Late Night Files Series
7 stories
Untamed Souls (LATE NIGHT FILES SERIES 4) by PenInProgress
PenInProgress
  • WpView
    Reads 17
  • WpVote
    Votes 8
  • WpPart
    Parts 2
May mga lugar na dapat na manatiling hindi pinupuntahan. May mga kaluluwang ligaw na hindi pa rin nakakatawid. Tuwing sasapit ang Nobyembre, nandiyan sila pakalat kalat at humuhingi ng hustisiya. Si Alona Dalisay, isang kolehiyana na may tinatagong taglay at kakayahan. Gagamitin niya kaya ito sa tamang paraan o patuloy na itatago at hahadlangan ang nakatadhana?
Mga Mata Ni Anghelita (LATE NIGHT FILES SERIES 7) by justherhighness
justherhighness
  • WpView
    Reads 443
  • WpVote
    Votes 24
  • WpPart
    Parts 3
Isang himala ang muling pagkabuhay ni Anghelita Dela Cruz, kasama ng kaniyang ikalawang buhay ang mga kakayahang hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Nakakakita siya ng mga kaluluwang hindi matahimik. Nakaririnig siya ng mga tinig na hindi niya alam kung saan nagmumula. At kaya niyang pagalingin ang sugat at karamdaman ng mga nabubuhay pa. Sa halip na itago ang kaniyang kakayahan, pinili ni Anghelita na gamitin ito upang imbestigahan ang mga kasong hindi kayang lutasin ng mga pulis-mga kasong nilamon na ng katahimikan, pero patuloy na sumisigaw ng hustisya. Sa tulong ng kaniyang 'koneksyon' sa kabilang dimensyon, haharapin niya ang limang lugar na may madilim na kasaysayan; mga lugar na pinamumugaran ng hiwaga, takot, at mga kaluluwang uhaw sa katotohanan. Ngunit habang mas lumalalim siya sa bawat kaso, unti-unti ring nabubuksan ang mga piraso ng kaniyang sariling nakaraan. Isang nakaraang mas misteryoso, mas madugo, at mas konektado sa mga patay kaysa sa mga buhay. Sino ba talaga si Anghelita Dela Cruz? Ano ang tunay na dahilan ng kaniyang muling pagkabuhay? At kapag ang katotohanan ay mas nakakatakot kaysa sa mga multo, handa ba siyang harapin ito?
THE SEEKER'S ART ( Late Night Files Series 1) by vivaciouswitch
vivaciouswitch
  • WpView
    Reads 77
  • WpVote
    Votes 23
  • WpPart
    Parts 3
Nine Months. Sunrise on the 17nth. by Kahel Asuncion Let me tell you a story but first don't forget to hit like and please leave comments. Thankyou. ;)
Lapit Ka Lang (LATE NIGHT FILES SERIES 2) by Heitcleff
Heitcleff
  • WpView
    Reads 139
  • WpVote
    Votes 15
  • WpPart
    Parts 4
Pagkaraan ng mahabang panahon ng pananahimik, nagpasya si Lorena na bumalik sa kanilang probinsya at tumungo sa limang lugar na pinuntahan ng kanyang kapatid bago ito pumanaw. Layunin niyang maunawaan kung bakit patuloy siyang sinusundan ng amoy ng kanyang kapatid, ngunit sa bawat lugar na pinupuntahan niya, unti-unti rin niyang nararamdaman ang pagguho ng kanyang katinuan. Habang sinusundan niya ang bawat bakas ng halimuyak, unti-unting nabubunyag ang mga lihim ng kanyang nakaraan-hanggang sa matuklasan niyang siya rin pala ang pinagmumulan ng lahat ng kababalaghan.
UNHEARD WHISPER (LATE NIGHT FILES SERIES 5) by cactushoney
cactushoney
  • WpView
    Reads 458
  • WpVote
    Votes 39
  • WpPart
    Parts 3
Lahat ng nakakatakot ay may kwento. Bawat iyakan ng mga kaluluwa may nakakarinig. Mga bulong na akala'y wala lang. Kung naririnig mo ang kwento nila, handa ka bang ibigay ang katarungan na hanap nila? Sundan ang paglalakbay ni Juday Bartololoy sa isang nakakatakot at nakakaaliw na sagupaan, laban sa nga bida-bidang multo.
ANTIPARA (LATE NIGHT FILES SERIES 8) by StacyValerry
StacyValerry
  • WpView
    Reads 49
  • WpVote
    Votes 7
  • WpPart
    Parts 4
"The world is clearer than you think." ****** Ang akala ni Clark "Morris" De Silva ang pagiging blurry vision lang ang mabigat niyang problema. But he was wrong. His new glasses didn't just correct his sight. They opened his eyes to a horrifying world of restless spirits. From a timid vlogger, Morris becomes a psychic investigator, forever bound to the chilling truth that some things are better left unseen... and undisturbed. ©ALL RIGHTS RESERVED 2025 Barrozo, StacyValerry
ECHOES OF THE SHADOWS ( LATE NIGHT FILES SERIES 6 ) by XevireBuevo
XevireBuevo
  • WpView
    Reads 22
  • WpVote
    Votes 9
  • WpPart
    Parts 3
Kilala si Georgina Celeste Soleil o Georg Celeste sa internet dahil sa kanyang mga inilalathalang artikulo patungkol sa mga haunted places. Tinagurian siyang HUNTRESS OF THE UNTOLD ng kanyang mga fans. Hindi lang dahil sa mga nakakatakot na kanyang isinusulat. Kung hindi dahil sa pagsisiwalat niya ng mga katotohanang ikinukubli sa mga tao. Pero kontra ang kanyang ama sa kanyang gawain. Nagbanta pa ito sa kanya na tatanggalan siya ng mana. Ngunit hindi nagpasindak si Georgina. Ipinagpatuloy niya pa rin ang kanyang gawain. Mas mahalaga sa kanyang malaman ng lahat ang mga nakatagong lihim sa mga sinasabing haunted places. At magagawa niya iyon sa tulong ng kanyang kakayahang makita ang nakaraan ng bawat lugar, bagay, at tao mismo. Kung ikaw ba si Georg, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa at ginagawa? Paano kung paglaruan ka ng iyong sariling isipan? Kakayanin mo kaya?