Yhang9811's Reading List
7 stories
Roses Are Red, Violets Are Blue - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 11,426
  • WpVote
    Votes 215
  • WpPart
    Parts 12
"When we danced that day, my heart was forever caught by a young girl's smile... and the prettiest face I laid my eyes on..." Natagpuan ni Viola ang sarili na bihag ng pag-ibig na kinakulungan ni Gio at ng kanyang ina. Tiniis niya ang hapdi ng dulot ng katotohanang nakikita siya ni Gio bilang si Violeta. Ngunit kaya ba niyang makipagkompetensiya sa kanyang ina? Paano niya makukumbinsi si Gio na siya si Viola at hindi si Violeta?
Sweetheart 16: My Wayward Wife - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 8,583
  • WpVote
    Votes 139
  • WpPart
    Parts 29
"Your father paid me to marry you, Cielo. Not to bed you. Pero mapag-uusapan natin iyan. Should you want me to sleep with you, all you have to do is ask and I'll oblige willingly." Makalipas ang pitong taon ay bumalik sa Trinidad si Gael para lang matuklasang nakatakdang ilitin ng bangko ang lupain nila na isinanla ng tatang niya bago ito namatay. At iyon ang hindi niya mapapayagang mangyari. Ang problema ay wala siyang maisip na paraan para mabayaran kahit man lang ang interes ng pagkakasanla. Then Vince Saavedra, the bank CEO, made an offer Gael could hardly refuse. Ibabalik nito sa kanya ang titulo ng lupain niya at ang deed of sale ng iba pa niyang ari-arian pakasalan lamang niya ang anak nito - the stubborn, spoiled, but beautiful Cielo Saavedra. Gael would marry the she-devil herself if it was the only way to get his property back.
Mananatili Kang Akin - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,348
  • WpVote
    Votes 140
  • WpPart
    Parts 11
"Pinakasalan kita dahil iyon lang ang paraan upang mapasaakin ang aking anak. Pero hindi nangangahulugan iyon na pahihintulutan kitang makipagtagpo sa ibang lalaki. Mananatili kang akin, Janis..." Janis swallowed the vile things she wanted to hurl at him. Dalawang buwan pagkatapos nilang ikasal ay umalis si Rolf at nangibang-bansa. Lihim siyang natuwa dahil naingatan ng paglayo nito ang lihim niya. But after three and a half years, he was back. At nakapagtatakang sa kabila ng pagkasuklam niya rito ay hindi niya kayang tanggapin na may ibang babaeng pinag-uukulan ito ng pansin.
The Substitute Bride - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 8,865
  • WpVote
    Votes 181
  • WpPart
    Parts 31
Brent Guttierez was tall, dark and wow!. She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang taong pagtatrabaho niya rito bilang sekretarya ay naitago niya nang mahusay ang damdamin niya dahil may kasinatahan na ito at nakatakdang pakasalan, si Candra. Dalawang linggo bago ang kasal nito ay umalis si Candra, leaving a note to postpone the wedding for at least a week. Walang balak si Brent na i-postpone ang kasal nito. And he needed a substitute bride to save his family from a scandal at upang pasakitan si Candra. At available si Wilda. Tatanggihan ba niya ang katuparan ng kanyang mga pangarap?
Kristine Series 53: I Have Kept You In My Heart - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,281
  • WpVote
    Votes 111
  • WpPart
    Parts 30
Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of her past. She was six weeks pregnant. Ayon sa lahat ay isa siya sa dalawang taong nakaligtas sa isang banggaan ng bus at pickup truck na nahulog sa bangin. She was told days later that she was Mrs. Emmy Javier, ang asawa ng isa pang nakaligtas sa aksidente. Subalit paanong hindi niya maramdaman na asawa nga niya si Philip Javier? Totoong wala siyang maalala sa nakaraan niya, pero hindi ba at hindi naman nakalilimot ang puso? Bakit sa kaibuturan ng puso niya ay naroon ang pananabik sa ibang lalaki? Lalaking sa palagay niya ay kabahagi ng pagkatao niya?
Kristine Series 56: Jose Luis Morrison Monte Falco - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 6,380
  • WpVote
    Votes 163
  • WpPart
    Parts 29
She was running for her life. Sa nakalipas na anim na taon ay inakala niyang ligtas na siya. Subalit sa kaunting minutong nasilayan ang mukha niya sa telebisyon ay nagsimula na ang maraming panganib sa buhay niya. She staged her death. Hanggang sa matagpuan siya ni Jose Luis. Big, tall, and lethal. Hindi lang iyon, the man was sexy as hell. Iniligtas siya nito sa isang tiyak na kamatayan. Subalit tinakasan na niya ang lalaking ito anim na taon na ang nakararaan. Kasama ba ito sa mga nagtatangka sa kanya? Gayunman, may palagay si Cheyenne na mas nanganganib ang puso niya rito kaysa sa buhay niya.
El Paraiso - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,249
  • WpVote
    Votes 84
  • WpPart
    Parts 30
Sabi nga nila, kapag totoong mahal mo ang isang tao ay napakahirap bigkasin ang mga katagang "mahal kita" kaysa sa yaong hindi naman totoong nagmamahal na kay daling manulas sa bibig ang "I love you." Nang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. natuklasan din niya mula sa taguan ng kanyang ina ang mga lumang sulat na nagtuturo sa kanya sa isang lugar na hindi man lang niya narinig sa buong buhay niya. While travelling to El Paraiso, she was bewildered by strangers who mistook her for somebody else. Most especially from an arrogant, handsome stranger that unnerved her. Natuklasan niyang ang El Paraiso ay akmang pangalan para sa bayang iyon. The small town was picture-perfect. Muli silang nagtagpo ng aroganteng lalaki na siyang nagmamay-ari ng hotel na tinututuluyan niya. Adrian Olivar was always there in every turn. Subalit paraiso nga ba ang lugar na pinuntahan niya? Paanong unti-unti niyang natuklasang maraming lihim na tinatatago ang munting bayang iyon?