Car Wash Boys
8 stories
Car Wash Boys Series 8: Wayne Castillo by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 49,435
  • WpVote
    Votes 1,248
  • WpPart
    Parts 10
"I fell in love with you yesterday, I fell for you more today. And I promise to fall in love with you for the rest of my life." Teaser: Walang habas na pumasok si Laiza sa loob ng Shop na pag-aari ng sikat na basketball player na si Wayne Castillo. Aalukin sana niya ito ng Insurance, ngunit, nabato siya ng bola ng isang customer doon. Sa pangalawang pagkakataon na nagkita sila, nagulantang ang buong mundo niya nang bigla siya nitong halikan sa labi sa harap ng ayon dito ay Mommy nito, at ng isa pang babae. At ang mas kinaiinis pa niya, sinabi pa nitong girlfriend siya nito at nagli-live in na sila. Nang itatanggi niya ang mga sinabi nito, muli siyang hinalikan nito. Nang tila ma-korner siya ng pagkakataon, napilitan siyang sakyan ang palabas nito. Sa pagdaan ng mga araw ng pagpapanggap niya, hindi niya namalayan na nahuhulog na ang loob niya dito. Unti-unti ay mas nakikilala niya ito. Ngunit dumating ang pagkakataon na kailangan na nilang tapusin ang palabas. Kasunod ng isang katotohanan na kailan man ay hindi siya minahal nito. Kung kailan hindi na alam ni Laiza, kung paano gigising sa umaga ng wala na ito sa buhay niya.
Car Wash Boys Series 6: Jefti Tinamisan by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 54,213
  • WpVote
    Votes 1,235
  • WpPart
    Parts 11
"You're all I ever wanted. And nothing in this world can ever compare the joy that you bring in my life." Teaser: Wala pa man din muwang sa mundo ay magkaibigan na si Jefti at Sam. Sanggang-dikit. Partners in Crime. Punching Bag. Crying Shoulder. Clown. Iyan sila sa isa't isa. Sharing anything under the sun. At sa paglipas ng panahon, sa pagbabago sa buhay nila. Kasabay din niyong nagbago ang tibok ng puso ni Jefti para sa matalik na kaibigan. Ngunit ang masakit doon, tila wala itong ni katiting na pagtingin sa kanya. Kaya natutuhan niyang makuntento na lang sa pagiging matalik na kaibigan nito. Hanggang sa dumating ang isang pangyayari na nagbago ng pakikitungo nila sa isa't isa. Dahil sa katuwaan at pustahan, naglaban sila ni Sam sa billiards. Kapag nanalo si Sam, magiging Assistant siya nito sa Fairytales. Kapag siya naman ang nanalo, makikipag-date ito sa pinsan niyang si Wayne ng limang beses. At dahil siya ang King of Billiards ng Tanangco, natalo niya ito. Kaya nakipag-date ito sa pinsan niya. Ngunit, sa bawat date ng mga ito, pakiramdam ni Jefti ay namamatay siya ng paulit-ulit sa selos.
Car Wash Boys Series 3: Marvin Ison by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 104,589
  • WpVote
    Votes 2,290
  • WpPart
    Parts 10
"I'm in love with you from the start. And I'll be loving you 'till the end." Teaser: Razz has set her eyes on Marvin since high school. He was the campus most popular boy. Kulang na lamang ay tumalon ang puso niya palabas ng dibdib niya sa tuwing nginingitian siya nito. Pero parang mantilikilya na natunaw ang paghanga niya dito ng pahiyain siya nito sa mismong araw ng stage play nila. And she hated him, since that day. Pinangako niya sa sarili na iyon ang una't huling beses na magsasama sila sa isang proyekto. Iyon din ang araw na dineklara niya sa sarili na isa ng mortal na kaaway na ang turing niya dito. Sa paglipas ng panahon, dumating ang pagkakataon na kinailangan nilang muling magsama sa isang proyekto. Dahil kapwa sila mahilig sa bata, inatasan sila ng Barangay na maging bida sa isang pagtatanghal na para sa mga bata. Ang pagpayag niya sa proyektong iyon yata ang isa sa malaking pagkakamali niya. Dahil sa paglipas ng nga araw na kasama niya ito, hindi niya maiwasan na muling tumibok ang puso niya para dito. Handa na siyang ipaglaban ang pag-ibig niya para kay Marvin ng dumating sa kanya ang isang balita na muling dudurog sa puso niya. May iba nang minamahal ito.
Car Wash Boys Series 2: Miguel Dustine Despuig by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 113,811
  • WpVote
    Votes 2,261
  • WpPart
    Parts 10
TEASER: Nang dahil matinding pangangailangan sa pera. Napilitan si Sumi na balikan ang isang gawain na matagal na niyang tinalikuran at pinangako na hindi na muling babalikan pa. At ang naging target niya, ay ang guwapo at mayaman na si Miguel Dustine Despuig. Okay na sana ang lahat ng mabuking nito ang modus operandi niya. Saka niya napag-alaman na isa pala itong pulis. Ngunit sa halip na hulihin siya nito at ikulong. Isang parusa ang ginawad sa kanya nito. Ang maging kasambahay at tumira sa piling nito. At sa pagtagal ng mga araw na nagsasama sila sa iisang bubong. Unti-unti ay nahuhulog ang loob niya dito. Hanggang sa magising siya isang umaga, na mahal ang lalaking nagmistulang anghel na pinadala sa kanya ng Diyos. Okay na sana ang lahat sa buhay niya, dahil sa pagmamahal na inuukol din sa kanya ni Miguel. Pero dumating ang isang pangyayari na siyang nagdulot ng panganib sa kanyang buhay. Handa na ba siyang iwan si Miguel, at sumuong sa kamatayan?
