philosophicalfilth's Reading List
4 stories
Wish List Number Ten: Love Me Again by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 115,847
  • WpVote
    Votes 2,701
  • WpPart
    Parts 10
Chryzelle had given Calix three hundred and sixty-five chances every year. But he wasted them all. Hanggang isang araw ay nag-quota na ang puso niya. Hiniwalayan niya si Calix na parang naging daan naman para ma-realize nito ang importansiya niya. Si Calix naman ang humabol-habol sa kanya pero dead-ma na siya sa muling panliligaw nito. Pagod na siya. Pero para namang pinapaikot siya ng tadhana. Circumstances made her closer to him again making her fall for him all over again. Until one day, she found herself agreeing to the last wish on his list. Minahal niyang muli si Calix at binigyan ng panibagong pagkakataon. But will that one thousand eight hundred and twenty-fifth chance be worth it?
12 Gifts of Christmas: The Gift by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 41,709
  • WpVote
    Votes 1,169
  • WpPart
    Parts 12
"This something special that's going on between us, sinisiguro ko sa 'yo na hindi magtatapos ngayong Pasko." Parehong nakatanggap ng tsekeng may malaking halaga sina Maeve at Landis bago ang unang araw ng Disyembre. Ang kapalit ng malaking halaga na iyon ay ang pananatili nila sa isang mansiyon kasama ang dati nilang guro hanggang sa araw ng Pasko. Napili sila dahil parehong mag-isa lang sila sa darating na Pasko. Kapwa rin sila nawalan ng mahahalagang tao sa buhay sa araw mismo ng Pasko. Maeve lost her husband. Landis lost his child. Magkaklase sina Maeve at Landis noong high school ngunit hindi naging malapit sa isa't isa. He was a jock; she was the geek. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makilala nang husto ang isa't isa noong kabataan nila. This Christmas, they received beautiful gifts. Isang magandang posibilidad ng bagong buhay.At isang bagong pag-ibig.Isang magandang pagkakataon upang magsimulang muli. Mabubura ba ng Paskong ito ang malulungkot na alaala ng nakaraang Pasko? note: unedited and 12 chapters long. happy reading. merry christmas! :)
The Unscripted Love (UNEDITED & COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 102,935
  • WpVote
    Votes 1,852
  • WpPart
    Parts 10
PUBLISHED: May 2011 Dalawa ang rason ni Marivic kaya pumayag siya sa pakulo ng kanyang ina na makipag-date siya kay Lance. Una, gusto niyang makuha ang pinakaaasam na bakanteng unit sa commercial building na pag-aari ng pamilya niya para sa itatayo niyang studio. Pangalawa, gusto niyang mapanatag ang kanyang ina na wala siyang balak sumunod sa yapak ng mga tiyuhin at tiyahin niya na pawang matatandang binata at dalaga. Si Lance naman ay pumayag sa kapritso ng kanyang ina alang-alang sa pinakamamahal nitong negosyo. At para masiguro na makukuha nila ang kanya-kanyang gusto, nagkasundo sila na magpanggap na nagkakamabutihan. Pulido at walang palpak ang drama nila. Pero sa malas, ang puso yata niya ang pumalpak. Sineryoso niyon masyado ang pagpapanggap nila ni Lance kaya ngayon ay nasa bingit ng panganib iyon dahil alam niyang hindi siya ang tipo ng babae ni Lance...
A WISH FROM CHRISTMAS PAST (a holiday story) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 128,193
  • WpVote
    Votes 3,579
  • WpPart
    Parts 33
Magkaibang magkaiba sina Reira at Simon Ker. Si Reira ay positibo, lumaki sa isang masaya at mapagmahal na pamilya at pasko ang paboritong holiday. Habang si Simon Ker naman ay ubod ng sungit, may hindi magandang alaala ng kanyang kabataan at ayaw sa pasko. Sa unang tingin ay isang bagay lang ang tila ugnayan ng dalawa - iyon ay ang pagiging regular customer ng binata sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Reira. Hanggang makilala ni Reira ang lolo ni Simon Ker at marinig ang kwento ng pag-ibig ng matanda. Sa tulong ng love letters at journal nito na pinakupas na ng panahon, desidido si Reira na hanapin ang first love ni lolo Flor bilang regalo rito sa pasko. E ano kung hindi sangayon ang binata? Hindi rin naman nito natiis na hindi sila tulungan sa paghahanap. Along the way ay hindi na lamang ang love story ni lolo Flor ang naging laman ng isip ni Reira. Lalo at unti-unti niyang nadidiskubre ang dahilan ng komplikadong personalidad ni Simon Ker. At na hindi lang naman pala puro sungit lang ang mayroon ito. That he can also be caring and... lovable. Bigla ay hindi na lamang ang lolo nito ang gusto ni Reira na bigyan ng masayang pasko. Mas higit niyang nais pasayahin ang binata. Gusto niyang... mahalin siya nito. Pero dahil sa isang pangyayari ay sinabi ni Simon Ker na nagsisisi itong nakilala siya nito. Hindi na nga siya minahal, nagalit pa sa kaniya. Mukhang si Reira tuloy ngayon ang makakaranas ng malungkot na pasko.