ONLY ME
95 stories
Velvety Flame (Chains of Passion Book III) by Bb_Anastacia
Bb_Anastacia
  • WpView
    Reads 1,195,169
  • WpVote
    Votes 16,162
  • WpPart
    Parts 17
SPG-18 Isang dating pag-ibig na hindi makalimutan. Isang gabi ng kapusukan. Kaya bang pawiin ng apoy ng pagnanasa ang pait sa kanyang puso? O iyon ang magiging daan upang matagpuan niya ang isang bagong pagsuyo? Out of rebellion ay ipinagkaloob ni Belinda ang sarili sa estrangherong nakilala sa resort. Only to discover later on na ang lalaking 'yon ay walang iba kundi si Terrence Lam--isa sa matalik na kaibigan ng lalaking una niyang minahal. Like a moth to a flame, she was a willing victim who easily fell for his sweet beguiling smile. Huli na nang matuklasan niyang inakit lamang siya nito upang maprotektahan ang babaing importante rito. Hurt and broken, she went away. Hanggang sa muling nagtagpo ang kanilang mga landas. At tulad noon, mistula na naman siyang gamu-gamo na naaakit lumapit sa apoy.
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,605,701
  • WpVote
    Votes 37,223
  • WpPart
    Parts 17
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva. At, eh, ano, kung si Marco ay may pinakaseksing ngiti na nakita niya? At, eh, ano rin kung masarap at mahusay itong humalik? Isa pa rin itong kaaway at gusto nitong pagbayarin siya sa kasalanan ng daddy niya.
Kristine Series 3: Dahil Ikaw COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 686,169
  • WpVote
    Votes 15,695
  • WpPart
    Parts 16
Sa loob ng maraming taon ay noon lamang nalaman ni Alexa na may kakambal siya, si Sandra, at kasalukuyang comatose dahil sa isang aksidente. At kinakailangang pakasalan niya ang reluctant groom nitong si Jake bilang si Sandra. Subali't paano si Bernard de Silva na umaasang silang dalawa? Paano rin kung magkamalay si Sandra at akuin nito ang katayuan bilang asawa ni Jake? Paano rin si Jake sa sandaling malaman nitong hindi siya si Sandra?
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 2,050,053
  • WpVote
    Votes 49,245
  • WpPart
    Parts 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine. Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.
Sweetheart 6 - Mrs. Winters (Soon Your Name And Mine Are Going To Be The Same) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,458,896
  • WpVote
    Votes 28,730
  • WpPart
    Parts 27
Mula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan matalik ni Kate na si Moana. Si Moana na ang gusto'y si Vince. Kahit na nasasaktan ay nagparaya si Kate, walang lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman. Sa gabi ng graduation party ni Moana ay natuklasan ni Rafael na mali pala ito ng pinag-ukulan ng damdamin. At ang tunay na pag-ibig ay nasa tabi lang pala nito. Subalit paano pa nito maipaparating kay Kate ang damdamin gayong ang buong pamilya nito'y nangibang bansa na?
Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,606,664
  • WpVote
    Votes 30,804
  • WpPart
    Parts 28
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y lahat ng mahal niya'y nakuha na ni Jaime ang atensyon. She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walang gustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa at tiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home. Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nagbalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya. She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya'y nadadarang siya kay Jaime.
Sweetheart Series 4: My Knight In Shining Armour (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,935,355
  • WpVote
    Votes 37,788
  • WpPart
    Parts 28
"Shut up, Moana, I don't kiss little girls with braces!" Moana Marie was fifteen and had this stupid crush on Vince Saavedra, cool and drop-dead gorgeous. But her feelings for him was way out of line. Walong taon ang tanda nito sa kanya, may girlfriend, apprentice sa kompanyang pag-aari ng daddy nya, higit sa lahat: Hindi nito pinapansin ang panunukso niya. Pero bakit laging naroon si Vince sa tuwing kailangan niya ito that she became dependent on him? When Vince left, it broke her heart. Now, he was back after four years. CEO and general manager ng bangkong pag-aari ng mga magulang niya. Hindi lang ang bangko ang hinahawakang tungkulin ni Vince sa pagbabalik nito. He also assured his role as her self-appointed big brother. What now? Nawala nga ang crush niya rito, nahalinhinan naman ng mas malalim. She was falling in love with him.
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,292,290
  • WpVote
    Votes 26,629
  • WpPart
    Parts 20
"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa sa kasalanang bagaman hindi niya ginawa ay inako niya. Isa lang ang alam niyang solusyon upang matahimik na silang pareho, ang magpakasal kay Arnel.
With This Ring (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,103,028
  • WpVote
    Votes 24,274
  • WpPart
    Parts 22
"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya sa mga ahente ng white slavery na tangkang dalhin siya sa Maynila. Sa pagtakas, sa isang cargo ship siya napatakbo. Napapasok sa isang bakanteng cabin at nagtago sa closet. Hindi nagtagal ay dumating ang umookupa ng cabin. At mula sa closet ay kitang-kita niya nang maghubo't hubad si Gino! Sa tingin niya ay tila ito isang "Greek god"! Paano siya lalabas? Saan siya pupunta? Naglalayag na ang cargo ship!
Only You (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 881,028
  • WpVote
    Votes 16,067
  • WpPart
    Parts 18
Maari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damdamin niya. At ang dislike ay nauwi sa hatred nang ilayo siya ni Nico kay Cholo nang araw na handa na niyang ipagkaloob ang sarili sa kasintahan. Ano ang nangyari at tila nagmamakaawa siya ngayong hingin ang pag-ibig ni Nico?