospital na pinagpa-checkup-an niya at sinabing mali ang naibigay sa kanyang resulta ng test, na maayos na maayos naman talaga siya! Kaya dahil sa excitement ay agad niyang hinanap si Mr. Hot Gorgeous Man na naka-one-night stand niya upang sabihin ang magandang balita. Nakita nga niya ang lalaki. May kahalikan nga lang na ibang babae sa mismong tapat ng hotel room kung saan may nangyari sa kanilang dalawa! Gusto na lang mag-move on ni Yui, pero nalaman niyang hindi lang ito magiging isang hot gorgeous man sa buhay niya but also a hot gorgeous boss na napaka-demanding. Que horror na kamalasan iyan! Published under Precious Hearts Romances last December 2015.
Minsan Dito Sa Puso Ko (Published by PHR) (Completed) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 837,982
  • WpVote
    Votes 17,946
  • WpPart
    Parts 19
Minsan Dito Sa Puso Ko by Martha Cecilia Published by PHR
For The Love of Alyssa COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 698,278
  • WpVote
    Votes 13,635
  • WpPart
    Parts 15
Nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang linggo ay nagpakasal si Alyssa sa ama ng binata, kay Jaime Villaroman, Sr. Bakit ginawa iyon ni Alyssa gayong taglay niya sa sinapupunan ang bunga ng pag-iibigan nila ni Jim?