AKHIHO
- Reads 220,436
- Votes 8,289
- Parts 1
"tita ayoko ko po!"
saad ko habang nagpupumilit na kumalas mula sa mahigpit na pagkakahawak ni tita sa braso ko.
hinablot nya ang braso ko dahilan para mapawingi ako sa sakit. bahagya kaming lumayo sa lalaking nakaupo sa couch habang humihitit ng sigarilyo.
Bahagya pa itong sumulyap ng tingin saamin bago humitit.
Hinarap ako ni tita habang nakahaaak parin ng mahigpit sa braso ko.
"Diba napagusaan na natin to? Simple lang namn yung gagawin mo Vince. Susunod ka lang sa utos nila, akala mo ba madali para saakin to?" Gigil nyang saad saakin.
Yumuko lang ako kasabay nun ang unti unting pagtulo ng mga luha ko.
"Isipin mo nalang ginagawa mo to para sa Daddy mo! Alam mo kung gaano natin ka kailangan ng pera ngayon."
Galit at nagugulumihanang sambit nito sabay yapos sa namamawis nyang noo.
"Pwede naman po akong gumawa ng ibang paraan, mag do-double shift po ako sa bar hanggang makapag-ipon ng pang pyansa kay Dad"