ChennalynAguda's Reading List
10 stories
Tears of Heaven (Tears Series #1)  by MsKindGirl
MsKindGirl
  • WpView
    Reads 7,574,819
  • WpVote
    Votes 180,915
  • WpPart
    Parts 55
PUBLISHED UNDER TALKING PAGES Tears Series #1: Sieana Claire Atienza Naisipan ni Sieana Claire Atienza na lumuwas ng Manila para doon na mag-aral. Tutol man ang kanyang mga magulang, nagpumilit pa rin siya sapagkat may gusto siyang takasan. Walang iba kundi ang lalaking nanakit sa puso niya, ang kanyang first boyfriend. Hindi niya akalain na sa loob ng dalawang taon nilang relasyon ay niloloko na pala siya ng taong lubos niyang minahal. Masakit. Sobrang sakit para sa kanya kasi halos ibigay na niya ang lahat pero nagawa pa rin siyang lokohin nito. Isa lang ang nasa isip niya, ang lumayo sa lalaking nanakit sa kanya. Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya magmamahal kasi natatakot na siyang muling masaktan. Posible nga kayang mangyari 'yon kung makilala niya si David Ryker Santiago na ubod ang sama ng ugali sa Univeristy na kanyang nilipatan. Marami rin ang nagsasabi na aloof ang lalaking 'yon kasi iwas siya sa mga tao. Ngunit paano kung ang aloof guy na tinatawag nila'y wala nang ginawa kundi ang bwisitin siya... Hahayaan niya bang makapasok 'to sa buhay niya o ilalayo niya ang kanyang sarili kasi natatakot na siyang muling masaktan pa? Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,280,699
  • WpVote
    Votes 1,333,792
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
The Promise of Happily ever after by DiosaEnriquez
DiosaEnriquez
  • WpView
    Reads 848
  • WpVote
    Votes 159
  • WpPart
    Parts 80
Book 2 na po ito na aking story.. Sa mga hindi pa po nakakabasa ng book 1 ang title po ay " Single but heart is already taken" you must read first the book 1 para mas maganda ang takbo ng kwento sa ating mga imagination.. Hope you like and love my story.. Kindly vote if you like the flow of my story and type your comments para sa reactions or suggestions nyo para sa ikakaganda ng story.. at ....bago ko makalimutan ang tauhan at kwentong ito ay pawang gawa lamang ng malikot na imahinasyon ng author.. love love love lang tayo ..no more hate 😉 ♥️ DPL
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove by RJPM18
RJPM18
  • WpView
    Reads 1,570,079
  • WpVote
    Votes 22,357
  • WpPart
    Parts 98
Si Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng hilain nya si christina sa iskinita at nakawin ang FIRST KISS nito. That's very cruel. NBSB pa naman ang dalaga, doon nagsimula nag isang aso't-pusang bangayan nila. The owner of the school which is the mother of Brian Thomas Fuentes hired Chris as the girlfriend of his son kapalit ng libreng tuition fee sa pinasukan nito pero meron pala syang secret mission and that is making brian happy again. HAPPY AGAIN? AGAIN? Hindi ba masaya si brian? Anu ba si brian noon? Bakit si Christina ang pinili ng mommy ni brian? si brian ay isang anghel din noon, pero anung nangyari at naging "DEVIL" ang bansag sa kanya? - Isang istoryang tumatalakay sa pagibig, pagkakaibigan, trust, betrayal and loyalty. I THOUGHT I HAVE A BULLETPROOF HEART, UNTIL I MEET HER.. - Brian Thomas Fuentes
In a Relationship with a DEVIL Book II - Fall Apart by RJPM18
RJPM18
  • WpView
    Reads 331,813
  • WpVote
    Votes 5,769
  • WpPart
    Parts 44
I always thought of happily ever for him and me. Sa sobrang pagiisip ko nagusto ko nang mala-fairytale na love story. Nakalimutan kong nasa realidad pala tayo. Nakalimutan kong hindi pala ito katulad nang mga fairytale stories o katulad ng mga kwentong ipinapalabas sa telebisyon. Isang perpektong kwento na gawa ng magagaling na manunulat. Ang sa aming dalawa, ay isang realidad. Ang fairytale na kwentong gusto ko ay malayo sa realidad. Hindi ko naisip iyon. Sa pagsasara ng kwento naming dalawa. May bagong magbubukas, isang kwentong magmumulat sakin sa katotohanang hindi lahat.. may happy ending.
Single But Heart Is Secrectly Taken by DiosaEnriquez
DiosaEnriquez
  • WpView
    Reads 542
  • WpVote
    Votes 82
  • WpPart
    Parts 41
This is my second story I want to try again Sana magustuhan nyo and please mag comment naman kayo para sa ikakaganda ng story ♥️ Sa mga makakabasa nito .. kindly vote if you like my story if not kindly comment down para marevise ko i want to make a story na swak para sa mga imagination nyo mwahh 😘 Naranasan mo na bang mag ka crush sa hindi mo inaasahang tao Yung tipong aso at pusa kayo at kulang nalang di siya ipinanganak sa mundo dahil pag nandiyan siya puro kamalasan lang nman ang dala niya sa buhay mo.. Tapos biglang pag gising mo naramdaman mona lang na gusto mo na pala siya ... Paano, kelan at bakit Mga tanong sa isip mo Pero ang traydor mong isip at puso Siya ang iniisip at pinipintig .. Iintayin mo nalang ba na destiny ang gumawa ng way para makulayan ang mga kasiyahan at gusto ng puso mo... O Lulunukin mo ang pride mo para Gumawa ng move na mag papansin ka at ipush yang nararamdaman mo para sakanya ..
In a Relationship with a DEVIL Book III - Fall into Place by RJPM18
RJPM18
  • WpView
    Reads 360,414
  • WpVote
    Votes 6,062
  • WpPart
    Parts 43
Tatlong taon ang lumipas. All the memories still lingers inside his head and his heart. Ilang beses na nya itong sinusubukang itapon pero paulit-ulit pading bumabalik na para bang isang masamang panaginip na hindi nagpapatulog sa kanya sa gabi. She wanted his gone and he made her wish come true. Scew Everything. Brian Thomas Fuentes is still not moving. Nakuha nya ang lahat. Nakabangon na sya sa matinding pagkadapa. Parang bangungot lang ang nangyari tatlong taon na ang nakalipas pero sariwang-sariwa padin ito sa kanyang ala-ala. He love's her more than he would ever know. Waiting things Fall into Place was never been easy as well as Waiting three years for the girl that you loved to comeback in your life is another goddamn story, But, Brian Thomas Fuentes takes it all. What does it takes to have a happily ever after story?
The Rain in España (University Series #1) by 4reuminct
4reuminct
  • WpView
    Reads 159,333,742
  • WpVote
    Votes 3,587,397
  • WpPart
    Parts 38
University Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studying Legal Management in Ateneo De Manila University. With family pressure on him, he tried so hard to maintain his high grades as a Dean's Lister until Luna from UST Architecture came.
Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 40,115,305
  • WpVote
    Votes 996,756
  • WpPart
    Parts 34
Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil... Baka Sakali... Baka Sakali... Kaya mo bang sumuko sa pagba baka sakali?
Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 44,636,129
  • WpVote
    Votes 1,011,797
  • WpPart
    Parts 34
Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil... Baka Sakali... Baka Sakali... Pero hanggang saan ang pagbabaka sakali mo?