Kuya_Ani123
#Love has no gender. Malaya tayong ibigay ang salitang pagmamahal sa mga taong gusto natin, walang tama at mali pagdating sa taong pinili ng isip at puso.
Dala ng mapaghusgang lipunan hindi ko maamin ang tunay kong nararamdaman sa taong minahal ko ng lubusan. Nalilito o natatakot sumubok kung dapat ko bang ibigay ang salitang pagmamahal kay Vincent Canlas, hindi lang pagmamahal bilang isang kaibigan kundi higit pa. Ako si Kevin Lazaro, sumubok magmahal sa taong kapareho ko ng kasarian, nasaktan dahil tinraydor ng sarili kong kaibigan, at sa huli natutong bumangon sa kulungang binuo ng lipunang aking kinagisnan. Babalikan ko ang lahat kung paano at kailan nagsimula ang kwento naming dalawa, mula sa pagiging superior niya hanggang sa mahulog ang kalahating piraso ng puso ko sa akalang sya ang bubuo dito. Maaari bang maging happy ending ang relasyon naming dalawa o katulad lang sa kwento ng iba? Mahal ko sya... mahal ko pa rin sya, alam kong katangahan ang bumalik sa nakaraan ngunit ito lang ang tanging paraan para malaman ko ang katotohanan, na hindi ko sa kanya pinakinggan kaya ako nasasaktan.