Frustratedwriter0806
Samu't saring emosyon. Iba't ibang damdaming lumulukob sa katauhan ng tao - pagnanasa sa laman, sa karangyaan at kapangyarihan, pag-ibig, paghihiganti, pagdurusa.
Si Elaida, isang dalagang laki sa baryo. Mahinhin, inosente at likas ang kagandahang angkin. Mistulang ligaw na bulaklak na nagsisimulang namumukadkad na pilit nilalaban ang malakas na unos na tatangay sa kanyang mga talulot na di pa man tuluyang nakabuka upang maipakita ang angking ganda nito.
Ating samahan si Elaida sa pakikipagtuos sa hamon ng buhay, ang pakikipaglaban sa iba't ibang damdaming umaalipin sa mga taong nakapalibot sa kanya.