Car Wash Boys Series 1: Prince Daryl Rivera by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 171,704
  • WpVote
    Votes 2,827
  • WpPart
    Parts 11
"Kung sa mata ng buong Pilipinas, anak ako ng Presidente. Sa mga mata mo, gusto kong makita mo ako. Bilang isang simpleng lalaki na nagmamahal sa'yo." Teaser: Jhanine is a simple girl living a simple life. Kuntento na siya sa kung ano man ang ipinagkakaloob sa kanya ng Diyos. Kung meron siyang nirereklamo sa buhay niya, iyon ay ang pang-aasar sa kanya ni Prince Daryl Rivera. Ang kababata niya at anak ng Senador. Ang simpleng pamumuhay niya ay biglang nagbago ng masangkot sila ni Daryl sa isang eskandalo at malathala ang mukha nila sa diyaryo ng magkalapat ang mga labi. Kaya nang magkita sila, sinalubong niya ito ng isang suntok. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya ng sa mismong harap niya at ng mga kasamahan niya sa trabaho, ay sinabi nito na in love daw ito sa kanya. At sa pagdaan ng mga araw na nagkakasama sila. Hindi na yata napigilan ni Jhanine ang sarili na mahalin ang lalaking dati'y mortal niyang kaaway. Isa lang ang tanging gumugulo sa isip niya, kayanin kaya niya na harapin ang klase ng mundo na ginagalawan nito? O mas nanaisin na lang niyang talikuran ito at bumalik sa simpleng buhay na nakasanayan niya?
Car Wash Boys Series 4: Rod Jester Labayne by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 81,464
  • WpVote
    Votes 1,653
  • WpPart
    Parts 10
Sa pagdaan ng mga araw, minahal kita. Hanggang sa naging mahal na mahal na kita. Hanggang sa hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka. Teaser: Kamille is a Chinese-Filipino, with a family who believed in an old tradition on arranged marriage. And she hates it. Dahil ang tradisyon na iyon ang naging dahilan upang mawala ang matalik niyang kaibigan at lalaking minahal niya, si Adrian. At dahil doon, nag-rebelde siya. At sa pagkawala nito, gusto niyang labis na pagsisihan na hindi niya ito naipaglaban noon. Nawala ito ng hindi man lang nito nalalaman ang tunay niyang damdamin para dito. Hanggang sa makaramdam siya ng kapaguran sa mga nangyayari sa buhay niya. Umalis siya sa kanila at nagpunta sa kaibigan niya si Sam. Nang mapadpad siya sa Tanangco, doon nakilala niya si Jester. Binalik nito ang mga ngiti sa labi niya, ang saya sa puso niya. Tinunaw nito ang nakabalot na yelo sa puso niya. Sa paglalim ng pag-iibigan nila, tila nauulit ang nakaraan. Kaya pinangako niya sa sarili na hindi niya hahayaan pang mawala ito muli. Ipaglalaban niya si Jester.
Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle Bandong by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 78,527
  • WpVote
    Votes 1,443
  • WpPart
    Parts 10
"Nang malaman ko ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig. Pangalan mo agad ang binulong ng puso ko." Teaser: Fairytales. Iyan ang pangalan ng business ni Marisse. She's a Wedding Planner. And she loves Weddings. Gaya ng ibang babae, nangangarap din siyang magsuot ng isang puting trahe de boda at ikasal sa lalaking pinakamamahal niya. Ngunit mananatili lang na isang pangarap iyon kung ang tinatangi ng puso niya ay tila hindi na niya maabot. Sa pagbalik ni Kevin sa Pilipinas. Nagkaroon sila ng pagkakataon na ipagpatuloy ang pagmamahalan nila. Ngunit ang sayang naramdaman niya ay panandalian lang pala. Nang isang araw ay tumambad sa kanya ang isang masaklap na balita, ikakasal na si Kevin. Handa na siyang tanggapin na kailan man ay hindi na mapapasakanya ito. Ngunit hiniling ni Susane na siya ang mag-ayos ng kasal nito at Kevin. Kahit magmu-mukhang suicide ang gagawin niya. Pikit-matang pumayag siya. Sa bawat na nakikita niya ang dalawa na magkasama, labis na sakit ang dulot niyon. Hanggang kailan ba niya kayang tiisin ang lahat? Na ang iniibig niya ay nakalaan sa iba. Siguro, mas makakabuti kung lumisan at magsimula ng panibagong buhay ng wala si Kevin sa buhay niya.
Car Wash Boys Series 7: Glenn Pederico by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 80,355
  • WpVote
    Votes 1,660
  • WpPart
    Parts 11
It's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight. Teaser: Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hindi siya iibig, hindi niya hahayaan na umiyak ng dahil sa lalaki. Kasabay ng pangako niyang iyon, ay ang pagkamuhi niya sa mga lalaking nanloko at naging dahilan sa pagkabaliw ng Ate niya. Ngunit nakilala niya si Glenn Pederico, ang guwapong negosyante at Doctor. Pinakita agad nito ang interes nito kanya, pilit niya itong iniwasan at tinaboy palayo dito. But fate always brought them together. Hanggang sa natutunan niyang tanggapin ito sa buhay niya. And then, she woke up one morning falling deeply in love with him. Okay na sana ang lahat, ngunit isang masakit na katotohanan ang bumulaga sa kanilang dalawa. Hindi niya matanggap na isa pala si Glenn sa mga nanloko sa kapatid niya noon. At ang pinakamasakit sa lahat, bakit hindi niya kayang kamuhian ito?