THE SEEKERS #5: The Protector's Struggle
LyxValentine
LUCIJA'S KEYS #1: THE SEEKERS #4: THE PROTECTOR'S STRUGGLE
Ang akala ni Claude ay depressed lang siya o kaya ay nababaliw na kaya kung minsan ay nakakarinig siya ng kung anu-ano. Pero paano kung may eksplanasyon ang lahat ng nangyayari sa kanya?
Bata pa lang may mga naririnig na siyang tinig. Hindi madalas mangyari iyon. Taon ang lumilipas bago mangyari uli kaya kaagad din niyang nakakalimutan. Isa pa hindi rin naman niya naiintindihan ang mga sinasabi ng mga boses na iyon. Pero unti-unting dumadalas ang mga tinig na naririnig niya at mas nagiging klaro ang mga lengguahe. Iyon nga lang, hindi rin niya maintindihan dahil yari bang hindi galing sa mundo ang lingguaheng iyon.
Noong una ay wala siyang pakialam sa mga naririnig. Hanggang sa maaksidente siya kasama ang mga kapatid niya. Doon nagsimula ang lahat ng kaguluhan sa pamilyang Castillion.