PHR❤️
2 stories
Black Magic Woman by Rose Tan by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 703,080
  • WpVote
    Votes 11,673
  • WpPart
    Parts 44
"And if I'm under your spell, I wish to stay bewitched forever..." Jake was in trouble at ang makalulutas lamang ay si Atty. Buluran. Ngunit may kondisyon ang tusong abogado: Pakakasalan ni Jake ang anak nito. Pumayag ang playboy. Palaki ng lola si Willa. Ordinaryo? Hindi. Sapagkat ang kanyang lola ay isang authentic witch na nagmula sa Siquijor. Itinuro nito sa kanya ang lahat ng nalalaman sa mahikang itim. Bewitched. Iyan ang salitang tugma kay Jake nang masilayan si Willa. Sinuyo nito ang dalaga at hindi naman nabigo, sapagkat si Willa ay kaagad ding nabighani kay Jake. Ngunit nalaman niya ang tungkol sa kasunduan ng binata at ng kanyang ama. Hindi pala totoo ang pag-ibig ni Jake. Ngayon ay isasagawa niya ang kanyang ultimate magic ritual upang gantihan ito. Paano na ang pag-ibig ni Jake? Tubuan kaya ito ng maraming kulugo, o lalo pa kayang humaba ang kanyang ilong?
The Ladies' Man Meets Toni Villanueva by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 110,479
  • WpVote
    Votes 1,733
  • WpPart
    Parts 10
Just for a day, she wanted to be the woman he loved. Oo, nababaliw na siya at wala siyang magawa para pigilin iyon. Toni automatically liked Luis the first time she saw him. Napaka-charming ni Luis at maraming kababaihan ang nahuhumaling dito, including her friends. Kailangang makuha ni Toni si Luis dahil kapag nangyari iyon ay kaiinggitan siya ng lahat. Nakahanap siya ng paraan upang mapalapit kay Luis. Kaibigan pala ito ni Japheth-her twin's best friend. Humingi siya ng tulong kay Japheth at ang kapalit ay tutulungan naman niya itong digahan ang kakambal niyang si Trinity. Alam kasi ni Toni na may gusto si Japheth sa kakambal niya ngunit sadyang torpe ang lalaki. Nangako si Japheth na tutulungan siya ngunit nang nasa proseso na sila ng kanilang "pagtutulungan" ay nagkaproblema. Habang tumatagal kasi ay naramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya rito. Nagising na lang si Toni isang araw na nagpapanggap na may gusto pa rin kay Luis para lang may dahilan siyang lapitan si Japheth. Kaya lang, siya lang yata ang nagbago dahil si Japheth ay si Trinity pa rin ang gusto...