ArphyM25
- LECTURAS 84
- Votos 4
- Partes 17
Si Blank Levi ay isang karaniwang binatang walang ibang hangad kundi ang mamuhay nang simple at maayos. Ngunit tila isinumpa siya ng tadhana-kahit anong trabaho ang pasukin niya, palaging nauuwi sa pagkabigo. Pakiramdam niya, pinaglihi siya sa kamalasan at napapahamak pati ibang tao na nakikilala niya. Isang umaga, matapos niyang ihatid ang kanyang ina sa sakayan, aksidente siyang nasangkot sa isang pangyayaring babago sa takbo ng kanyang buhay.
Nakasaksi siya ng isang krimen. Ninais niyang tumulong subalit huli na ang lahat, nakita niya mismo ang huling hininga ng biktima. Sa gitna ng takot at kalituhan, tumakas siya dala ang pulang hoodie ng lalaki-isang maliit na desisyong magdudulot ng malaking pagbabago sa kanya.
Ilang sandali lang, isang itim na van ang humarang sa kanya. Bago pa siya makapagsalita, pinasakay siya ng mga di kilalang lalaki sa loob-napagkamalan siyang kasapi ng isang lihim na organisasyon. At doon nagsimula ang kwento niya, mula sa pagiging isang ordinaryong mamamayan, sa isang iglap ay magiging pinuno pala siya ng misteryosong grupong ito na tinatawag na Snake Organization-isang samahang itinatag sa dilim, at may misyong palaganapin ang kasamaan sa mundo. Ano kayang mangyayari sa organisasyong ito sa ilalim ng kanyang pamumuno? Magtagumpay kaya siya? O, papalpak pa din gaya ng dati?