kathayana
- Reads 12,830
- Votes 360
- Parts 35
Warrior of San Marcelino Series #2
Sila dapat ang ligtas kong espasyo; kung saan may katahimikan at kalayaan. Ang tahanan ang dapat sandigan at hindi rason ng kalungkutan. Sa bahay na 'yon dapat tumatahan ngunit doon ko kailangang magpakatatag. Sila ang espasyong pumipilit sa aking maging hindi ako. Sila ang tahanan aking iniiyakan.
Sa bawat araw na lumipas ang mga emosyong dapat niyakap ay tinutulak. Pati ang taong nagbigay ng mga emosyon ay akin ding tinulak. Ang taong nagsilbing tahanan ay aking iniwan. Hindi ko kayang tumanggap dahil iyon ay kahinaan. Ayokong maging bukas dahil mahirap at nakasanayan. Kailangan ko ng oras; hindi ito ang tamang panahon para magkatuluyan.
Habang ako'y hinuhilom ng panahon, ikaw ay naiwanang wasak. Subalit nanatili kang tahanang inuuwian ng aking mga luha.
Started: January 15, 2025
Ended: June 3, 2025