heysomnia
- Reads 165,322
- Votes 9,995
- Parts 30
Upang talunin ang Sect Master ng Arial Sword Sect - ang tanging susi sa pagtunton sa taong nagbigay ng Lavender Cursed Stone kay Jedan - kailangang makamit ni Grim ang imposible: ang tunay na lakas.
At alam niyang iisang tao lang ang makakatulong sa kaniya - si Mival Wilxes - ang kaniyang unang guro na siyang nagligtas sa kaniya sa pagkaalipin, at ang taong nagturo sa kaniya kung paano mangarap nang mataas.
Ngunit nawawala ito. Huli itong namataan sa Dreadland - isang sagradong lupain na tinitirhan ng mga Buddharmas, mga nilalang na kinamumuhian ang sangkatauhan.
Gayunman, tila ipinahihiwatig ng mundo na hindi pa siya handa - kailangan pa niyang maghintay at magpalakas. Ngunit paano siya maghihintay kung ang bawat segundo ay mahalaga?
At kung impyerno ang kailangan niyang pasukin upang iligtas ang buhay ng isa sa iilang taong naniwala sa kaniya-
Sisiguruhin niyang ang impyerno mismo ang luluhod sa harapan niya.
©Book Cover Illustration by my self