icancieyou's Reading List
6 stories
A Kidnapper's Mistake by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,245,189
  • WpVote
    Votes 137,752
  • WpPart
    Parts 28
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakamali kung tatakpan ito ng panibago pang pagkakamali? Namulat si Nightmare sa mundo ng digmaan at paghihiganti para sa katarunangan ng kaniyang mga magulang na walang-awang pinatay noong siya ay bata pa. Kasama niyang lumaki si Leon na siyang apo ng kanilang Commander at itinuturing niyang kapatid. Ngunit paano kung dahil sa isang misyon ay magbago ang takbo ng plano at maging ang kanilang mga kapalaran? Si Audrey ay isang reporter na puno ng prinsipyo sa buhay. Isang dalaga na may angking sikretong tinatago sa kaniyang pagkatao na hindi niya maaaring sabihin kahit kanino. Nang dahil sa isang pagkakamali ni Nightmare ay nagbago ang takbo ng buhay ni Audrey. Paano pa maitutuwid ang pagkakamali ng isang kidnapper na nahulog na sa bitag ng pag-ibig? Book Cover by: @WattpadBetaTeam Date Written: November 26, 2014 Date Finished: December 07, 2018
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha Cecilia by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 981,111
  • WpVote
    Votes 15,329
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?
SecreTary  by SleaphRow
SleaphRow
  • WpView
    Reads 1,012,478
  • WpVote
    Votes 15,021
  • WpPart
    Parts 39
Tarisha Lynne Valdez Galing sa isang mayaman at respetadong pamilya. Tinuring na prinsesa at pinalaking may dignidad at respeto sa sarili. Nang makilala niya si Vaughn Pierre Errua, ang solong tagapagmana ng Errua Pharmaceutical sa buong Asya. That hour, she knew she was inlove with the man who owned the most striking features. He was forthright gorgeous. Kaya ginawa niya ang lahat para mapansin nito. Pati koneksyon ng pamilya ginamit niya para mapalapit dito. At humantong na naging sekretarya siya nito. Everything were almost perfect. Pero ng nalaman niya na ikakasal na ito ay tila parang bula na naglaho ang kanyang pagasa. Handa nasa niyang ibaon sa limot ang pagibig ng mangyari ang isang pagkakamali. Pagkakamaling naulit ng naulit ng ilang beses. Sila ay tila mga kahoy sa desyerto na pagpinagsama at sinindihan ay sumasobog at mas lalong naglalagablab sa apoy. Apoy na puwedeng ikapaso nilang pareho. She knew what she into. Tagainit lang naman siya ng katawan nito. Dahil ang babaeng pakakasalan nito ay hindi pa dapat galawin hangat hindi pa naisasagawa ang kasal. Inshort parausan lang siya nito. His secret mistress. His secret affair. His secret whore. His SecreTary. Hangaing kailang ba yuyurakan ni Tarisha ang sariling dangal? Sapat na ba ang pagmamahal niya para tiisin lahat ng sakit mula sa taong hindi naman siya kayang mahalin? May hanganan ba ito? O mananatili lang siyang isang sekreto...
You And I by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 127,000
  • WpVote
    Votes 2,704
  • WpPart
    Parts 24
"I knew I loved you the first time I saw you. AndI'm falling over and over again every time I look at you." Kung gaano katagal nang kaibigan ni Rey si Casey ay ganoon na rin katagal na umiibig siya sa binata. Ngunit tila hanggang pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Gayunman, patuloy pa rin niyang minamahal ito nang lihim at idinadalangin sa Diyos na sana ay dumating ang panahon na matutugunan din nito ang pag-ibig niya. Tila dininig naman ng langit ang mga dasal ni Rey dahil isang araw ay biglang nagbago ang pakikitungo ni Casey sa kanya. Bigla itong naging extra sweet at maalalahanin. Nagkaroon tuloy siya ng dahilan upang ipaglaban ang nararamdaman niya para dito. Ngunit nang nakakita na siya ng pag-asang makamit ang puso nito, bigla naman siyang ipinagtabuyan nito nang paulit-ulit. Hanggang sa dumating sa puntong hindi na nagpakita o nagparamdam si Casey sa kanya. Dahil sa labis na pagmamahal niya rito ay inalam niya ang dahilan ng ipinagkakaganoon nito. Sa nalaman ni Rey masusubok kung gaano talaga katatag ang pag-ibig niya rito... Author's Note: This is one of the first stories I've ever written. Fifth book ko yata 'to? And I must've written this from year 2012. Anyway this story holds a very special place in my heart. Hope y'all like it. I'm going to update this every other day. Thank you. ?
MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 380,344
  • WpVote
    Votes 4,490
  • WpPart
    Parts 21
"Kung tungkol kay Anthony... na sabi sa akin ni Ally ay nakita ka raw niya na parang lalapit sa stage pero bigla ka na lang tumalikod. Siguro nakita mo 'yong ginawa ni Anthony, niyakap niya ako at humalik pa. Hindi ko inaasahan na gagawin n'ya 'yon. Teka, nagseselos ka ba? Ano ba'ng ibig sabihin no'ng hinalikan mo ako? Para lang patunayan na hindi ka baklus? Hindi ka bading? Eh, kung sabihin sa 'yo, oo, sobrang masaya ako na hindi ka pala totoong bakla! Slow lang talaga ako. Hindi ko agad na-realize na hindi ka pala gano'n. Binalikan ko sa isip ko 'yong pagkikita natin... ako 'yong nag-assume na bading ka. Ewan ko ba kung bakit ko naisip 'yon that time. Ang nakakaasar, sinakyan mo! I hate you, Kiel!"
My Perfect Fake Boyfriend [PHR] by jnkbernardo
jnkbernardo
  • WpView
    Reads 110,595
  • WpVote
    Votes 1,806
  • WpPart
    Parts 12
Book 3 of EMERALD FROST SERIES "Makita lang kitang nakangiti, handa na uli akong masaktan." Isang babaeng pasaway at isang lalaking napipilitang iligtas siya sa tuwing nadadawit siya sa gulo. Isang kasunduan ang magiging daan upang magsasama sila sa loob ng one hundred days. Book 3 of Emerald Frost Sequels Danica and Cray's story