KnightInScarlet
- Reads 178
- Votes 56
- Parts 27
Mga tula para kay Alexandra
Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan,
Tila isang panahon na walang kasiguraduhan.
Ugali mo bigla na lang napapalitan,
Wala naba talagang forever sa kapaligiran?
Huwag kang mag-alala dahil ika'y aking mamahalin,
Kahiy anong mangyari landas mo'y aking tatahakin.
Sa tuwing mundo mo'y halos gumuho, ako'y iyong tawagin,
Nandito lang naman ako para likod mo'y hagurin.
Sa totoo lang, ako ay nahihirapan na,
Sa mga panahong pakiramdam ko'y sumuko kana.
Panigurado ay nagmumukha na akong tanga,
Sa kakahintay sa iyo kahit na alam kong ako ay wala ng pag-asa.
#TOKATBALIKAT2020