FrstrtdRayter
May kasabihan na dapat maging mabuting tao tayo.
Pero ano nga ba ang basehan sa pagiging mabuting tao? Mapagbigay, laging umiintindi, mapagpasensya, mapagmahal, pagkakaroon ng mabuting kalooban at takot sa Diyos?
Paano kung palagi kang nagbibigay pero kahit kailan hindi nakakatanggap?
Paano kung lagi kang umiintindi pero ikaw hindi naiintindihan?
Paano kung lagi kang nagpapasensya pero inaabuso ka?
Paano kung lagi mo silang inuuna dahil sa pagmamahal mo pero ikaw kahit sa huli ng listahan nila wala ka?
Paano kung lagi kang mabuti sa kanila pero sila mabuti lang sa'yo kapag kailangan ka.
Paano kung lagi mo silang naaalala pero kahit minsan hindi ka kinamusta?
Paano kung natatakot ka sa Diyos kaya ayaw mong maging masamang tao pero kabaliktaran ang balik sa'yo ng mundo?
Hindi na ba matatawag na mabuting tao kung lahat ng ginawa nilang masama ay gusto mong ibalik sa kanila?
Hindi na ba matatawag na mabuting tao kung sarili mo naman ang uunahin mo at wala ka ng pakialam sa iba?
Ano nga ba?
Halina't samahan at subaybayan ang kwento ng ating bidang si Ace na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan at pinaranas sa kaniya ng mundo paano niya kaya iginapang at nilampasan ang lahat ng mga ito?
All rights reserved 2025
~~
For my readers (Kung meron man), your votes, comments or any suggestions are highly appreciated. Thank you!