Kristine Series ❤
8 stories
Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
Kristine Series 5, Villa Kristine COMPLETED(UNEDITED)
MarthaCecilia_PHR
  • Reads 404,341
  • Votes 9,389
  • Parts 20
Mula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Diana na nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung kasama ang lalaking naghagis ng pera sa mga holdaper. Wala siyang maaaring pagkatiwalaan. Subalit hindi siya pinakawalan ni Bernard na nangangakong ilalayo siya... but there would be a price to pay at kumapit siya sa patalim. And Diana didn't even know his name but he promised safety. Pero ligtas ba siya sa mga matang kasing-itim ng gabi? Ligtas ba siya mula sa mga labing nangangako ng langit? At paano ang literal na panganib na nagbabadya sa kanya?
Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED  (UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED (UNEDITED)
MarthaCecilia_PHR
  • Reads 624,472
  • Votes 16,440
  • Parts 22
Nagawang paghiwalayin ni Leon Fortalejo sina Jewel at Bernard noong una. Nagkaroon ng relasyon si Bernard kay Sandra kaya umalis si Jewel patungong Amerika with a broken heart. After almost three years, bumalik siya sa kagustuhan na rin ni Leon. Si Bernard ay malaya na ngayon. After years of loneliness and miseries, muli silang nagkasundo at nagpasyang magpakasal. Pero taglay ni Leon Fortalejo ang lihim ng pagkatao ni Bernard na nakatakdang sumira sa pag-ibig ng dalawa. Magtagumpay kaya si Leon sa ikalawang pagkakataon?
Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)
MarthaCecilia_PHR
  • Reads 432,950
  • Votes 12,161
  • Parts 18
"...I have a better idea, sweetheart." Nanunudyo ang mga mata ni Romano nang sabihin iyon sa masungit na estranghera. "Ditch your lover and take up with me instead." Sa ikalawang araw matapos gawing pormal ni Derick ang engagement nila, natuklasan ni Bobbie ang kataksilan ng fiancé. At sa mismong araw din na iyon, she met the most irritating but exceedingly handsome man. Pero wala siyang intensiyong makipagkilala rito. Hindi niya type ang mga lalaking nagtataglay ng maraming R. Romano. Rugged. Rough. Rude. Rich. In that order. Oh well, may isang R na gusto si Bobbie. Romantic. At hindi si Romano iyon who was so brutal in telling her na iisa lang ang gusto sa kanya­-bed partner.
Mga Latay ng Pag-ibig (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
Mga Latay ng Pag-ibig (COMPLETED)
MarthaCecilia_PHR
  • Reads 335,084
  • Votes 7,355
  • Parts 16
Walang hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz sa bayan nila. Unica hija ng isang ranchero. Kasama ng kabayong si Ivory ay hindi iilang tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit o inagrabiyado ang dalaga. Hanggang kay Daniel...Ang kaisa-isang lalaking hindi niya mapayuko. Sa halip ay binigyan siya nito ng "dose of her own medicine." Mga latay mula sa sarili niyang latigo.
Kristine Series 3: Dahil Ikaw COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
Kristine Series 3: Dahil Ikaw COMPLETED (Published by PHR)
MarthaCecilia_PHR
  • Reads 657,954
  • Votes 15,352
  • Parts 16
Sa loob ng maraming taon ay noon lamang nalaman ni Alexa na may kakambal siya, si Sandra, at kasalukuyang comatose dahil sa isang aksidente. At kinakailangang pakasalan niya ang reluctant groom nitong si Jake bilang si Sandra. Subali't paano si Bernard de Silva na umaasang silang dalawa? Paano rin kung magkamalay si Sandra at akuin nito ang katayuan bilang asawa ni Jake? Paano rin si Jake sa sandaling malaman nitong hindi siya si Sandra?
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo) by MarthaCecilia_PHR
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo)
MarthaCecilia_PHR
  • Reads 1,543,870
  • Votes 36,594
  • Parts 17
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva. At, eh, ano, kung si Marco ay may pinakaseksing ngiti na nakita niya? At, eh, ano rin kung masarap at mahusay itong humalik? Isa pa rin itong kaaway at gusto nitong pagbayarin siya sa kasalanan ng daddy niya.
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila by MarthaCecilia_PHR
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila
MarthaCecilia_PHR
  • Reads 1,984,597
  • Votes 48,473
  • Parts 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine. Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.
Kristine series by Jiramarie05
Kristine series
Jiramarie05
  • Reads 69,956
  • Votes 1,149
  • Parts 1
Sgesge!!